Chapter 20

174 4 0
                                    

Napatulog na ni Nayumi si Diana pero nakaramdam siya ng uhaw kaya naman lumabas ito ng kwarto.

Napansin niya ang tatlo na magkakasama ang mga ito at kapwa matalim ang tingin sakaniya.

"Ano'ng problema ng mga 'to?"-tanong sa sarili at hindi na lang niya pinansin ang tatlo.

"Oy! Yumi!"-pagtawag ni nida sakaniya kaya napa hinto siya sa paglakad at hinarap si nida"

"May kaylangan ka?"

"Oo! May kaylangan kaming malaman.."-tugon nito habang naka pamewang at naka taas pa ang isang kilay."Di ba girls?"

"Aha! Kaya katotohanan at pawang katotohanan lang ang isasagot mo sa mga katanungan namin"-saad naman ni irah.

"Bawal magsinungaling"-dagdag ni michelle.

"Ano ba kasi 'yon?"-nagtatakang tanong ni nayumi sa tatlong marites.

"Ano'ng ganap kagabi?"

"Ganap? Ano'ng ganap?"

"Ooppsss..ang sabi namin bawal magsinungaling."-ani irah.

"Oo nga naman yumi..ano nga kasi? Ito naman tayo tayo lang eh, tsaka ano man malama namin hindi naman 'yun kakalat"

"Alam n'yo hindi ko alam mga pinagsasasabi n'yo.sige na, maiwan ko na kayo nauuhaw na talaga ako"

"Hep! Hep!"-ani nida.

"Hooray!"-dagdag ni irah.

"Umiiwas..ayyiieee..ibig sabihin may nangyari nga talaga.."-panunukso ni michelle.

"Don't tell a lie, yumi..umamin ka na.."-saad ni nida.

"Wala akong aaminin..dahil hindi ko talaga alam mga pinagsasasabi n'yo"-pagkakaila ni nayumi.

"Hindi ba't magkasama kayo sa second floor kagabi? Nakita din namin do'n 'yung jacket ni sir franco. Tapos ang kalat do'n. Halatang ang wild ng kaganapan kagabi. Tapos 'yung kama gulo-gulo din. Ano 'yun? Nagtagu-taguan lang kayo? Gano'n?"-saad ni nida.

Tinaasan lang ni nayumi ng kilay si nida tsaka niya ito tinalikuran.

"Hoy! Kinakausap pa kita! Akala ko ba nandito ka para magluto? Bakit tinatrabaho mo rin si sir franco?!"-inis na sambit ni nida.

Muling humarap si yumi kay nida at tinaasan niya ng kilay ito.

"Kung ano man 'yung nangyari kagabi, at kung ano man 'yung nasa isip n'yo wala akong pake. Basta ako nag-enjoy ako!"-tugon nito upang lalong inisin si nida.

"Sabi ko na nga ba! Makati ka!"

"Bakit? Masamang magpa kamot? Di ko abot eh"-tugon nito sabay tawa.

Natatawa naman ang dalawa,

"Ano'ng tinatawa tawa n'yo?! May nakakatawa?!"

"Halatang iniinis ka lang ni yumi"-tugon ni irah at pinipilit na huwag matawa.

"Malalaman ko rin sikreto ng babaeng 'yan"

"Hayaan mo na kasi.. buhay n'ya 'yan..tsaka bagay naman sila ni sir franco"-saad ni michelle.

"Eeww! Bagay ka d'yan!"-maarteng wika ni nida.

_________
"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar.

"Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan"-kwento ni franco sa kaniyang kaybigan.

"Ano? 'yung cook n'yo?! Hinalikan mo? Aba! Ang bilis mo ah"-tugon ni noah tsaka ito tumungga ng san mig light.

"Grabe bro, ako 'yung gumawa ng dahilan para iwasan n'ya 'ko. Pakiramdam ko talaga natakot s'ya sa'kin eh, alam mo 'yung pakiramdam na kapag nakikita n'ya 'ko bigla na lang s'yang umiiwas ng tingin.pati tuloy ako nahihiya na rin e."

"S'yempre naman noh, ikaw ba naman halikan ng hindi mo naman jowa. Tsaka base sa kwento mo nga disenteng babae 'yung yumi na 'yon."

"Yun na nga eh, at ako pa ang naka una sa mga labi n'ya."-sabay hawak nito sa ibabang labi. "Pero alam mo kung ano 'yung mas malala?"

"Ano?! Naku, Don't tell me may nangyari sa inyo?!"

"Wala, muntik lang."

"Yung totoo?! Wala ba talaga?"

"Wala talaga, muntik lang. Naka ibabaw ako sakan'ya habang hinahalikan ko s'ya tapos----"

"Tapos ano?"

"Ayoko ng ituloy"

"Pabitin naman 'to oh.Wala naman s'ya.akala mo naman walang experience at nahiya pang mag kwento"

"Gusto ko sana s'yang ligawan kasi mahal ko na talaga s'ya at pakiramdam ko mas lalo ko s'yang minahal ng maangkin ko ang mga labi n'ya. Mas kakaiba 'yung naramdaman ko ngayon kay yumi eh, kaysa nung kami ni celine. Minsan kasi si celine talaga 'yung may gusto"

"Eh, nasabi mo na ba sakan'ya 'yung balak mong panliligaw?"-tanong ni noah sabay tungga nanaman nito sa hawak niyang alak. "Hindi mo na ginalaw 'yan ah"

"Mamaya na, wala pa ako sa mood"-tugon nito. "Nasabi ko na sakan'ya pero hindi n'ya ako gusto eh. Hindi kami pareho ng nararamdaman"

"Grabe, may babae pa rin palang tatanggi sa'yo? Gwapo,mayaman,sikat na singer at higit sa lahat mabuting tao. Napaka daming babae ang pinapantasya ka tapos s'ya tinanggihan ka?"

"Talagang gano'n, hindi nga ako gusto no'ng tao eh"

"O baka naman dahil may anak ka na?"

"Ang sabi n'ya hindi daw sa gano'n eh, basta hindi lang daw n'ya talaga 'ko gusto"

"So pa'no 'yan?"

"Edi finish na..alangan ipilit ko sarili ko sa taong ayaw naman sa'kin 'di ba?"

"Baka naman nabigla lang..hinay hinay lang kasi, paramdam mo muna sakan'ya na importante s'ya sa'yo.. na gusto mo talaga s'ya. Minsan may mga babae talaga na ayaw sa mga lalaking mabilis. Pakiramdam kasi nila para lang silang pinagti-tripan eh."

"Alam mo, tama ka.. minsan may sense ka rin kausap 'no?"

"Yes, of course.. ako pa ba? Buti na lang talaga ako ang pinili mong maka-usap. Hindi ka nagkamali d'yan,bro"

"Tama,hindi ko aapurahin si nayumi na magustuhan din ako..dahan-dahan lang"

"Alam mo may idea ako"-saad ni noah.

"Ano naman 'yun?"

"Two weeks nalang birthday mo na 'di ba?"

"Oo"

"May naiisip akong plano,basta sa'kin na muna 'yun"

"Ano namang plano 'yan? Baka kalokohan 'yan ah..sinasabi ko sa'yo 'wag mo ng ituloy 'yan"

"Hindi kasi.. basta akong bahala.magtiwala ka lang"

Itutuloy..

Mommy For HireWhere stories live. Discover now