Chapter 26

165 5 0
                                    

"Bakit ngayon mo lang sinasabi 'to?"-dagdag ni franco.

"Hindi lang ako makahanap ng perfect timing para sabihin sa'yo, hindi ko rin alam kung paano ko sisimulang sabihin"

"Paano nga kayo naging magkapatid ni celine? Eh, nag-iisang anak lang s'ya ni tita olga."

"Yun ang akala ng lahat ng tao. Hindi nila alam na may tinalikuran s'yang anak! May pinamigay s'yang anak!"

"Hindi kita maintindihan"

"Pinamigay n'ya ko sir franco, sa mga kinilala kong mga magulang. Dahil bunga lang ako ng panggagahasa sakan'ya!"

Pakiramdam ni franco ay sinabuyan siya ng napaka lamig na tubig. Hindi siya makapaniwala sa mga katotohanang sinasabi sakaniya ng dalaga.

"Ano?"-tanging naiusal nito dahil sa pagka bigla.

"Mag kaklase at magkaybigan si nanay at ang totoo kong ina nung high school.kaya kay nanay n'ya ako ibinigay dahil alam n'yang safe ang sikreto n'ya"

"Kelan mo pa nalaman?"

"Naalala mo nung nag day-off ako nung inihatid n'yo 'ko ni diana?"

"Oo"

"Kinabukasan doon ko nalaman ang totoo."

"Medyo matagal mo na rin palang alam. Sinong nakaka alam n'yan dito?"

"Si francis pa lang"-tugon ni nayumi na ikinaseryoso ng mukha ni franco.

"Ano?! At s'ya talaga ang unang naka alam? Bago ako?!"

"Gaya nga ng sabi ko sa'yo hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo!"

"Pero sakanya kinaya mo agad!"

"Ano bang kinagagalit mo?! Sinabi ko naman na sa'yo ah!"

"Pero hindi ako ang unang naka alam!"

"Napaka demanding mo naman! Issue pa ba 'yon sa'yo?!"

"Oo! Kung may tao na dapat maunang maka alam ako dapat 'yon! Ngayon naiintindihan ko na kung bakit galit ka kay celine! Kung bakit sinira mo ang mga litrato n'ya! Pero labas si celine sa problema mo dahil wala din s'yang alam tungkol sa'yo"

"Alam ko! Akala mo ba hindi ko 'yun alam?! Masisisi mo ba ako? Nasaktan ako sir! Nasaktan ako! Kung sa bagay hindi mo 'yun alam! Dahil wala ka sa sitwasyon ko! Hindi mo alam ang pakiramdam ng pinamigay! Na tinalikuran ng magulang! Kung nagagalit ka na pinagbuntunan ko ang mga pictures n'ya edi sorry!"-nanginginig na paliwanag ni yumi.

"Alam ko rin na ganito ang mararamdaman ni diana kapag nalaman n'ya ang totoo. Kaya kung papayagan mo 'ko sabihin na natin sakan'ya ang totoo na hindi ako ang mommy n'ya at tita n'ya lang ako"

"Wag mo akong pangunahan..wala pa akong balak sabihin sa anak ko ang totoo. Sa murang edad ayoko s'yang masaktan agad. Kaya please hayaan mo na muna. Ituloy mo na lang ang mga nasimulan na"

"Ikaw po ang bahala..pero paano kapag bumalik si celine at s'ya mismo ang nagsabi sa anak n'yo?"

"Hindi na babalik si celine, at hindi na ako papayag na muli s'yang bumalik sa buhay naming mag-ina"

"Sinasabi mo lang 'yan dahil wala s'ya, dahil galit ka sakan'ya pero kapag nandoon na sa point na 'yun wala ka ng magagawa pa. Aminin mo man o hindi alam kong mahal na mahal mo pa rin s'ya. Dahil kung wala ka ng nararamdaman para sa kaniya---"sabay tulo ng luha nito."Hindi mo na itatago pa ang mga larawan n'ya. Tapos sasabihin mong mahal mo 'ko? Na kahit ang totoo s'ya pa rin talaga ang mahal mo..nakikita mo lang sa'kin si celine kaya mo sinasabing mahal mo 'ko! 'wag mong dayain ang nararamdaman mo sir franco ayokong masaktan"

Pero imbis na tumugon si franco ay niyakap nalang niya ng mahigpit si nayumi. Na lalong ikinaagos ng mga luha ng dalaga.

"Sorry, wala akong kaalam alam na napaka hirap pala ng pinagdadaanan mo."-sabay hagod nito sa likuran ni nayumi.

Lalong hinigpitan ni franco ang pagyakap dito at ng maghiwalay sila sa pagkakayakap ay marahan niyang hinalikan ang noo ng dalaga.

"Karamay mo 'ko sa lahat,yumi.."-kasabay nito ang pagpahid niya ng mga luha ni yumi gamit ang kaniyang kamay.

"Sige na po, babalik na po ako kay diana. Matulog na rin po kayo"

Pagtalikod nga ni nayumi ay muli siyang niyakap ni franco sa kaniyang likuran.

"Gusto ko lang sabihin na hindi magbabago ang pagtingin ko sa'yo kahit pa kapatid mo si celine, walang magbabago sa pagmamahal ko sa'yo, minahal kita bilang ikaw hindi dahil nakikita ko s'ya sa'yo"

Nagpakawala muna ng malalim na buntong hininga si nayumi bago niya alisin ang kamay ni franco na nakayakap sakaniya.

Hindi na niya ito nilingon at dire-diretsong bumalik sa silid ni diana.

_______

Kanina pa nakahiga si franco sa kaniyang kama pero hindi pa rin siya makatulog. Naalala niya ang sinabi sa kaniya ni nayumi kanina.

Kaya agad siyang bumangon at kinuha ang susi sa drawer. Susi iyon ng mga kwarto sa itaas.

Pag-akyat nga niya ay una niyang tinungo ang kwarto ng mga magulang.

Marami siyang naalala pagkapasok niya doon. Mga masasayang memories kasama ng kaniyang ina at ama.

Kinuha nga niya ang isang litrato ng kaniyang mga magulang na nasa tabi ng lamp shade.

"Sana nandito pa kayo, sana may nagpapayo sa akin kung ano nga bang dapat kong gawin sa sitwasyon ngayon. Mommy,balik ka na dito. Ang tagal ng wala ni daddy pero hindi ka pa rin bumabalik. Talaga bang mas mahalaga sa'yo ang bago mong pamilya kaysa sa amin ni francis. May apo ka na. May apo na kayo ni daddy. Aaminin ko masama ang loob ko nung iniwan mo kami, pero napatawad na kita. Bumawi ka naman sana kay diana. Ilang birthday ko na ang lumipas na hindi kita kasama."-tsaka nito dahan-dahang ibinalik iyon at pinunasan ang luhang pumatak mula sa kaniyang mga mata.

"Daddy, kung nasaan ka man ngayon magpanaginip ka naman sa'kin, turuan mo naman ako ng teknik kung paano mapa ibig 'yung babaeng mahal ko. Mahal na mahal ko talaga s'ya daddy"

Tsaka nito muling nilibot ng paningin ang buong silid bago ito lumabas.

Sunod nga niyang pinuntahan ay ang dati niyang silid kung saan nandoon ang mga naka kalat pa rin na mga litrato. Sa kwarto kung saan muntik ng may mangyari sa kanilang dalawa ni nayumi.

Hinila nga niya mula sa ilalim ng kama ang isang storage box at pinulot ang mga nagkalat na iyon. Maging ang mga pictures niya na kasama si celine ay inilagay na rin niya sa storage box.

Alas tres na nga ng madaling araw pero naglilinis pa rin siya sa kwartong iyon.

Ibinalik nga niya sa ilalim ang storage box bago tuluyang lumabas at bumalik sa kaniyang silid.

Sa muli niyang pag higa ay hindi pa rin ito makatulog.

Kaya tuluyan na siyang bumangon at nagtimpla ng kape. Dala-dala nito ang isang tasang kape at pumunta sa kwarto ni diana kung saan naroroon din si yumi.

Mahimbing nga ang tulog ng dalaga maging ang kaniyang anak.

Inayos niya ang kumot ng mga ito at pinagmasdan.

"Kahit bumalik si celine sa buhay naming mag-ama, ikaw pa rin ang pipiliin kong makasama. Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako natututunang mahalin"-bulong sa sarili tsaka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Itutuloy..

Mommy For HireWhere stories live. Discover now