Chapter 24

162 7 0
                                    

Magkasama nga sa living room sila Nayumi at Diana, Sinasamahan nga ng dalaga ang bata sa panonood nito ng cartoons.

Sa kabila ng pagka abala nila sa panonood ay inistorbo sila ni franco.

"Yumi, 'wag mong hayaang mailipat ni diana sa TV5 ah"

"Okay po,sir"-tugon ni yumi.

"Bakit po daddy?"

"Ah..ano kasi anak, 'yung palabas ngayon do'n bawala sa bata eh"-pagsisinungaling nito.

"Okay po daddy"

"Ah. Anak,p'wede ko bang makausap sandali si mommy?"

"Yes po..sige po daddy"

Tumayo nga si Nayumi at bahagya silang lumayo sa bata.

"Bakit po?"

"May namamagitan ba sa inyong dalawa ni francis?"-diretsahang tanong nito sa dalaga.

"P-po?! Wala po!"

"Yung totoo?"

"Wala nga po,sir..bakit ho ba?"

"Wala? Eh bakit may pahawak hawak pa sa kamay mo 'yung kapatid ko? Kung wala talaga"

"May sinasabi lang po s'ya"

"Ano?"

"Wala lang po 'yun"

"May gusto ka ba sa kapatid ko? Kaya ayaw mo sa'kin kasi s'ya 'yung gusto mo?"-marahas na tanong nito sabay sulyap kay diana at muling bumaling ng tingin kay nayumi.

"Ano po bang klaseng tanong 'yan sir? Wala po akong gusto sa kapatid mo, magkaybigan lang po kami.. at 'yun lang po 'yon"

"Sogurado ka?"-paniniguro nito.

"Oo naman po, nagseselos ka ba?"

"Alam kong wala akong karapatang magselos dahil hindi kita girlfriend pero oo! Tama ka..nagseselo ako. At hangga't gusto kita magseselos ako!"

Natigilan naman si nayumi at yumuko na lang ito,

"Pero alam ko may gusto s'ya sa'yo kaya lagi s'yang dumidikit sa'yo"

Napa angat ang tingin ni nayumi sa kausap at biglang nagsalubong ang mga kilay niya.

"Hindi totoo 'yan..magkaybigan lang kami. At alam kong wala s'yang gusto sa'kin. Please lang po..tama na.."

"Manhid ka ba? Hindi mo nahahalata na gusto ka n'ya?"

"Sir, tama na!"

"Alam kong hindi mo 'ko gusto dahil 'yun ang sinabi mo sa'kin. Pero tatanungin kita ulit. Wala nga ba talaga? Kahit konti lang nayumi. Kahit konting pagtingin lang. Kung wala talaga. Titigil na 'ko"

"Tama 'yan sir, tigilan mo na po ako. Kasi wala pa po sa isip ko ang mga bagay na ganito. Alam n'yo naman po kung ano'ng priority ko 'di ba? At pamilya ko po 'yun"

"Alam ko.. pero kaylangan mo rin ng lalaking magmamahal sa'yo. Mag-aalaga sa'yo. Hindi ka na bata para umiwas sa pagmamahal. Nasa tamang edad ka na. Minsan hindi masamang unahin ang sarili nating kaligayahan."

"Bakit kasi ako pa?! Ang dami d'yan..ang daming babaeng nagkaka gusto sa'yo ang daming babaeng pinapangarap at pinapantasya ka! Bakit sa katulad ko pa ikaw nahulog?"

"Dahil ikaw ang pangarap ko."

"I-give-up mo na po ang pangarap na 'yan sir, dahil kahit ilang beses mo pa po akong tanungin. 'yun at 'yon pa rin ang isasagot ko sa'yo"

Pagkasabing iyon ni nayumi ay sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ni franco. Pakiramdam niya ay sin4ksak siya ng pauli-ulit sa puso.

"Okay, tama ka. Siguro nga kaylangan na kitang sukuan. Mula ngayon titigil na ako sa kahibangan kong 'to. Hindi na kita kukulitin.wala ka ng maririnig sa'kin."

Mommy For HireWhere stories live. Discover now