Chapter 98

91 4 0
                                    

(Balikan ang labing isang taong nakalipas)

Katatapos nga lang ng ensayo nila ng sayaw para sa kanilang group performance sa eskwelahan.

"Uy, nayumi. Walang susundo sa'yo?"-tanong ng kaklase niyang si enna.

"Wala eh, mag je-jeep na lang ako. Tapos konting lakarin lang naman papasok sa'min eh"

"Mag boyfriend ka na kasi yumi para may taga hatid sundo ka"-pagbibiro naman ni paul.

"Ayoko nga! Ang bata bata ko pa para sa ganiyang bagay 'no! Maiwan ko na kayo uuwi na 'ko"

"Pahatid ka na kay james"-saad naman ni flor.

"Oo nga, hatid na kita.."

"Hindi na berting! Kaya ko naman umuwi mag-isa eh."

"Pahatid ka na. Tutal may gusto naman sa'yo si james"-saad nga ni paul. "Ayyiieeee"

"Oy! Wala ah..bestfriends lang kami nitong si yumi"-depensa nga ni james.

"Oo! Tama si berting! 'wag kayong ma issue d'yan"

"Grabe naman kasi sa berting"-tugon ni james. "Ang ganda ganda ng name ko e"

"Kaya nga naman, tawagin mo kasing babe"-biro nnaman ni paul. "Tsaka magka birthday kayo ni james. Naks..soul mate"

"Soul mate ka d'yan! Kami nanaman ni james ang pinagtripan n'yo! Mag kaybigan nga lang kami!"

"Walang nagtatagal na babae at lalaki na mag bestfriend kasi nagkaka gustuhan. Nagkaka developan gano'n. Malay n'yo kayo talaga 'di ba?"-dagdag nga ni paul.

"Maka alis na nga, ba-bye na guys! Ikaw ba flor uuwi ka na?"

"Oo best uuwi na rin ako, ingat ah. See you on monday."

"Sige, bye guys!"

"Mauna na rin ako guys!"-saad nga din ni james.

Lumabas na nga si yumi ng bahay nila enna at sumunod naman sa kaniya si james.

"Uy, yumi. Ayaw mo ba talaga?"-tanong nga ni james.

"Ayaw ang alin?"

"Na ihatid ka namin? Hatid ka na namin. Gabi na oh. Delikado sa daan. Tsaka mahihirapan ka pang mag jeep n'yan eh"

Tinignan nga ni yumi ang kaniyang relo at alas siyete kwarentay singko na nga.

"Halla, oo nga. Gabi na nga. Sige hatid mo na 'ko"

"Okay, let's go"-saad nga ni james at siya na ang nagbukas ng pinto ng sasakyan. Magkatabi nga sila sa likuran.

"Nga pala, 'wag mong pansinin si paul ah. Malakas talaga mang asar 'yun eh"

"Alam ko naman, baliw 'yun eh hehe"

"Ang galing mo nga pala kanina, sure ako tayo mananalo"

"Ikaw nga ang magaling d'yan eh."-tugon naman ni yumi.

"Sana p'wedeng magpalit ng partner. Ikaw kasi gusto kong kapareha eh. Hindi si flor"

"Okay na 'yun! Para ma guide mo rin s'ya, nahihirapan din kasi s'ya eh"

"Kita ko 'yun ah.."

"Ang alin?"-tanong ni yumi.

"Yung tingin ni wilbert sa'yo. Siguro kilig na kilig 'yun kanina habang hawak ang kamay at beywang mo."

"Sira, bakit naman kikiligin si wilbert?"

"Ang manhid mo! Eh halata namang gusto ka n'ya. Ang dami kayang nagkakagusto sa'yo sa room"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now