Chapter 130

65 2 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 19

Nauna ngang tumungtong si yumi at tinanaw ang lulundagan nila.

"James"-mahinang sabi nito para hindi sila marinig. "Mataas pala"

"Kaya natin 'yan"-tugon ni james habang inaalalayan si yumi.

"Tama ka! Kaya natin 'to! Kaysa naman mahuli nila tayo."

Dahil hirap si yumi na isampa ang paa kahit pa nga naka tungtong na ito sa silya ay pinababa siya ni james.

"Pumasan ka na lang sa batok ko, dali!"

"Oo! Oo!"-natatarantang tugon nga ni yumi at pumasan nga sa batok ni james. "Mag-iingat ka"

"Baka paglundag ko bali naman ang mga buto ko"-mahinang tugon ni yumi.

Lumingon nga muna si james bago mukinh magsalita.

"Lundag na yumi! Dali!"

"Paano ka?"

"Susunod ako!"

"Okay! Sige! Siguraduhin mong susunod ka!"

"Oo na nga! Dalian mo na!"

Pikit mata ngang lumundag si yumi kahit may kataasan iyon. Paglundag nga niya ay ininda niya ang paa niya dahil nasaktan ito sa paglundag.

Sumunod nama si james na tumungtong sa upuan. At dahil mas matangkad ito kay yumi ay madali lang niyang naisampa ang mga paa niya at mabilis na naka lundag.

Kagaya nga ni yumi ay nasaktan din ang mga paa niya pero hindi na niya iyon gaanong ininda. Sa halip ay hinatak na niya si yumi upang makalayo na sila sa bodegang iyon.

Hindi nila alam kung saan nga ba sila patungo. Basta ang importante ay makalayo sila.

Pero isang malakas na putok ng baril ang narinig nila kaya napa hinto sila.

"Hindi pa nakaka layo 'yon! Habulin n'yo!"-sigaw nga ni roy.

"Ano ng gagawin natin?! Alam na nilang naka takas tayo, james. Paano na? Paano kung makita nila tayo?"

"Ssshh.. makakatakas tayo, yumi. Makakatakas tayo."

Maya-maya nga lang ay may naririnig silang mga yapak. Dahil na rin sa mga tuyong dahon.

Batid nilang nasa gubat sila, dahil mapuno ang lugar na iyon..

"James, mukhang alam na nila kung nasaan tayo"-mahinang sabi ni yumi kaya naman tinakpan ni james ang bibig niya.

"Wag kang maingay."

Tumango-tango naman si yumi kaya tinanggal na niya ang kamay niya sa bibig ni yumi.

Sa harap nga nila ay may sanga ng puno ng akasya kaya pinulot iyon ni james. Naka kubli nga sila sa malaking puno nito. Hindi na sila puwede pang tumakbo dahil mas makikita pa sila ng mga ito.

Sadyang malapit nga lang sila steve at uno sa kinaroroonan nila yumi dahil naririnig nila ito.

"Paano na 'yan, uno? Paano kapag naka takas sila? Ano na lang sasabihin natin kay boss? Siguradong malalagot tayo nito sa kaniya!"

"Bwis*t kasi eh! Nasira tiyan natin sa kinain natin at dahil na rin yata sa beer."-tugon naman ni uno.

"Mabuti pa maghiwalay tayo.. para mas madali natin silang makita. Pero kaylangan bang buhay sila?"

"Oo naman 'no! Kaylangang buhay sila! Paano tayo hihingi ng ransom kung p4tay na sila? Paganahin mo nga 'yang utak mo, steve! Kinakalawang na!"

"Sa'yo nga nabubulok na eh!"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now