Chapter 3

286 7 0
                                    

Isang linggo na si Nayumi sa trabaho. At nakilala na rin nito ang dalawa pang kasambahay na sila Irah at Michelle.

Mas okay ang mga ito kumpara kay Nida. Pero umaasa siyang makakasundo din niya ito kagaya nila Irah at Michelle.

Pagkatapos makapag luto ni Nayumi ng hapunan ng kanilang mga amo at maging ng hapunan nila ay namahinga muna ito.

Okay naman na magpa hinga basta tapos na siyang magluto. Tatawagin nalang siya kapag kakain na ang kanilang mga amo.

Naka bukod nga siya kila Nida ng kwarto kaya naman naiinip ito. Naisipan niyang tawagan ang ina at kinumusta nga niya ang mga ito.

Nakaramdam na siya ng antok pagkatapos niyang makausap ang mga magulang.

Ipipikit na sana niya ang kaniyang mga mata ng biglang maalala niya ang sinabi ni jovan sakanya na may isang kwarto na hindi binubuksan.

Alam niyang iyon ang kwartong nasa itaas. Dahil iyon lang ang nag-iisang bakante. Dahil magka tabi ang kwarto nila francis at franco sa ibaba. Maging ang guest room ay nasa kabila naman.

Bumangon nga ito at sinilip ang paligid kung may taong makaka kita sakanya. At ng makitang wala ay dahan-dahan nga siyang humakbang paakyat upang tunguhin ang misteryosong silid na iyon.

"Ano kayang lihim ng kwartong 'to? May ahas kaya sa loob nito?"-wika sa sarili habang titig na titig sa pintuan ng kwarto. "Paano kung meron nga? Naku po.. baka lunukin ako ng buhay ah..mababawasan ng maganda sa mundo"

Nagpakawala ito ng malalalim ba buntong hininga bago hawakan ang doorknob.

Ngunit ng pihitin niya ito ay naka lock pala.

"Mission failed"-wika sa sarili. ''Akala ko malalaman ko na,hindi pala"

"What are you doing here?!"

Napa igtad ito sa labis na pagka bigla ng tanungin siya ni franco. Napa harap siya dito.Hindi niya namalayan ang paglapit nito sakanya.

Mahigpit na hinawakan ni franco ang kaniyang braso. At matalim ang tingin nito sakanya.

"S-sir?! S-sorry po..masakit po"-saad nito ngunit hindi pa rin binitiwan ni franco ang kaniyang braso.

"Bakit ka nangahas na puntahan ito?"

"G-gusto ko lang pong makita kung ano pong meron sa loob..sorry po talaga..hindi ko na po uulitin"

Binitiwan nga ni franco ang kaniyang braso, hinimas himas naman ni Nayumi ito. Dahil maputi ito ay bahagyang namula ang hinawakan ng kaniyang amo.

"Ano bang iniisip mo na makikita sa kwartong 'to? At bakit mo kaylangang makita?"

"Sabi po kasi ni kuya jovan sa'kin. May isang kwartong hindi po binubuksan at tanging ikaw lamang po ang pumapasok dito. Kaya po na curious ako. Sorry talaga sir. Baba na po ako"

Naka yuko nga itong umalis sa harapan ni Franco at akma na itong hahakbang pababa ng hagdan ng bigla itong magsalita.

"Gusto mo ba talagang makita?"

Napa hinto si Nayumi at agad na nilingon ang amo.

"P'wede po?"

"Pero handa ka bang hindi na makabalik pa ng buhay?"

"Sir naman! Nanakot pa.. kung kapalit po ng pagpasok ko sa kwartong 'yan eh buhay ko. Hindi na sir. Mahal ko pa buhay ko. Marami pa akong pangarap. Gusto ko pang magka asawa at magka anak ng tatlo"

Bahagya ngang ngumiti si Franco sakaniya kaya nagtaka siya lalo.

"Ang dami mo namang sinabi. Nagbibiro lang ako"-tugon nito at dinukot mula sa bulsa ang susi ng kwarto.

Mommy For HireWhere stories live. Discover now