Chapter 131

65 4 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 20

Agad ngang dinukot ni franco ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa ng bigla itong mag ring.

Ang akala niya ay ang mga kumidnap na kila yumi ang tumatawag ngunit pulis pala.

Nakatingin nga si dra.ferrer ng sagutin na iyon ni franco.

"Mr. Dela Vega, natagpuan na po ang sasakyan ni Dr. Ferrer. May tama po ng baril ang gulong sa harapan, tanging mga gamit na lang niya ang natagpuan. Malakas ang hinala namin na dinukot nga rin siya"

"Sino 'yan? Mga pulis ba? May balita na ba sa anak ko, franco?"

"Tita, nakita na daw ang sasakyan ni james. Pero wala si james doon. May possibility talaga na magkasama sila ni yumi."

"Diyos ko po! Ano na bang nangyayari! Anak ko! Para na 'kong mababaliw! Nasa'n na ang anak ko at si yumi! Hindi tayo p'wedeng tumunganga na lang Franco at maghintay muli ng update ng mga pulis! Baka kung ano ng nangyayari sa kanila!"

"Tama tita, hindi tayo p'wedeng walang gawin"

"Teka! Hahanapin n'yo sila? Sasama ako, anak. Sasama ako."

"Hindi na po, 'nay. Dito na po kayo. Kaylangan po kayo ni tatay. Tsaka tatawag po ako kapag nagka balita na po kila yumi."

"Pero hindi ako makakampante na maghintay lang, franco! Anak ko 'yun e! Anak ko!"

"Naiintindihan po kita 'nay, maging ako po alalang-alala na. Pero paano po si tatay? Wala pa naman po si natz. Tsaka wala pa silang alam sa mga nangyayari ngayon. Baka po kasi atakihin nanaman si tatay eh."

"Okay, sige. Basta ha. Tawagan mo 'ko agad kapag may balita na kayo sa kanila. Iligtas mo ang asawa mo, franco"

"Opo, 'nay"

Tsaka nga sila lumabas ng ospital. Ngunit bubuksan pa lang sana ni franco ang sasakyan niya ng muling mag ring ang cellphone niya.

Napa hinto nga din si dra.ferrer sa pagbukas ng pinto ng sasakyan niya ng marinig nga niyang nag ri-ring ang cellphone ni franco.

"Hello, Who's this?"-tanong ni franco habang kinakabahan ito.

"Hello, franco! Kumusta hijo? Ang tagal ko ding hindi narinig ang boses mo"-saad nito sa kabilang linya habang tumatawa.

"Sino po ba 'to?"

"Ikaw naman, ang dali mo naman makalimot"

"Hindi ko po talaga alam kung sino po kayo"

"Tito cielo ito.. Father ni sophia. Natatandaan mo pa ba ang anak ko?"

"S-si sophia po?"

"Yes, hijo.."

"Oo naman po, ba't ko naman po makakalimutan si sophia? Pero sorry tito. May importante po akong gagawin eh. I'll call you back po"

"Wait! Mas importante pa ba 'yan sa sasabihin ko sa'yo?"

"A-ano po ba 'yun? Opo, mas importante po ito dahil nawawala po ang asawa at kapatid ko"

Lumapit naman si dra.ferrer at tinanong si franco kung sino ang kausap nito.

"Si tito cielo po, daddy ni sophia.."

"Bakit daw?"

Nagkibit-balikat lamang si franco..

"What if sabihin ko sa'yo na alam ko kung nasaan ang asawa mo maging ang kapatid mo"

"Wait, what?! Paano po ninyong nalaman? Don't tell me tito may kinala---"-naputol ang sasabihin pa ni franco ng biglang tumawa ng malakas si cielo.

"Napaka talino mo talaga, franco! Kaya bilib na bilib ako sa'yo eh!"

"Bakit n'yo s'ya kinuha?! Ano'ng kasalanan ng asawa ko sa inyo? Maging ang kapatid ko?! Saan n'yo sila dinala?!"-sigaw nga ni franco. "Saan?!"

"Relax lang, hijo! Mas'yado ka agad nag-iinit eh. Sinisigawan mo na ang tito cielo mo?"

"Sabihin mo sa'kin kung saan n'yo sila dinala! Ano bang kaylangan mo?! Walang kasalanan sa'yo ang asawa ko maging ang kapatid ko!"

"Oo! Wala talaga! Dahil ikaw ang may kasalanan sa anak ko! Ikaw ang may kasalanan kay sophia!"

"Wala akong kasalanan sa anak mo!"

"Talaga ba, franco?! Minahal ka ng anak ko! Pero ano'ng ginawa mo?! Sinaktan mo lang s'ya!"

"Una pa lang alam na ni pia na hindi ko s'ya gusto! Alam naman n'yang si celine ang gusto ko ng mga panahong 'yun! Kaya wala akong kasalanan kay pia! Wala!"

"Dahil sa labis na pagmamahal sa'yo ng anak ko nabaliw s'ya! Kasalanan mo'ng lahat ng 'to, franco! Kaya mabaliw ka din kakaisip ngayon kung nasaan ang asawa't kapatid mo!"

Agad ngang inagaw ni dra.ferrer ang cellphone ni franco.

"Hoy! Kung sino ka mang d3monyo ka! Wag kang mandamay ng ibang tao! Pakawalan mo na ang sila james!"

"At sino ka para utusan o turuan ako sa dapat kong gawin? Wag kayong siga d'yan! Baka lalo akong mainis. At tuluyan n'yo na silang hindi makita."

"No! Don't do that, please! Wala silang kasalanan"-ani dra.ferrer.

"Ibalik mo kay franco!"

Agad ngang ibinalik ni krizel kay franco ang cellphone nito.

"Hello, tito cielo. Nagmamakaawa po ako sa'yo. Pakawalan n'yo na po sila. Pakiusap po.. wala silang kasalanan. At wala din akong kasalanan kay sophia."

"Ginawa na lahat ng anak ko para magustuhan mo s'ya! Pero hindi mo pa rin na appreciate ang ginagawa n'ya para sayo! Tapos si celine lang pala ang liligawan mo! Ang kapwa pa n'ya artista na nakakasama n'ya sa ilang teleserye!"

"Dahil hindi ko nga po talaga gusto si pia, tito..tsaka hindi ko kasalanan kung nabaliw s'ya. Nagte-take po s'ya ng dr*gs noon pa man.. kaya wala po akong kinalaman sa nangyari sa kaniya. Ang tagal na naming hiwalay ni celine bakit hanggang ngayon issue pa rin sa kan'ya 'yun?"

"Dahil sa ibang babae ka nagpakasal! Nag move-on ang anak ko sa ibang bansa! Nag-aral doon at tinulungan ang sariling makabangon. Tapos pagbalik n'ya malalaman n'yang kasal ka na!"

"Dahil mahal ko po ang babaeng pinakasalan ko. Hindi ko po kasalanan na nabaliw si pia! Baka bumalik s'ya sa dati n'yang bisyo! 'wag po ako ang sisihin mo! Kun 'di s'ya mismo!"

"Ikaw pa rin ang puno't-dulo nito! Kung minahal mo lang din s'ya! Hindi mangyayari ito sa Unica Hija ko!"

"Paano ko po mamahalin ang babaeng hindi kayang irespeto ang sarili? Para lang maakit n'ya ko nagawa n'yang maghubad sa harapan ko. Hindi po ako gano'ng klaseng tao, tito. Ginagalang ko po si pia bilang babae. At kaybigan lang po ang tingin ko talaga sa kan'ya. Kaya naman, please po.. sabihin n'yo na po sa'kin kung nasaan sila yumi?"

"Tapos ano? Ipapakulong mo 'ko? Dahil alam mo ng ako ang master mind sa pagpapa kidnapped kay yumi? At nasabit lang dito ang pakealamero mong kapatid sa ama!"

"Hindi po ako magsusumbong sa pulis, tito. Basta po palayain n'yo na sila..Parang awa mo na tito"

"Ayan! Ganiyan nga franco. Magmakaawa ka sa'kin. Kagaya ng pagmamakaawa ng anak ko sa'yo noon"

"Kung kaylangan pong lumuhod ako sa harapan mo gagawin ko po. Ibalik n'yo lang po sa akin ang asawa't kapatid ko"

"Hindi ka na makaka luhod sa harapan ko franco. Dahil sa mga oras na 'to paalis na ako ng bansa. At hindi na namin hawak sila yumi at james. Naka takas sila. Natakasan nila ang mga tauhan ko"

"Naka takas sila?!"

Naka hinga na nga ng maluwag si franco kahit wala siyang idea kung nasaan na nga ba sila yumi at james ngayon.

Naputol na nga ang tawag na iyon at hindi na niya ito ma contact pa..

"Nakatakas sila tita! Sana ligtas sila! Sana makauwi na sila!"

"Sana nga, franco.. sana nga.."

Itutuloy...

Mommy For HireWhere stories live. Discover now