Chapter 84

101 2 0
                                    

Sinundo nga ni Francis si Eriz sa bahay nito at inihatid sa mansyon.

"Grabe, bahay ba 'to?"-tanong ni eriz ng makapasok na sa loob.

Si jovan nga ang nagbukas ng gate kaya naman kinawayan niya ito.

"Bakit? Mukha bang hindi ito bahay?"-tanong ni francis habang binabaybay nila ang papasok papuntang garahe.

"Mukha kasing palasyo"

Natawa naman si francis dahil sa itinugon ng kaniyang kaybigan.

"Automatic ba mga pinto dito? Yung tipong tatapat ka lang tapos may pipindutin eh bubukas na agad?"

"Ano tingin mo sa bahay namin? Elevator?"

"Ay..hindi ba gano'n? Akala ko pa naman automatic"

"Baba na..wala nga pala sila kuya. Hinatid si yumi"

"Ha?! Wala dito si yumi? Akala ko pa naman makikita ko na s'ya ulit"

"Nagkasalisi kayo. Kanina pa sila umalis, baka nga nakapasok na rin si kuya sa opisina eh."

Bumaba nga si eriz at nalula sa luwang ng paligid.

"Dalawa lang kayong magkapatid 'di ba?"

"Oo, kami lang ni kuya franco. Bakit?"

"Baka naghahanap kayo ng kapatid? Apply ako."

"Sira! Halika kain ka na muna"

"Ay..hindi ako nag be-breakfast eh.. turo mo na 'yung mga iti-trim na mga halaman. Para masimulan ko na. Tsaka kinakabahan akong pumasok sa loob baka makita ko si nida, hindi pa ako ready"

"Excited ka naman magtrabaho eh. Edi kahit kape muna. Halika na sa loob"

"Ah..ayoko..mamaya na lang. Puntahan ko muna si kuya jovan kung ayaw mo pa akong pag asikasuhin sa mga halaman"-sabay takbo nga ni francis at sinalubong si jovan.

"Hi, kuya jovanie, how are you?"

"Tama nga sabi ni francis, ikaw nga papasok na hardinero dito."

"Oo, kuya..gusto ko na mag start. Napaka dami naman palang halaman dito. Nagtitinda ba sila?"

"Hindi ah..ikaw talaga.. tanim lang dito 'yan. Kaya nga kaylangan ng hardinero kasi napapabayaan na 'yung iba. Mahilig si sir franco sa halaman."

"Ah.. plantito pala ahh.."

"Magkape ka muna"

"Hmm..ayaw"

"Bakit?"

"May iniiwasan akong makita eh..sige na asaan mga gagamitin? Tsaka alin ang uunahin?"

-------

"Hello? Who's this?"-tanong ni celine ng may tumawag sa kaniya.

"Hulaan mo"-tugon nito mula sa kabilang linya.

"Mukha ba akong manghuhula? Sinasayang mo oras ko eh!"

"Sungit mo talaga, ako 'to..si james"

"Ikaw lang pala.. paano mo nalaman number ko?"

"Nakalimutan na agad? Binigyan mo 'ko ng calling card mo 'di ba?"

"Ay oo nga pala, nakuha mo na car mo?"

"Yes, kahapon pa ng hapon..nga pala hindi ka pa nagsasalita about sa mga kumalat nating pictures sa social media.

"No need na james, alam na ng manager ko. Bahala na lang 'yung mga tao kung ano'ng iisipin nila"

"Eh ano'ng sabi mo sa manager mo?"

"Edi 'yung napag usapan natin"

"Talaga? Sinabi mong boyfriend mo 'ko?"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now