Chapter 49

138 4 0
                                    

Sinundo na nga nila si diana sa eskwelahan para makasama na rin ito sa pagpunta sa bahay nila celine.

"Hi, mommy"-ani celine sabay yakap sa ina nito na namamahinga sa sofa.

"Buti naman at dinalaw mo ako, anak. Miss na miss na kaya kita"

"Miss na miss na rin kita, mommy.. kaya ako umuwi kasi meron akong surprise para sa'yo"

"Talaga? Ano 'yun, anak?"-masayang tanong nito.

"Hindi ano.. kundi sino"

"Ha?"-napalitan ng pagtataka ang saya nito.

"Pasok.."-ani celine.

Bumungad naman ang mag amang franco at diana..

"Franco?! D-diana? Siya na ba ang apo ko?"-maluha luhang tanong nito.

"Anak, s'ya ang mommy ko..kaya s'ya ang lola olga mo.."

"Lola olga po?"-tanong ni diana.

"Oo, apo..ako ang lola olga po.. ang laki laki mo na at napaka gandang bata."

"Salamat po.."

At agad ngang niyakap ni olga ang kaniyang apo na halos anim na taon niyang hindi nakita.

"Tawagin mo na lang akong mamita ha?"

"Sige po, mamita"

Sabay yakap muli ni olga kay diana.

"Franco, hijo..salamat sa pagdala kay diana dito..alam kong marami kaming pagkukulang sakan'ya pero dinala mo pa rin s'ya dito..salamat talaga"

"Wala po 'yun, tita"-at niyakap nga ni franco si olga.

Luhaan ang mga mata nito habang naka ngiti sa mag-ama.

"Wait! Hindi lang 'yan"-saad ni celine.

"M-meron pa, anak?"

"Yes, po.."

Tsaka nga pumasok sila Sandra at Pancho na ikinagulat ni Olga..

"Sandra?! Pancho?! Totoo ba 'to?! Nandito kayo?"-tsaka ito lumingon kay celine.."Totoo ba ito anak? O nanananginip lang ako?"

"Totoo ito, mommy..nasa harapan mo nga sila tita sandra at tito pancho"

Wala ngang sali-salitang niyakap ni sandra ang matalik na kaybigan na dalawang dekada niyang hindi nakita at nayakap.

Kapwa sila umiiyak at halatang na-miss ang isa't-isa.

"Kumusta?! Kumusta kayo? Buti natagpuan kayo ni celine?"-sunod-sunod na tanong nito.."Kumusta pala 'yung----- yung anak ko?"

Ngumiti naman si sandra at lumingon sa muling pagbukas ng Main door.

Napatakip naman ng bibig si olga ng masilayan si Nayumi. Mabilis ngang nag unahan ang mga luha nito sa pagpatak.

"A-anak?!!!"-sabay takbo niya kay yumi at niyakap ito ng mahigpit.

Walang reaksyon ang mukha ni yumi ni hindi siya gumanti ng halik.

"Dalagang dalaga ka na.. A-alam na ba n'ya ang totoo?"-tanong nito kay sandra.

Ngumiti at tumango naman ito kaya muling bumaling ng tingin si olga kay yumi at muli niya itong niyakap.

"Anak ko..anak ko..."-paulit-ulit na sambit nito.

Bahagya namang ngumiti si yumi ng bumitaw si olga sa pagkakayakap sakaniya.

"Maupo ka anak, napaka saya ko kasi nandito kayong lahat.. ang apo ko, ang mga kaybigan ko at ang isa ko pang anak"

"At ang magiging manugang mo, mommy"-dagdag ni celine.

Mommy For HireWhere stories live. Discover now