Inayos ni Nayumi ang sarili bago tuluyang lumapit sa amo.
Nanonood ang binatang ama sa kanilang living room habang si Diana naman ay naglalaro ng barbie doll sa tabi nito.
"Yes?"-ani franco sa lumapit na si yumi.
"Ahm..sir? P'wede po ba tayong mag-usap? Importante lang po kasi eh"
"Okay,sure..ano 'yun?"
"Hi,Ate Yumi"-pagbati pa ni diana sa dalaga.
"Hello baby.."
"Look my doll, she's so pretty like you.. I'm her mom. And i love her so much. Siguro mahal din ako ng mommy ko kung may mommy din ako"
Biglang naantig ang puso ng dalaga ngunit hindi niya ito ipinahalata. Muli niyang ibinalik ang paningin sa amo.
"Kakapalan ko na po ang mukha ko. Kasi kaylangang kaylangan ko po ang tulong mo."
"Bakit? Ano'ng nangyari?"
"Si tatay po kasi eh. Nasa ospital. Na stroke po s'ya at kaylangan daw po ng malaking pera"
"So, you need money?"
"Opo..p'wede po bang bumale?"
"Sure,why not. Magkano ba?"
"Kahit po sana limang libo lang. 'Wag po kayong mag-alala sir, hindi po ako tatakas"
"Yeah, i know. At may tiwala ako sa'yo. Sure ka bang five thousand lang?"
"Nakaka hiya po kasi kung lalakihan ko pa."
"I'ts okay, gagawin ko ng sampung libo. Mag wi-withdraw lang ako sa bangko. Kung gusto mo sumabay ka na. Para maihatid na rin kita sa ospital"
"Ta-talaga sir? Thankyou po"-at sa labis na tuwa ay nayakap nito ang amo.
Nang mapagtanto nito na nakayakap siya sa amo ay agad din itong kumawala.
"Yey! Ang sweet n'yo naman po. Parang 'yung napanood ko sa t.v"
Kapwa napabaling ng tingin sila nayumi at franco kay diana.
Nakaramdam ng hiya si nayumi habang si franco naman ay lihim na napangiti.
"Michelle!"pagtawag ni franco sa yaya ni diana.
"Yes,sir?"
"Paki bantayan si Diana may pupuntahan lang kami ni yumi"
"Ahh..opo,sige po"
"Ahm..sweetie..aalis lang sandali si daddy ha. May aayusin lang kaming prob ni ate yumi mo."
"Okay,daddy. Ingat po kayo."
"Salamat anak"
-----
Magkasama nga sa iisang sasakyan ang dalawa. Naging tahimik ang dalaga habang tahimik ding nagmamaneho si franco."Wag kang masyadong mag-alala. Magiging okay din ang tatay mo. Tsaka kung may iba ka pang kaylangan,Just let me know. Willing akong tulungan ka"
"Thank you sir ha. Ang bait bait n'yo po. Buti na lang po kayo ang naging amo ko. Salamat po talaga"
"Walang anuman. Wait lang ah. Nandito na tayo sa bangko. Mabilis lang 'to"
"Sige po"
Habang wala nga ang kaniyang amo ay naalala niya ang ino-offer sakaniya ni franco.
"What if pumayag na kaya ako sa gusto n'ya? Para makabayad na rin ako ng utang na loob"-wika nito sa sarili. "Pero hindi! Mali 'to. Maling mali. Kasi kapag pumayag kang magpanggap na mommy ni diana magpapanggap ka na rin na asawa n'ya"-wika niyang muli.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...