Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 34
Nagtungo si Minda sa kwarto ni James upang makausap niya ito. At ng nasa tapat na siya ng pinto ng kwarto ng kaniyang pamangkin ay kumatok siya rito.
"Pasok.."-ani James mula sa loob kaya naman pumasok na si minda.
"Ikaw po pala 'nay minda"
"Kauuwi mo lang ba?"
"Opo eh"
"Edi puyat at pagod ka?"
"Hehe. Opo, 'yan po talaga buhay ng isang dictor 'nay.. bakit po pala?"
"Sinabi kasi sa akin ni Elbert na binilhan mo siya ng mamahalin na Cellphone.."
"Ah, opo.."
"Iho.. Hindi mo na dapat 'yun ginawa. Sobra-sobra na ang itinulong mo sa amin. Tapos sa pasukan, pag-aaralin mo pa s'ya.. nakaka hiya na.."
"Nay minda naman. Bakit naman po kayo nahihiya? Pamilya po tayo. Ate ka ni mama. Tita kita. At pinsan ko po si elbert. Hayaan n'yo pong makabawi kami sa inyo"
"Pero sobra-sobra na"
"Maliit lang po na bagay 'yun. Tsaka 'yung cellphone po. Magagamit po ni elbert 'yun kapag nag-aral na s'ya. Tsaka para may contact din po ako sa kaniya."
"Salamat james. Napaka buti at napaka bait mo talaga. Parehong-pareho kayo ni yumi. Alam mo bang nung una ko kayong nakita, akala ko nga magkasintahan kayo eh. Yun pala hipag mo lang siya. Pero iho kahit hindi mo sabihin sa'kin ang totoo. Alam kong may gusto ka sa kan'ya"
Naupo naman si james sa kama niya at hinawakan ang dalawang kamay ni minda.
"Hindi ko lang po s'ya gusto 'nay. Mahal na mahal ko po si yumi"
"Halla. Pero mali"-ani minda.
"Yes po, mali po talaga. Bestfriends po kami ni yumi nung high school at noon pa man po gusto ko na talaga s'ya, hanggang sa nagtapat nga po ako at nalaman ko po na gusto n'ya rin ako. Ang saya ko po no'n 'nay. Sobrang saya po. Kasi gusto din pala ako ng babaeng gustong-gusto ko. Hanggang sa niligawan ko nga po s'ya.."
"Naging kayo? So, ex mo pala s'ya?"
"H-hindi po, 'nay.. kasi kung naging kami po, hindi po ako papayag na magkahiwalay po kami."
"Eh, paanong hindi naging kayo? Sabi mo nga gusto ka rin n'ya at nililigawan mo na s'ya"
"Sinabi po kasi n'ya na ihinto ko na daw po. Yun po pala nalaman n'yang gusto din ako ng bestfriend n'ya kaya ayun pinahinto po n'ya ko sa panliligaw. Noong una hindi ko po alam na gano'n eh. Nasaktan po ako ng sobra. Gano'n po pala 'yun 'no? Na kung gaano ka kasaya ganoon din kasakit ang kapalit.. nag-aral ako sa america, akala ko makakalimutan ko na s'ya. Pero hindi pala. Siya lang po talaga ang babaeng minahal ko ng sobra hanggang ngayon po. Alam ko naman po na mali eh. Kasi asawa na po s'ya ni kuya at engaged na po kami ni celine. Pero Bakit gano'n 'nay? Ang hirap-hirap pa rin n'yang kalimutan. Ginawa ko na po lahat-lahat para lang makalimutan ko s'ya. Pero wala eh. Mahal ko pa rin po talaga"
"Yan ang tinatawag na TRUE LOVE..Mahirap talagang mawala 'yan. Pero pilitin mo ang sarili mo na kalimutan s'ya. Kasi hangga't may nararamdaman ka para sa kaniya, hindi mo magagawang mahalin ng lubos si celine. Hindi tama na dalawang babae ang mahal mo. Mag focus ka kay celine..Siya ang fiancee mo, at 'yun sa inyo ni yumi, part na lang 'yun ng nakaraan. Masaya na s'ya sa buhay na mayroon siya ngayon. Ibig sabihin lang no'n. Kay franco talaga siya naka laan at hindi sa'yo dahil si celine ang para sa'yo."-sabay tabi niya kay james at inakbayan ito. "Minsan mapaglaro talaga ang mundo eh, 'yung tao na akala mo para sa'yo na. Hindi pala..kahit gaano mo s'ya kamahal. Kahit gaano mo s'ya hawakan ng mahigpit. Mawawala at mawawala s'ya sa'yo kung hindi para sa'yo. Mahal na mahal ka ni celine, james. Kaya sana bago mo s'ya pakasalan. Buong-buo na ang puso mo. Buong-buo na ang pagmamahal mo. Dahil hinding-hindi magiging masaya ang pagsasama ninyo kapag hindi buo ang puso mo at lalo na kapag hindi buo ang loob mo."
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...