Chapter 52

137 4 0
                                    

Nakita nga ni Nida na naglalaro si Diana sa sala kaya naman nilapitan niya ito.

"Hi, baby girl. I have something to tell you"-ani nida sa bata.

Huminto naman si diana sa paglalaro at hinarap si nida.

"Ano po 'yun, ate?"

"Pero secret lang natin 'to ah"

"Secret po?"

"Aha!"

"Okay po, ano po ba 'yun?"

"Naku, matutuwa ka kapag nalaman mo.. alam mo ba ang mommy yumi mo, buntis na! Magkakaroon ka na ng kapatid!"

"Talaga po?!"-sigaw ni diana kaya tinakpan ni nida ang bibig nito gamit ang kaniyang kamay.

"Ssshhhh!! 'wag kang maingay. Sabi ko sa'yo secret lang natin e"

"Ay..sorry po.. paano n'yo po nalaman? Sinabi ni mommy?"

"Hindi.. narinig ko lang kila mama at daddy mo, pero hindi pa naman sure"

"Ay..akala ko po sure na"

"Pero malay natin 'di ba? Oo 'yan..magkakaroon na ng baby dito. Magiging ate ka na, diana"

"Yehey! I'm so excited na po. Sana girl din po para may kalaro ako. Tapos ako po 'yung mag-aayos ng buhok niya at maglalagay ng towel sa likod n'ya"

"Eh, kung babae..paano kung boy?"

"Edi, okay pa rin po.."

"Basta..secret muna natin ha?"

"Okay po"

"Zipper mo lang bibig mo"

"Ano po bibig ko? Pantalon?"

Napakamot naman si nida,

"Mana ka talaga sa mommy yumi mo. Hay nako. Parang kayo ang mag-ina eh"

Tumawa naman si diana at bumalik na sa paglalaro.

-------

"Really, bro?! Nang ganoong oras talaga?"-natatawang tanong ni noah ng ikuwento ni franco na nanguha sila ng mangga ni jovan ng alas dose ng hating gabi.

"Oo, haha! Buti na lang may experience sa paglilihi itong si celine, kaya sinabi n'ya na baka naglilihi na si yumi"

"Malamang nga, eh may nangyari na sa inyo eh. Grabe, magiging dalawa na anak mo. Congrats bro!"

"Hindi pa man sigurado pero tuwang-tuwa na ako.. ganito din 'yung naramdaman ko nung sabihin ni celine na magiging tatay na ako eh"

"Akala ko pa naman mauuna ang kasal kaysa sanggol, baliktad pala. Sanggol muna bago kasal"

"Kaya nga eh, pero okay na rin 'yun. Malapit na rin naman na kaming ikasal eh."

"Aba'y dali-dalian n'yo, baka naman sobrang laki na ng tiyan ni yumi bago kayo makasal. Tapos sa mismong kasal n'yo doon s'ya manganak haha!"

"Oy! Bibig mo ah..haha!"

"Joke lang.."

"Malalaman ko na mamaya kung meron na nga ba talaga, si celine na daw bahala eh"

-------

Nakasara nga ang kwarto nila franco kaya naman kumatok doon si celine..

"Pasok..."-saad ni yumi kaya pumasok na si celine.

"Oh? Ate? Ikaw pala?"-bumangon naman ito at naupo si celine sa gilid ng kama.

"Masama ba pakiramdam mo?"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now