Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 44
Pinuntahan nga nila francis at elsa ang sementeryo kung saan naka libing ang bata.
"Ayan s'ya kuya francis"-ani elsa habang naka turo ang daliri nito sa lapida.
Biglang namuong muli ang mga luha ni francis na agad nga ding bumagsak sa kaniyang mukha.
Hinaplos nga niya ang lapida nito habang luhaan ang mga mata.
"Anak, sorry ha. Sorry kasi hindi manlang kita nakilala, ni hindi manlang kita nakita, anak. Ang sakit kasi kaylanman hindi na kita makikita. Ang daya naman eh. Hindi manlang tayo nagka chance na magkita kahit sana nayakap manlang kita. Sobrang sakit talaga anak. Siguro kung nabubuhay ka tapos magkasama tayo. Ang saya-saya siguro natin. Pero wala eh. Hanggang sana na lang ang lahat."-humahagulgol nga si francis kaya naman niyakap na siya ni elsa.
"Kuya, sorry talaga. Sorry"
Agad namang kumawala si francis sa pagkakayakap ni elsa.
"Wala kang kasalanan dito, 'yung ate mo. Ang damot n'ya, elsa! Ang damot damot n'ya! Tinanggalan n'ya 'ko ng karapatan na maging ama sa anak ko kahit sandali!"
Hindi na nga naka kibo pa si elsa at tumingin na lang sa lapida ng pamangkin at ganoon din naman si francis.
-
-Sinabi ni francis kay nathalie ang lahat. Ang tungkol nga sa kaniyang nam4tay na anak.
At inamin din ni nathalie na alam na niya ang tungkol dito dahil narinig niya ang pinag-usapan nila ni elsa.
Nang magkaroon nga ng pagkakataon ay sinabi na rin niya kila yumi at franco maging sa mommy niya ang tungkol nga sa kaniyang anak na si prince.
Dahil ngayon lang natuklasan ito nila franco ay pakiramdam nila ngayon lang nam4tay ang bata at Labis ang kanilang pagdadalamhati..
_________
Makalipas ang Walong buwan...
"Good morning, sweetie pie."-ani eriz at humalik pa sa labi ni nida habang natutulog pa ito. "Break fast is ready. Let's eat na. Sweetie pie kong maganda"
"Inaantok pa ko, sweetie pie"-tugon ni nida at nagbalot pa nga ito ng kumot.
"Pero 8 am na sweetie oh, baka gutom na ang baby natin na nasa tummy mo"
Agad namang bumangon si nida ng sabihin iyon ni eriz at saktong pagbaba ni nida sa kama ay sumakit ang tiyan nito.
"Araaay!"
"Why, swetie?"
"Ang tiyan ko.."
"B-bakit ang tiyan mo?"
"Sumasakit na.. manganganak na yata ako, eriz.."
"Ano?! Halika dali.. Naaaaayyyy!!! Tulong! Ang maganda mong manugang manganganak naaaaaa!"-sigaw nito habang inaalalayan si nida palabas ng pinto.
"Aaaarrrraaaayyy!! Napaka sakit na talaga"-hindi na nga malaman pa ni nida kung ano ang kakapain. Kung tiyan ba niya o balakang..
"Ilabas mo na ang sasakyan, eriz!"-sigaw ni belle at siya na ang umalalay kay nida.
"O-opo!"-tugon ni eriz at kumaripas ng takbo palabas.
Ngunit ayaw umandar ng sasakyan kahit ilang beses na itong pinapa andar ni eriz.
"Ano na?!"-tanong ni belle.
"Ayaw mag start, nay! Kainis! Ngayon pa talaga 'to nagloko!"
"Ang sakit naaaa!!"-sigaw nanaman ni nida.
"Teka..teka."-sabay labas ng sasakyan ni eriz.. "hinga ng malalim sweetie"
"Paano pa ako hihinga ng malalim ha?! Baka gusto mong mawalan ng hininga?! Ang sakit na!"
"Pumara ka na ng taxi, eriz! Dalian mo na!"-sigaw ni belle at saktong paglabas ni eriz ay parating si james.
Kaya naman humarang na agad si eriz at agad namang bumaba ng sasakyan si james.
"Ano'ng nangyayari?"-tanong ni James.
"Sakto ang dating mo, si nida manganganak na. Dalhin natin s'ya sa pinaka malayong ospital."
"Loko! Tara na po!"-ani james at agad naman niyang binuksan ang sasakyan sa passenger seat para doon maupo sila nida.
Habang nasa sasakyan nga ay natataranta na si eriz..
"Wait lang sweetie ah, malapit na tayo sa ospital. Konting tiis na lang. Makikita na rin kita sa wakas baby"
"Hindi ko na kayaaaaa!!! Ihinto n'yo na! Lalabas na yata!"-sigaw nga ni nida habang namamalipit sa sakit ng tiyan.
"Ano?!"-sigaw ni james kaya lalo na nga silang nagka gulo.
"Sandali na lang nida, malapit na"-tugon ni james..
Mga ilang minuto nga ang naka lipas at nakarating na rin sila ng ospital..
-
-Babae nga ang anak nila nida at eriz na pinangalan nilang Princess Erizha...
Nang malaman nga nila na nanganak na si nida ay nagsidalaw silang lahat sa ospital..
"Naku po, kamukha ni eriz ah"-ani celine..
"Girl version ni kumag"-ani nathalie. "Ang ganda naman ni baby"
"Siyempre. Nasa dugo talaga namin ang pogi't magaganda"-tugon ni eriz.
"Oo, nasa dugo lang. Hindi umakyat sa mukha"-sabay tawa ni nathalie.
"Ang sama mo talaga, Nata!"
Tuwang-tuwa naman sila franco at yumi na pinagmamasadan ang bagong silang na sanggol.
"Malaki na ang kambal n'yo, p'wede ng sundan"-ani eriz sa mga ito.
"Ayoko nga. Tama na sila cheska at anne 'no. Ang hirap kayang manganak"
"Paano 'yan? Eh, hindi pa nga nakaka gawa ng lalaki itong si kuya franco dahil puro babae"
"Dahil kompleto tayong lahat dito, may gusto akong sabihin sa inyo"-ani celine kaya natuon sa kaniya ang atensyon ng lahat.
"Ano 'yun?"
"Buntis ako"-tugon nito kaya nanlaki ang mga mata ni james.
"Seryoso, babe?!"-sabay tingin niya sa tiyan ni Celine.
"Yup.. nag P.T ako kanina. And ayun nga. Positive"
"Hala, congrats ate celine"-ani yumi at nathalie.
"Congrats, nakaka tuwa naman."-ani eriz..
"Congrats, sa inyong dakawa ni james."-saad din ni franco.
"Thank you"-tugon ni Celine sa mga ito.
Sa labis na kasiyahan ni james ng malaman niyang buntis si celine ay napasigaw pa nga ito.
"Yuhooo!!! Tatay na 'ko!"-sabay yakap niya sa kaniyang asawa. At hinalikan ito sa labi.
Itutuloy....
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romansa"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...