Chapter 105

89 3 0
                                    

"Nasaan na sila babe?"-tanong nga ni celine ng makabalik siya.

"Nandoon kila diana."

"Okay, tara na din do'n"

"Sige.."-walang ganang tugon ni james.

Nang magsama-sama nga silang muli ay naging mailap na ang mga mata ni james.

"Sana po, palaging ganito. Sobra po akong nag-enjoy pero p'wede po bang next time kasama na si tito eriz?"-ani diana.

"Kita mo oh, pati dito eriz pa rin"-saad nga ni francis.

"Selos ka lang kamo kasi bukambibig ni diana si eriz kaysa sa'yo"-tugon naman ni franco.

"Nagseselos na talaga ako. Kasi ako 'yung totoong tito pero si eriz ang love n'ya"

"That's not true tito dada, of course i love you po. Pero kasi si tito eriz sobrang saya n'ya po kasama. Alam n'ya po kung paano n'ya ako patawanin at pasayahin po"

"Bakit? Pinapatawa din naman kita ah"

"Yes po, but---"

"Wag mo na ituloy. Zipper mo na lips mo. Okay na."

Hindi na nga nagsalita si diana, kaya natawa ng bahagya si franco.

"Si eriz na talaga ang mahal n'ya,

Muli ngang nagpaalam si celine dahil naiihi nanaman ito.

"Nanaman ate? Ang bilis naman?"-ani yumi.

"Oo nga eh, kainis nga.. ganito ako kapag maraming naiinom na drinks eh."

"Tsaka kapag malamig"

"Tama, wait lang ah."

"Sige, ate."

Pinapanood nga ni yumi si diana habang masaya itong nagpapadulas.

Hindi na nga niya namalayan na wala na sa tabi nila sila franco.

"Asaan sila kuya james at kuya franco?"-tanong ni nathalie.

"And'yan lang 'yun. Baka may binili"-tugon naman ni francis.

------

"James, p'wede ba kitang maka usap?"-tanong ni franco ng lapitan niya ito.

"K-kuya? Tungkol saan?"

"Mahal mo pa rin ba si yumi?"-diretsahang tanong nito.

"H-hindi na kuya. Bakit mo natanong?"

"Lalaki din ako james! Alam ko 'yung mga tingin mo sa kaniya may kahulugan. Hindi mo talaga s'ya napagkamalang si celine 'di ba? Sinadya mo talagang yakapin s'ya!. Sinabi sa'kin ni yumi kanina 'yung nangyari"

Napa yuko na lamang si james dahil sa sinabing iyon ni franco.

"Alam kong alam mo na nasa Rest Room si celine, kaya hindi kapani paniwala na napagkamalan mong si celine si yumi"

"S-sorry, kuya.. sorry kung hanggang ngayon mahal ko pa rin s'ya. Sinubukan ko naman eh. Sinubukan kong kalimutan s'ya. Dahil 'yun 'yung dapat! Pero t'wing nakikita ko s'ya hindi ko mapigilan 'yung sarili ko. Nasasaktan at nagseselos ako sa'yo! Kahit hindi naman dapat, dahil wala akong karapatan. Pasens'ya na kuya..patawad"

"Kung mahal mo pa si yumi, nasaan si celine?"

"Mahal ko s'ya kuya..mahal ko si celine"

"Kaylanman hindi p'wedeng magmahal ng dalawa! Kung may nararamdaman ka pa kay yumi, hindi mo mahal si celine. Ginagawa mo lang s'yang panakip butas. Maling-mali james! Maling-mali! Dapat kung magmamahal ka ulit wala ka ng nararamdaman kay yumi"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now