Masaya ngang sumalubong si Diana sa pag-uwi ng kaniyang ama, pagkarinig nga niya sa sasakyan ng ama ay agad itong lumabas para salubungin si Franco na kauuwi galing ng resort.
"Daddy!"
Binuhat nga siya ni franco papasok sa loob ng bahay.
"Bakit gising pa ang Unica Hija ng daddy?"
"Kasi po hinihintay kita eh"
"Ang sweet naman. Nag dinner na ba kayo?"-tsaka nito ibinaba ang anak.
"Yes po,daddy..tinirhan ka ni mommy ng ulam. Kain ka na po"
"Ah, busog si daddy eh..nag dinner na kami ni tito noah mo sa labas."
"Ay ganon po? Malulungkot ang mommy n'yan kasi hindi mo kakainin 'yung tinira n'ya for you"
"Ah..sige..kakain na lang ulit ako mamaya kapag nagutom ako. Nasa'n pala ang mommy mo?"
"I don't know po,daddy..kanina po nasa room s'ya sa itaas eh"
"Ano?! Nasa second floor ang mommy mo?"
"Yes po sir, nakita ko nga rin s'yang pumasok do'n. Sabi ko nga bawal do'n pero kinuha pa rin n'ya 'yung susi sa kwarto mo at umakyat do'n"-tugon ni Michelle.
"Gano'n ba? Ikaw na bahala kay diana..ahm.. sweetie matulog ka na ha. Si yaya michelle na ang bahala muna sa'yo. Mag-uusap lang kami ni mommy mo"
"Okay,daddy.."
"Sige na chelle,ikaw na munang bahala kay diana"
"Opo,sir.."
Nagmadali ngang umakyat si Franco sa Second floor. Alam niya kung saang kwarto nagtungo doon si Nayumi.
Alam niyang hindi papasok si Nayumi sa dalawang kwarto na naroroon din sa itaas kaya alam niyang sa Stock Room ito nagpunta.
Dahan-dahan nga niyang pinihit ang Door Knob at nakita niyang umiiyak si Nayumi.
Nagkalat ang mga litrato ni Celine sa sahig. At ang iba ay basag na ang Frame.
Nanlaki ang mga mata ni Franco at tuluyang pumasok. Hindi pa rin siya namamalayan ni Nayumi na nandoon na siya sa loob.
Akma sana siyang magsasalita para komprontahin ang dalaga pero muling nagsalita si Nayumi.
"Akala mo maaagaw mo pa s'ya sa'kin?! Hindi! Hindi! celine! I won't let that happen! Wag na 'wag ka ng babalik ulit sa buhay ng mag-ama! Lalo na sa buhay ni diana! Iniwan at pinabayaan mo s'ya tapos babalik ka para kuhanin s'ya!"
"What are you talking about, Nayumi?!"-tanong ni franco dahilan ng paglingon ng dalaga sakaniya.
Agad ngang pinunasan ni nayumi ang mga luhang pumatak sa kaniyang mukha. Nangangatal ang bibig nito habang humihikbi.
"Bakit mo sinira ang mga pictures ni Celine? At bakit naka kalat ang mga 'to? What's happening to you? At ano 'yung sinasabi mong bumalik si celine?"
"Sorry! Sorry kung kinalat ko 'to at sinira. Siguro nga nababaliw na 'ko! Nababaliw na 'ko sir franco! Ayoko ng ganito! Ayoko! Ang sakit sakit na! Bakit sa dinami rami ng tao ako pa 'yung sumalo sa lahat ng problema! Nang sama ng loob!"
"Ano bang nangyayari? Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano'ng kinalaman ni Celine sa problema mo?"
"Malaki! Malaki sir franco! Ngayong napamahal na ako sa bata! Tsaka s'ya babalik?!"
"A-anong bumalik? Nagpunta ba s'ya dito?!"
Sandaling natigilan ang dalaga at umiling ito,
"Hindi naman pala.. bakit sinasabi mong bumalik s'ya?"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Storie d'amore"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...