Halos hating gabi na ng mag-uwian ang mga ka banda ni franco, nagkantahan pa nga sila kaya parang may concert ang mansyon.
Biglang tahimik nga ng mag-uwian na ang mga ito.
"Eriz, pre! Gising ka pa?"-tanong ni francis kay eriz ng sagutin nito ang kaniyang tawag.
"Pre? Sabog ka ba?"
"Ha?! Sabog?"
"Oo! Malamang gising pa ako nasagot ko nga tawag mo eh"
"Oo pala HAHAHAHA. Eh, malay ko ba kung nagising lang kita. Tsaka bakit pala gising ka pa?"
"Hinihintay kong mag reply 'yung supladang ka text ko. Yung binigay mong text mate. Sabi mo mabait 'yun? Suplada naman pala"
"Suko agad? Gano'n naman mga babae eh. Masungit kapag hindi pa nila kilala. Kaya mo 'yan."
"Baka naman may picture ka n'ya? Send mo sa'kin sa messenger. Eriz Cruz"
Sinend nga ni francis kay eriz ang picture nila yumi, irah, michelle na kasama si nida.
"Wow! Kay gaganda..pero mas maganda pa rin ang yumi ko"-reply ni eriz sa messenger.
"Ehem! Ano'ng yumi mo? Yumi ni kuya.. hulaan mo kung nasaan ang nida mo d'yan"
"Yung nasa gitna siguro?"
"Mali! Si irah 'yun"
"Ah..'yung nasa unahan? Tama ba?"
"Oo, s'ya nga"
"Halla totoo?! Kaya naman pala suplada eh! Maganda! Ayoko..ayoko..mabibigo lang ako d'yan."
"Suko na agad? Gwapo ka rin naman ah"
"Pre?"
"Oh?"-reply ni francis.
"Nagugwapuhan ka sa'kin?"
"Oo! Gwapo ka naman talaga. Kaso mukhang may saltik"
"Shemay! Saltik talaga? Ehem pre.. what if tayo na lang? I think mas bagay tayo"
"Shvta pre! Bakla ka ba?"
"Nakaka bakla ka kasi. Yung mga kagaya mo 'yung mga tipo ko. Maganda ang katawan. Matangkad, makinis tapos 'yung labi parang ang sarap halikan. Mukhang ang lambot lambot"
"Tigilan mo ko eriz ha.. kinikilabutan ako sa'yo!"
"Pre, i like you.. mwah mwah😘"
"Bw!set ka eriz😂"
"HAHAHAHAHA! Kadiri 'di ba? What if mabasa ni nathalie 'yan? Naku pag umpugin siguro tayo😂 Pero seryoso pre nahiya ako bigla. Ang ganda pala nung nida..ano lang ba naman ako? Hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Kargador lang sa palengke minsan amoy isda minsan amoy bulok na prutas HAHAHAHAHA"
"Wala 'yan sa estado ng pamumuhay.. basta mabuti kang tao, magugustuhan ka din ng taong gusto mo"
"So, parang sinabi mo na magugustuhan mo rin ako?"
"Oo! Ay l!ntik! Hindi.. i mean ni nida! S!raulo ka talaga.."
"Wala. Nag oo ka na.. tsaka p'wede mo naman burahin 'yung oo eh. Kasi magka chat lang tayo..pero hindi mo ginawa.sarap pala sa feelings na ka chat mo 'yung gusto mo. I love you, pre!"
"Pare?"-chat ni francis.
"Oh?"
"Mahal mo raw ako?"
"Oo nga"
"Pare, pag-usapan natin 'to"
"Nag uusap naman na tayo"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...