Chapter 58

123 4 0
                                    

"Mahal, hindi kita masusundo ngayon eh..pasensya na ah.. pero dadaan ako mamaya sa inyo.. I love you my natz"-text ni francis kay nathalie.

"Oks, lang mahal.. sige see you sa bahay mamaya, i love you too"-reply nito.

Muli ngang nagreply si francis ng Heart Emoji pero nang magrereply din sana siya ng ganoon ay natanaw niya ang kaniyang tunay na ina.

Agad nga niyang ibinulsa ang kaniyang cellphone at siya na ang lumapit dito.

"Sabi ko na't babalik kayo eh"-saad niya.

"Lagi naman akong nandito, anak.."-tugon ng ginang.

"Please! Don't call me anak!"

"Maghihintay ako kung kaylan handa ka ng makinig sa paliwanag ko"

"Ngayon ko na gustong marinig ang paliwanag mo!"

"Talaga, anak? Salamat!"

"Sinabi ko ng 'wag mo akong tawaging anak eh!"

"S-sorry.. May malapit na coffee shop dito.. gusto mo doon tayo mag-usap?"

"Ikaw po ang bahala"

Napansin ni nathalie ang pagsenyas nito sa driver na maghintay ito. Pero ipinag kibit balikat na lamang niya ito at naglakad sila patungo sa coffee shop.

Pagkapasok nga nila ay agad silang umorder ng kape,

"So, bakit n'yo nga ako iniwan sa simbahan?"-tanong ni nathalie.

"Dahil kaylangan kitang iligtas, anak"

"Iligtas? Kanino?!"

"Sa asawa ng tunay mong ama"-mabilis na tugon nito.

Napa-iling at napakunot ang noo ni nathalie sa itinugon sa kaniya ng kaniyang tunay na ina.

"You mean---"

"Yes, I'm a mistress"

Napa nganga si nathalie at nangilid ang kaniyang mga luha.

"Bakit ka po pumatol sa mayroon ng asawa?"-sabay tulo na ng mga luha nito.

"Nagtatrabaho ako noon habang nag-aaral sa kolehiyo.. kaso hindi sapat 'yung sinusweldo ko para matustusan 'yung pag-aaral ko eh. Tumutulong din kasi ako sa nanay ko sa probinsya. Hanggang sa nagtapat sa akin 'yung amo kong lalaki na gusto n'ya ako.. kapag nakipag relasyon daw ako sakan'ya siya na ang magpapa-aral sa akin. Siya na din ang magpapadala ng pera kay nanay. Noong una tumanggi ako dahil may asawa na s'ya, isang taon na silang kasal. Kaso limang taon na daw silang nagsasama pero hindi daw sila magka anak. Kaya parang naghahanap siya ng babaeng mabubuntis n'ya. At ako 'yung gusto n'ya"

"Kaya pumayag ka? Tapos ako 'yun? Tapos pinabayaan mo lang din ako? Iniwan sa simbahan na parang tuta?"-tsaka sunod-sunod ang pag-agos ng mga luha nito.

"I'm sorry, nabisto kasi ng asawa n'ya 'yung relasyon namin.. kaya pinalayas ako.. graduating din ako that time.. hindi ko noon alam na buntis ako..walang wala na rin ako noon dahil nga wala na akong trabaho tapos nag-aaral pa ako, pero ipinagpatuloy ko ang pag-aaral at pagbubuntis ko kahit maraming kumukutya sa akin. Naghanap ako ng trabaho na p'wedeng maka suporta sa pag-aaral ko kahit nahihirapan ako.malaki na 'yung tiyan ko nung gumraduate ako ng college.. sa ospital ako nanganak at nalaman 'yun ng asawa ng tatay mo.. nagpunta siya sa ospital at ipinahiya niya ako doon. Pinagbantaan pa niya ako na ipapap4tay n'ya daw ako..maging ikaw anak.. kaya tumakas ako sa ospital tsaka wala rin akong pambayad. hindi naman ako makatawag noon kay nanay tsaka nagka sakit din kasi s'ya. Kaya ang tanging naisip ko na lang noon ay ang iwan ka sa simbahan. Pero hindi ako umalis hangga't walang nakaka kita sa'yo.. hanggang sa nakita kong may nakakita sa iyong mag-asawa. Ang lungkot lungkot nila no'n..pero nung nakita ka nila, bigla silang sumaya. Hindi ko alam kung bakit malungkot sila ng gabing iyon. Hanggang sa palihim ko silang sinundan para malaman ko kung saan ka nila dadalhin. At nalaman ko nga na iniuwi ka nila..pinupunta-puntahan pa kita noon eh, pero nung nag abroad ako hindi na kita nabantayan..hanggang sa nalaman ko na lumipat na pala kayo ng bahay. Buti may nakakaalam kung saan kayo lumipat.. kaya muli kitang nakita, anak..muli kong nasilayan ang anak ko.."

"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa'kin?"

"Dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo ang totoo. Ayoko din na guluhin pa kayo dahil alam ko kung gaano ka nila kamahal. Kumakain din ako sa carinderia n'yo noon para makita kita, kaso ang lagi kong nakikita doon 'yung ate mo.."

"So, kaya kayo nagpakita at nagpakilala kasi babawiin n'yo na ako sa mga magulang ko? Sorry, pero hindi ko iiwan ang mga itinuring kong mga magulang..ang kinagisnan kong pamilya"

"Naiintindihan kita, nathalie..alam ko din kung gaano mo sila kamahal..'wag kang mag-alala. Hindi kita kukuhanin sa kanila. Nagpakilala lang ako para malaman mo ang totoo tungkol sa pagkatao mo"

"Salamat po kung gano'n.. wala po tayong magiging problema.. pero sino po ba ang tatay ko? Hindi n'ya ba alam na nagka anak s'ya sa'yo?"

"Hindi ko alam kung sinabi ng asawa n'ya, hindi na rin ako nagpakita sa kan'ya..pero s'ya nakikita ko s'ya dahil mayor na s'ya ngayon at sa pagkaka alam ko nagkaroon na rin sila ng anak.."

"Okay po pala.. okay na rin na hindi n'ya ako kilala dahil ayoko na rin po s'yang kilalanin.. tutal may tatay pancho naman po ako na mahal na mahal ko.."

"Okay, anak.. basta kung kaylangan mo ng tulong..na kahit ano..sabihin mo lang sa'kin..ito pala ang calling card ko..tawagan mo lang ako d'yan kapag kaylangan mo 'ko..kahit ano'ng oras anak.. dadating ako.."

"Ngayon po napagtagpi-tagpi ko na..ikaw po ang nagbabayad ng tuition fee ko 'di ba? Dahil sabi sa akin ng prof. ko may nag magandang loob na bayaran ang tuition fee ko.."

"Oo, nathalie..ako nga..ako rin madalas magpabigay ng mga pagkain mo..lalo nung birthday mo..naaalala mo ba 'yung malaking teddy bear at bouquet of money?"

"Opo! Naaaalala ko 'yun! Sa'yo galing 'yon? Halla! Assumera pala ako.. akala ko naman sa nagkaka crush na sa'kin.. todo yakap pa ako do'n sa guy na 'yon kasi akala ko s'ya nagbigay pero hindi pala..malaki tuloy na katanungan sa isip ko 'yun.. by the way, thank you po pala doon..nagamit ko po 'yun sa iba kong bayarin sa school at sa OJT po namin'

"You're welcome, anak.."

Ngumiti naman si nathalie at akmang hihigop sa kape nito ng muling magsalita ang kaniyang ina.

"P'wede ba kitang mayakap? Kahit na sandali lang?"

Tumango naman si nathalie kaya tumayo ang kaniyang ina at niyakap siya.

"Kanina pa po tayo magka-usap, ano nga po palang pangalan mo?"

"Liezel.. Liezel Espanto"

"Espanto po pala ang lahi ko hehe.. ano po palang ipinangalan mo sa'kin nung baby ako?"

"Mikaella Sophia"

"Wow! Ganda po pala"

"Bagay na bagay nga sa'yo ang pangalan na 'yan pero bagay din naman sa'yo ang Nathalie Shine"-naka ngiting tugon nito.

"Oo naman po, tatay ko nagpangalan sa akin no'n eh hehe..sa amin po ni ate.. s'ya naman po Nayumi Shane"

"Yes, kilala ko ang ate mo..masarap magluto 'yun eh"

"Ay! Oo naman po! Sa sobrang sarap magluto.. ayon! Napa ibig n'ya 'yung boss n'ya at malapit na silang ikasal..ay hehe..sorry po..napak kwento na po pala ako.."

"It's okay.. okay nga 'yun eh..masaya ako na nagkaka kwentuhan tayo..sana maulit pa ito"

"Don't worry po, mauulit 'to..basta libre lagi ang kape"-naka ngiting sambit nito.

"Oo naman..kain din tayo minsan sa labas"

"Sige po.."

"May boyfriend ka na 'di ba?"

"Ah..opo, si francis po..kapatid po ng fiance ni ate..ipapakilala ko po s'ya sa'yo next time"

"Talaga?"

"Oo naman po..sige po ah..kaylangan ko na pong umuwi..salamat po"

"Hatid na kita.."

"Hindi na po, mag ta-taxi na lang po ako"

"Sure ka?"

"Oo naman po, salamat po ulit"

Itutuloy..

Mommy For HireWhere stories live. Discover now