Chapter 132

66 2 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 21

Maingat ngang naglalakad sila Yumi, James at Elbert dahil baka makita sila ng tatlong kidnappers.

"Medyo malayo pa po ang bahay namin"-saad nga ni elbert habang naglalakad sila.

"Kalayo pala ng kinakahuyan mo?"-tanong naman ni james.

"Opo, tiyagaan lang talaga. Kasi po pag uuling po ang kinabubuhay namin eh. Ngayon nga po wala akong nakuha kasi nga kaylangan ko kayong tulungan"

"Pasensya na ah, napurnada tuloy ang pangangahoy mo, wala ka tuloy magagawang uling ngayon"-ani james.

"Okay lang 'yun. Mas mahalaga naman ang kaligtasan at buhay ninyo"

"Maraming salamat ulit ah, buti nakita mo kami. Hindi na talaga namin alam ang gagawin namin eh"-saad muli ni james.

"Walang anuman po, kahit sino naman po sigurong maka kita sa inyo. Tutulungan kayo"

"Hindi din. Hindi lahat kasing buti mo. S'yempre 'yung iba matatakot kaya aalis na lang 'yun kaysa ang tumulong."

"Kung sa bagay may point ka naman po, doctor ka po ba?"

"Ah, oo. Doctor ako sa makati hospital"-tugon ni james.

"Wow! Alam mo po ba na ospital ang mahirap sa amin dito? Napaka layo po. Kaya nga po 'yung iba namam4tay na lang ng hindi manlang naipapagamot o naidadala sa ospital eh"

"Hala, nakaka lungkot naman na malaman 'yan.."-sabay tingin nga niya kay yumi at napansin niyang nahihirapan na itong maglakad.

Basa na rin ang harapan ni yumi dahil na rin sa gatas nito. Kaya naman mabilis na hinubad ni james ang kaniya coat at isinuot ito kay yumi.

"Pumasan ka na sa'kin"

Hindi na nga tumanggi si yumi at pumasan na kay james.

"Mukhang kapapanganak lang ni ate ah"-ani elbert.

"Oo, 2 months pa lang"-tugon ni james.

Nanlalata na nga si yumi kaya naman dumukdok na lang ito sa balikat ni james at pumikit.

"Grabe ang mga kidnappers na 'yun, walang pinipili. Kawawa naman ni ate. Kapapanganak pa lang pala. Baka mabinat s'ya, kuya?"

"Kaya nga eh, nag-aalala nga ako sa kaniya"

"Mag-asawa po ba kayo?"

"Ah, h-hindi. Magkaybigan kami. Kuya ko 'yung asawa n'ya. Kaya naman hipag ko s'ya"

Tumango-tango naman si elbert.

"Nga pala, may cellphone ka? Makikitawag sana kami e, para sabihin sa pamilya namin na ligtas na kami"

"Naku kuya.. wala po. Wala nga din signal dito eh. Wala din kuryente. Malayo kami sa palengke. Hindi din nakakapasok ang motor sa amin kasi 'yung tulay namin kawayan lang. Tapos kaylangan mo ding dumaan sa ilog bago ka makarating sa kalsada. Tapos hindi pa doon ang bayan. Malayo pa"

"Ha? Napakalayo pala? Buti kinakaya n'yong mabuhay sa ganitong lugar? Malayo ang ospital at palengke tapos wala pang signal at kuryente"

"Tiyagaan lang po talaga..sanay na po kami."

"Saang lugar pala 'to?"

"Bongabon, Nueva Ecija po"

"Nasa Nueva Ecija kami?!"-gulat na tanong ni james at inayos si yumi.

"Opo, napaka layo po ng pinagdalhan sa inyo. Galing pa po ba kayo ng maynila n'yan?"

"Oo eh, sa tingin mo ano'ng oras na? Kinuha din kasi nila ang relo at cellphone ko eh"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now