Chapter 42

143 5 0
                                    

Hindi nakabili ng engagement ring si franco dahil biglaang may emergency meeting sa kumpanya.

Masiyado silang abala ng mga araw na iyon kaya napagpasyahan na lang niya na sa ibang araw na lang.

"Iniiwan mo 'yung dalawa do'n, baka magbugbugan 'yon"-ani noah kay franco.

"Kaya nga eh, iniisip ko din 'yun lalo na't may pagkamaldita itong si celine at si yumi naman mataray din. At pumapatol kapag napuno na"

"Gaano kahirap na magsama-sama kayo sa iisang bahay? Na andoon 'yunh ex mo at 'yung present mo"

"Siyempre mahirap, lahat kami nag a-adjust kay celine"

"Matanong kita ah, alam ko at saksi ako kung gaano mo minahal si celine, halos lahat ginive-up mo nung iwan ka n'ya halos muntik ka pang magpakam4tay 'di ba? Naaalala mo nung nilaklak mo 'yung sleeping pills?"

"Oo, natatandaan ko 'yun. Akala ko nga katapusan ko na eh, kaya itong buhay ko ngayon pangalawang buhay ko na."

"Kahit katiting ba, wala kang naramdaman ng makita mo si celine?"

"Na pagmamahal ba?"

"Oo"

Umiling lang si franco,

"Are you sure?"

"Oo naman, matagal na 'yun. Yung nararamdaman ko para kay celine matagal ng tapos."

"I salute you, bro! Nakaka proud ka. Ikaw 'yung tipo ng lalaki na dapat pinapangarap. Napaka swerte ni yumi sa'yo"

"Mas maswerte ako sakan'ya bro! Isipin mo ah. May anak na 'ko, mas matanda ako sakan'ya. Kung tutuusin p'wede s'yang maghanap ng binata at kaidad n'ya lang pero ako 'yung minahal n'ya, kaya kapag s'ya pa talaga nawala ewan ko na lang"

"Edi, maswerte kayo sa isa't-isa"

"Tama bro! Tama.."

-------

"Arrrgghhhhh!!! Nakakainis!"-bungad ni celine habang kausap nito ang kaybigan na si trixie.

"Hay nako! Ang init na nga ng panahon tapos ang init pa ng ulo mo!"-saad nito mula sa kabilang linya.

"Nakakainis kasi! Palaban din 'yung babaeng 'yon! Mayabang pa! Kahit ano'ng sabihin ko sakan'ya parang balewala hindi ko s'ya mainis inis at ako 'yung naiinis. Napaka pilosopo n'ya!"

"Aba, mukhang nakahanap ka yata ng katapat mo friend"

"Hindi ko s'ya titigilan. Gusto ko s'yang umalis dito para masolo ko 'yung anak ko! Dahil hangga't nandito 'yan hindi ako mapapansin ng anak ko! Masyadong bida-bida akala mo naman s'ya ang totoong ina ang kapal ng mukha!"

"Oh? Easy ka lang..baka ma high blood ka d'yan..dapat pag isipan mo kung ano 'yung kahinaan n'ya. Na kapag nangyari 'yun s'ya mismo ang aalis sa pamamahay na 'yan"

"Eh, ano nga ba?"

"Tsk! Ang hina mo naman friend"

"Ano nga?! 'wag mo na akong pag-isipin pa..masakit na nga ang ulo ko sa babaeng 'yun eh!"

"Hindi ba't ang kahinaan ng isang tao ay pag-ibig?"-ani trixie.

"Oh? Tapos?"

"Simple lang..saktan mo s'ya sa pamamagitan ni franco"

"Ha? Paano?"

"Ang hina mo naman! Edi akitin mo si franco at kapag nakita 'yun ni yumi edi masasaktan s'ya. Tapos hindi na n'ya maaatim na makita kayong dalawa. Edi aalis na lang s'ya. In short L4ndiin mo si franco ng nakikita n'ya"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now