Chapter 64

116 2 0
                                    

Dahil walang pasok si Nathalie ay siya na ang nagbantay ng carinderia dahil naglalaba ang kaniyang ina.

Sakto namang napadaan doon si Eriz kaya tumulong na ito dahil may mga costumer.

Nang mabigyan na nga nila ng pagkain ang lahat ng costumer ay humila ng isang silya at tumabi si eriz kay nathalie.

"Sabi ko na eh,ikaw 'yung kanina ko pa naaamoy"-pagbibiro ni nathalie.

"Oy! Ano'ng naaamoy ka d'yan?"

"Ang baho ng kili-kili mo! Amoy paksiw! Eriz naman! Lumayo ka nga sa'kin. Maligo din kasi minsan"

"Yabang neto.. amoy paksiw daw kili-kili ko..baka 'yang kili-kili mo amoy adobo"

"At least mabango.. nakaka gutom"

"Oo, mabango nga at nakaka gutom..ang itim naman"

"Aba! Kahit magtinginan tayo ng kili-kili maputi 'yung akin! Baka sa'yo maitim! Ang baho talaga! Layo ka nga sa'kin!"

"Siraulo 'to! Wala akong putok ah.. tsaka kaliligo ko lang."-sabay kabig niya sa ulo ni nathalie at isinubsob sa kili-kili niya.

"Yuuuccckkk! Eriz! Ano ba?!"-pagpupumiglas nito.

"Ayan, pagsawaan mong amuyin.."-saad ni eriz.

At nang mag-angat nga sila ng tingin ay bumungad sa kanila ang naka pamaywang na si francis.

Dahil sa pagkagulat ay agad na tumayo si nathalie at tinabig pa niya si eriz.

"A-aray! Natz ha!"

"M-Mahal? N-nandito ka pala? K-kanina ka pa?"

Pero hindi kumibo si francis at seryosong nakatingin sa kanilang dalawa ni eriz.

"Boyfriend mo din 'to, babe?"-sabay turo ni eriz kay francis.

"Ano'ng babe ka d'yan! Umayos ka nga eriz!"

"Mahal, 'wag mong paniniwalaan si eriz."-ani nathalie at lumapit ito kay francis at humawak sa braso nito.

"Kasasagot mo lang sa'kin kahapon, tapos may iba ka palang mahal! You hurt my feelings nathalie.. you break my heart! You sliced it into two."-pagbibiro nito kaya lumapit sa kaniya si nathalie at binatukan ito.

"Abnormal! Pinagsasabi mo!"

"Ano'ng ibig sabihin nito nathalie?"-seryosong tanong ni francis.

"M-mahal, hindi 'yun totoo. Nagbibiro lang s'ya. Kaybigan lang namin s'ya ni ate.. umayos ka nga kas eriz! Boyfriend ko s'ya! Kapatid ni kuya franco!"

"Yung fiance ng yumi ko? Okay, okay.. sibat na 'ko"-saad nito at naka taas pa ang dalawang kamay.

Kapwa naman nila tinanaw pa ang pag-alis ni eriz.

"Parang may saltik 'yon"-saad ni francis.

"Sinabi mo pa. Joke lang.. gano'n lang talaga 'yun..akala ko talaga maniniwala kang bf ko nga 'yung kumag na 'yon"

"Muntik na, ang sweet n'yo nga eh. Buti kayo nag-aamuyan ng kili-kili 'no?"

"Hindi ah! Isinubsob lang n'ya ko sa kili-kili n'ya."

Pero muling sumeryoso ang mukha ni francis..

"Mahal, maupo ka nga, 'wag mong sabihing nagseselos ka kay eriz?"

"Of course not! Bakit ako magseselos sa kaniya"

"Eh, bakit gan'yan mukha mo?"

"Ikaw ba naman makita mo girlfriend mo may kaharutan"

"Kaharutan agad? Bibig mo mahal ah.."

"Siguro lagi kayong magkasama?"

"Ngayon lang ulit..tinulungan lang n'ya ako dahil wala si nanay naglalaba. Si kuya ramon naman wala din"

"Okay"-tipid na tugon nito.

"Iniisip mo yata may ginagawa akong masama kapag hindi kita kasama eh"

"Wala naman akong sinabing gan'yan"

"Yung 'yung nararamdaman ko"

"Ay naku!! Alam n'yo ba?"-pag singit ng isang costumer na lalaki kaya napalingon dito sila nathalie at francis. "May kilala ako na naghiwalay kasi seloso 'yung boyfriend"

"Ay! Oo kuya john! Alam ko rin 'yan.. 'yan 'yung pinagselosan 'yung bestfriend ng girlfriend n'ya 'di ba? Tapos 'yun 'yung pinag-awayan nila kaya sila naghiwalay"-sabay sulyap niya kay francis.

Lalong nagsalubong ang kilay nito,

"Hindi ko naman s'ya pinagseselosan"-depensa ni francis.

"Sakto! 'yan din 'yung sinabi ng boyfriend ng kakilala ko. Hindi daw nagseselos pero ang totoo nagseselos talaga"

"Sorry.."-mahinang usal nito kay nathalie.

"Kuya john, 'yung bf ba ng kakilala mo nag sorry ba?"

"Yun lang.. hindi s'ya nag sorry.. buti itong gwapo mong boyfriend marunong mag sorry eh..patawarin mo na, mukhang hindi naman na ulit 'yan magseselos"

"Oo kuya john, pinapatawad ko na"

"Okay, tapos ang usapan na may selosan..magkano pala nakain ko?"

"Kanin tapos sisig tapos may softdrinks. 75 lang lahat kuya john"

"Ah..libre ko na" -pagpiprisinta ni francis.

"Aba, ayos 'tong boyfriend mo nathalie ah..gwapo na mabait pa.. iba talaga kapag mayaman eh"

Ngumiti naman si francis at nathalie. Tsaka dumukot ng pera si francis pero wala itong barya. Tag iisang libo ang pera nito.

"Budget na ni kuya john 'tong 1K dito."-saad ni francis na lalong ikinatuwa ni john.

"Napaka galante talaga.. thank you..malaking tulong 'to lalo na't mahina ang kitaan sa pasada. Hindi ko na 'yan tatanggihan ah.. stay strong lovers"-saad nito bago tuluyang umalis.

Unti-unti na ngang natapos ang mga costumer at nag alisan na ang mga ito. Kaya naman sila nathalie at francis na lang ang naiwan.

"Wait lang mahal ah, magliligpit lang ako ng mga pinagkainan nila at huhugasan na rin."

"Tulungan na kita"-tsaka nga ito nagligpit din.

"Hala 'wag na..hindi ka naman marunong n'yan eh, sa inyo nga may taga ligpit ka"

"Okay lang, kaya ko 'to. Tulungan na rin kitang maghugas"

"Hindi na, mahal.. keri ko na 'to"

Pero tumulong pa rin si francis.. sa pagyuko nga ni nathalie ay bahagyang lumitaw ang cleavage nito kaya inayos ni francis ang kaniyang damit.

Tsaka nga ito nagtungo sa kusina para ilapag sa lababo ang mga hugasin.

Tinulungan nga niya sa paghuhugas si nathalie at ng matapos sila ay hinawakan niya ang mukha ni nathalie at bigla niya itong siniil ng halik.

Nagulat pa si nathalie pero hinayaan na lang niya ang ginagawang pag angkin ni francis sa kaniyang mga labi.

Tsaka niya hinaplos haplos ang likod ni nathalie habang patuloy pa rin ito sa paghalik at maingat na isinandal si nathalie sa pader.

Mas lalong tumindi ang kaganapan ng gumanti na rin ng halik si nathalie..

"Pabili po! Pabilleeeeeee!!!"-sigaw ng bata mula sa labas kaya natigil ang kanilang ginagawa.

Inayos nga ni nathalie ang damit nito na naiangat na ni francis at lumabas ito para pagbentahan ang bata.

Sunod ngang lumabas si francis na napaka ganda ng ngiti sa mga labi.

Itutuloy...

Mommy For HireWhere stories live. Discover now