Pagkauwi nga ng bahay ni franco ay natanaw niya agad si jovan na nililinis ang sasakyan kaya naman nilapitan niya ito.
"Sir franco? Nandito na po pala kayo? Himala po ang aga mo"
"Oo eh, maagang nayari ang business meeting with investors. Si yumi ba nasa loob?"
"Yes, sir..kanina pa po kami naka uwi"
"P'wede ko bang malaman kung saan kayo nagpunta? At kung sino 'yung kinita n'ya?"
"Sa ospital kami nagpunta, sir.. doctor 'yung kinausap niya"
"D-doctor? Sinong doctor?"
"Parang jaime?"
"Jaime? O baka naman james?"
"Ay oo sir, james nga.."
"Pinuntahan pala n'ya si james. Kaya hindi n'ya sinabi kung sino 'yung kakausapin n'ya kasi si james pala. Ano'ng pinag-usapan nila? Narinig mo ba?"
"Hindi sir eh..hindi ako lumabas ng sasakyan. Sa parking lot ng ospital sila nag-usap"
"Gano'n ba? Seryoso ba mga mukha nila habang nag-uusap?"
"Oo eh, para nga pong nagtatalo."
"Ano?! Ano'ng ginawa ng lalaking 'yun kay yumi?"
"Wala naman sir"
"Hindi n'ya hinalikan si yumi? Or niyakap manlang?"-pang uusisa ni franco.
Pero naging mailap ang mga mata ni jovan.
"H-hindi sir, nag-usap lang sila tapos umalis na rin kami"
"Matagal ka na sa'kin, para na tayong magkapatid. Kaya alam ko kung nagsasabi ka ng totoo o nagsisinungaling ka"
"S-sir..."
"Niyakap ba n'ya si yumi?"
"Baka kasi sir mag-away kayo ng pinsan ko"
"Hindi kami mag-aaway dahil hindi ko s'ya p'wedeng awayin. Kaya sabihin mo na kung niyakap ba ni james ang pinsan mo"
"Opo, sir..niyakap n'ya.. kaya nga lumabas ako agad ng sasakyan para umuwi na kami ni yumi eh."
"Okay, salamat sa pagsabi ng totoo..'wag mo na lang sana sabihin sa kaniya na nagtanong ako sa'yo, wala din akong balak na sabihin sa kaniya na alam ko kung saan s'ya nagpunta"
"Sige sir"
Pagtalikod nga ni franco ay tsaka nito pinakawalan ang luhang kanina pa pinipigilan.
Pero agad siyang napa hinto ng makita si yumi sa garden. Inayos nga niya ang sarili at pinunasan ang mga luha. Tsaka nagpakawala ng malalim na buntong hininga tsaka siya ngumiti palapit kay yumi.
"Uy, love. You're here na pala?"-nakangiting tanong niya.tsaka humalik siya sa mga labi ni yumi.
"Kanina pa love, ang aga mo ah. Kumusta business meeting?"
"Ayon.. okay naman love, sabi nga ni tito gerald mas naging okay 'yunh kumpanya mula nung naging business partner kami"
"Eh, kasi naman ang galing galing ng mapapangasawa ko eh"
"Ayiieee..nambola pa si love"
"Totoo 'yun. Kaya nga proud na proud ako sa'yo eh"
"Thank you, love.. sige balik ako dito after ko mag shower."
Akma na sanang aalis si franco ng magsalita si yumi.
"Ako, love? Hindi mo ba tatanungin kung saan ako nagpunta at kung sinong kinausap ko?"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...