Natuloy nga ang pagkikita nila celine at james. Nasa isang sikat na restaurant sila ngayon.
"Date ba natin 'to?"-tanong nga ni celine.
"Hmm..depende sa iniisip mo"-tugon nga ni james.
"Ano ba talaga tayo, james? Nalilito kasi ako eh. Ipinaparamdam mo na espesyal ako sa'yo pero wala naman tayong label. Sa totoo lang gusto ko na ng seryosong relasyon at kung hindi mo 'yun maibibigay. Itigil na natin 'to."-diretsang tanong nga ni celine.
Hinawakan naman ni james ang dalawang kamay niya habang magkaharap nga sila.
"Gusto kita celine"
"Pero s'ya pa rin 'di ba?"
Tumango nga ito tsaka binitiwan ang kamay ni celine.
Napayuko na nga lang si celine kasabay ng pagpatak ng mga luha nito. Akma na nga sana siyang tatayo ng biglang magsalita si james.
"Aalis ka na? Hindi pa nga tayo kumakain. Sayang naman 'to"
"Kaylangan ko ng umalis"-tsaka nga ito tuluyang tumayo pero pagdaan niya sa tabi ni james ay hinawakan siya nito sa braso.
"Gusto kita, gusto na kitang makasama habang buhay celine."-saad nga ni james na ikinahinto ni celine.
"A-ano?"
"Gusto mo na rin ako 'di ba? Bakit hindi natin subukan?"
"Subukan? Hanggang kaylan james? Hanggang kaylan? Kung hindi ka sigurado. Mabuti pang tapusin na natin 'to kung ano man nararamdaman natin sa isa't-isa. Gaya nga ng sabi ko sa'yo gusto ko ng seryosong relasyon. Gusto ko ng ikasal james! At alam kong hindi ikaw 'yun"
"Paano kung ako nga?"
"Malabo 'yan. Lalo na kung may nararamdaman ka pa sa kapatid ko. Ayokong maging panakip butas lang. Pagod na ako. Pagod na pagod na. Pinakawalan ko 'yung lalaking mahal na mahal ko at mahal na mahal ako noon. Kaya heto ako parang lagi nalang namamalimos ng pagmamahal"
"Mahal mo pa rin s'ya?."
"Natutunan ko ng kalimutan ang nararamdaman ko para kay franco. Pero ikaw si yumi pa rin. Kaya hindi p'wede 'yang sinasabi mo. Aalis na 'ko"-tsaka na nga ito tuluyang lumabas ng restaurant.
Kinuha nga ni james ang sing-sing sa bulsa niya at tinitigan ito tsaka ibinaba na lang sa lamesa kasama ng bayad nga sa inorder nila kahit alam niyang sobra-sobra iyon,at umalis na nga rin.
Pero bumalik si celine dahil naka limutan niya ang kaniyang bag at paalis na sana ulit siya ng matanaw nga niya ang sing-sing na nasa ibabaw ng lamesa.
Tsaka niya naalala ang sinabi ni james na gusto na siya nitong makasama habang buhay. Dinakma nga niya ito at nagmadaling lumabas. Hinanap niya si james na baka sakaling naroroon pa sa lugar na iyon.
Hanggang sa makita nga niya ang sasakyan nito na paalis na. Kaya tumakbo siya para mahabulan niya ito at hinarangan nga niya ang dadaanan ni james kaya walang ng nagawa ang binata kundi ang huminto.
Binuksan nga niya ang bintana ng kotse niya,
"Bakit?"
"Ano 'to?"-sabay taas ni celine sa sing-sing.
"Kalimutan mo na 'yan, iniwan ko na 'yan doon, bakit mo pa kinuha?"
"Bakit hindi mo sa akin ibinigay?"
"Tinanggihan mo 'yung alok ko 'di ba? Na gusto na kitang makasama habang buhay. Tumabi ka na d'yan. Nakaka abala tayo sa daan"
Tumabi nga si celine at iniayos lang ulit ni james ang pag pa-park at tumakbo ito palapit kay celine, at ng makalapit nga ito ay walang sali-salitang hinalikan niya ito sa mga labi.
Nabigla nga si celine sa ginawa nito lalo na't maraming tao sa lugar na iyon.
"Nasaan ang sasakyan mo?"-tanong ni james.
Itinuro nga niya ito,
"Sa kotse ko na tayo sumakay. May pupuntahan tayo"
"Ha? S-saan?"
"B-basta."-sabay hatak nga niya kay celine at ipinagbukas niya ito ng pinto ng kotse tsaka nga sila umalis.
"Saan ba talaga tayo pupunta?"
"Sa bahay, ipapakilala na kita kay mama"
"A-ano?! Baliw ka ba?"
"Kinuha mo 'yang sing-sing. Ibig sabihin girlfriend na kita"
"Wow! Ang lupit ah. Kinuha ko lang 'to kasi iniwan mo sa table tapos biglang girlfriend mo na 'ko?"
"May magagawa ka pa ba? Nandito na tayo eh. Panindigan na natin 'to."
"Ibig sabihin ng pagtanggap ko sa sing-sing na 'to girl friend mo na 'ko? Ibang klase ka ah. Ang alam ko nagpo-propose ang lalaking nagbibigay ng sing-sing"
"Alam mo bang---"-sabay gilid nga nito at inihinto ang sasakyan. "Alam mo ba kung anong itatanong
ko sana sa'yo kanina?""A-ano?"
"Will you be my girlfriend?"
Nagtayuan nga ang mga balahibo ni celine sa braso ng sabihin iyon ni james.kasabay ng pagpatak ng luha niya.
"Yun sana ang itatanong mo?"
"Yeah, pero hindi ko na naitanong kasi nag aapura kang umalis. Gusto ko na rin ng seryosong relasyon. Gusto ko ng maranasan ang magka girl friend at ikaw ang gusto ko."
Nangiti naman si celine at muli ngang pumatak ang mga luha niya.
Inalis nga ni james ang seatbelt nito at akala niya pupunasan ni james ang luha niya dahil sa paghaplos nito sa kaniyang mukha pero hahalikan pala ulit siya nito."Nakaka dalawa ka na ah"-saad nga niya.
Ngumiti naman si james at lumitaw nga ang mga dimples nito.
Tsaka muling sumunggab ng halik si james. Naka hawak nga si james sa kaniyang batok at ang isang kamay nito ay nakahawak sa kaniyang kamay. Hanggang sa unti-unti na itong lumalalim.
Naka kapit nga ang isang kamay ni celine sa suot na white polo shirt ni james.
"Mabilis itong sa atin, parang yumi at franco lang din"-saad nga ni celine ng bitiwan na ni james ang mga labi niya.
"Speaking of franco, Dahil girl friend na kita kaylangan mong malaman ang totoo."
"A-anong totoo?"
"Magkapatid kami"
"W-what?! Are you serious?"
"Magkapatid kami sa ama, iisa ang tatay namin, celine. Parang kayo ni yumi, iisa lang ang nanay n'yo pero magka iba kayo ng ama"
Hindi nga makapaniwala si celine sa kaniyang natuklasan.
"So, ano 'to? Para tayong nagpalitan? Dati kayo ni yumi at kami ni franco. Pero ngayon sila na ni yumi at tayo naman ngayon"
"Pero hindi naging kami ni yumi."
"Nakakabigla ito, hindi ako makapaniwala na magkapatid kayo. Alam na ba ito nila franco?"
"Si franco alam n'ya, ewan ko lang kay francis"
-------
Ipinakilala nga ni james si celine sa kaniyang ina. Hindi nga din makapaniwala si krizelle dahil ang alam nga niya ay nagpapanggap lang ang dalawa na mag karelasyon at hindi niya akalain na mauuwi ito sa totohanan.
"Nice to meet you, celine..napaka ganda mo pala lalo na sa personal"
"Kayo din po ma'am. Ang ganda ganda mo po"
"Bakit naman ma'am? Napaka pormal naman..girl friends ka na ng anak ko kaya tita na ang itawag mo sa'kin"
"S-sige po tita"-tugon nga ni celine.
"P'wede ding mama kung gusto mo"-sabad nga ni james kaya natawa na lang sila celine at dra.krizelle.
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...