Chapter 102

92 2 0
                                    

Nauna na ngang umuwi si james dahil magce-celebrate din siya ng birthday kasama ang kaniyang ina.

Nagpa iwan muna sila celine at olga si francis na nga ang maghahatid sa kanila mamaya.

Marami pa ngang natirang handa kaya naman pinapunta nila yumi ang kanilang mga kapitbahay para doon kumain.

"Uy, eriz. Dalhan mo din si tita belle ng pagkain"

"Sige ba, salamat. Sa totoo lang gusto no'n ng shanghai hehe."

"Yun naman pala bakit hindi mo pa kanina ikinuha?"

"Nakaka hiya eh"

"Nakaka hiya ka d'yan! Palo ko sa'yo 'tong lamesa eh!."

"Samahan ka na namin eriz para malaman din namin bahay n'yo"-ani michelle.

"Sige ba, kaso nahihiya ako eh. Pangit lang bahay namin"

"Bakit gan'yan lagi sinasabi ng tao 'no? Kapag may pupunta sa bahay nila. Hihingi ng pasensya kasi pangit daw kuno 'yung bahay. Bakit ba? Yung bahay ba 'yung pinuntahan?"-ani naman ni irah.

"True! May punto si irah"-pagsang-ayon ni nida.

"Sama ka? Gusto mo makita byenan mo?"

"Byenan mo mukha mo!"

"Oo, isama mo si nida..para makalibot kayo kila eriz. Nga pala eriz pasabi kay tita belle salamat sa maja blanca ah"

"Sige, yumi..makakarating"

"Oh, eto oh. Dalhin mo kay tita"

"Salamat.. tara?"-pag aaya nga ni eriz sa tatlo.

"Ay, teka! Magpa alam muna tayo kay sir franco"-ani irah.

"Wag na, ako ng bahalang magsabi.. sige na punta na kayo"

-------

"Naaaayyyy!!! Nanay kong magandaaaaa!"-sigaw nga ni eriz habang papalapit sila sa bahay.

Lumabas naman ng pinto ang kaniyang ina.

"Oh, Anak? Nandito ka na pala? May magaganda ka palang kasama ah"

"Ah, opo 'nay. Kasamahan ko po sa trabaho."

"Hello po"-pagbati nga nilanh tatlo.

"Ang gaganda naman parang mga artista naman itong mga ito"

"Ay hehe.. salamat po"-tugon ni michelle.

"Hali kayo, pasok..pasok.."

Pumasok nga sila at inilapag ni eriz ang dala nitong pagkain.

"Ito nga pala 'nay, ipinauwi ni yumi. Tapos salamat daw po sa maja blanca"

"Hindi talaga ako nakakalimutan ng batang 'yon."

"Hindi talaga 'nay"

At habang nag-uusap nga ang mag-ina ay inililibot nila Michelle, Nida at Irah ang kanilang paningin.

"Nga pala 'nay, isa sa kanila girl friend ko"-saad ni eriz na ikinagulat ng tatlo.

"T-talaga?! May girlfriend ka na anak?"-gulat na tanong nga nito.

"Opo, 'nay. Hulaan mo kung sino."

"Ito!"-sabay turo ng ni belle kay nida.

"Ang galing talaga ng nanay ko"

"Naku, hindi po ako girlfriend ni eriz"

Pero hindi naniwala si belle at agad niyang niyakap si nida.

"Wag ka ng mahiya hija, ganiyan talaga sa una kapag ipinakilala ka. mahihiya ka talaga. Salamat hija, sa pagpunta at sa pagmamahal sa anak ko ah. First girlfriend ka n'yan. Mabait 'yan kaya alam kong hindi ka n'ya sasaktan."

Natatawa na lang din sila eriz, irah at michelle.

"S-salamat po"-tugon nga ni nida. "Ahh..labas lang po kami saglit ni eriz ah"

"Sige lang hija."

"Ah..kami na din po"-ani irah.

Tawang-tawa nga si eriz pagkalabas nila ng bahay pero agad siyang binatukan ni nida.

"S!raulo ka! Bakit sinabi mong girl friend mo 'ko?! Hindi nga kita boy friend!"

"Hayaan mo ng maniwala nanay ko.. para naman sumaya..gustong-gusto na kasi no'n na mag-asawa para daw makita na n'ya magiging mga apo n'ya"-naka ngising tugon nito.

"Kaya ako ang ipinahamak mo?! Bw!sit ka!"

"Sorry na, eh 'di ba may pag-asa naman ako sa'yo? Na fa-fall ka na rin sa'kin 'di ba?"

"Neknek mo uy!"

"Naaaayyyy!!! Si nidaaaaa!!! Nakikipag breaaa"-bigla ngang tinakpan ni nida ang bibig ni eriz.

"Tumahimik ka nga! Gusto mo talaga akong mapahamak 'no? Sana pala hindi na ako nagpunta dito! Kainis ka!"

"Sorry na honey bunch! My coco crunch.. hindi na mauulit. Pero please sakyan mo na lang. Para sa happiness ng nanay ko. Please"

"Oo nga naman nida, tsaka okay naman si eriz ah.. ang gwapo nga n'ya eh. Tsaka may mabait na nanay"-ani michelle.

"Edi, sa'yo na 'to! Kakaloka ka michelle!"

"Kalma girls. Ako lang 'to, okay? 'wag n'yo kong pagpasa pasahan"

"Ang saya mo talagang kasama eriz, tayo na lang kaya?"-ani irah.

Napa tingin naman si nida kaya natawa si michelle.

"Sorry beautiful irah, pero ang puso ko kasi nasa iisang babae lang eh. na kay nida lang.."

"Charot lang 'no! May Jonathan na 'ko"

"Weh? Kayo na ni onat?"-gulat na tanong ni michelle.

"Uhmm..yes.. 3 days na kami hehe. Tsaka kinukuha na n'ya 'ko eh. Sa cavite na daw kami tumira."

"Ano?! Ang daya! Mang iiwan ka talaga, irah?"-napalakas pa ang tanong ni nida.

"Bakit? May sinabi ba akong sasama ako agad? Kakasagot ko lang sa kaniya tapos sasama ako agad? No way! Dito muna ako kasama ninyo 'no"

"Hays..salamat naman naka hinga ako ng maluwag. Sabihin mo kapag kinuha ka n'ya kuhanin na rin n'ya kami ni michelle"

"Aba! Ako ang kukuha sa'yo. Bakit ka magpapakuha sa iba?"

Inirapan lang naman siya ni nida,

"Sorry, hindi din ako makakasama sa inyo kasi nga may yohan din ako"

"Teka! Kayo na rin?! Mga loka-lokang 'to! Ang dadaya n'yo ah! May mga ka mwa mwa na pala kayo sa cell phone!"

"Oo, hindi ko muna sinabi sa inyo.. pero mas nauna kami kaysa kila irah. 1 week na kami ni yohan."

"Kaya ikaw nida sagutin mo na si eriz."-ani irah.

"Ayoko pa rin! Hindi naman nag seryoso 'yang eriz na 'yan!"

"Mukha lang akong hindi seryoso pero seryosong seryoso ako sa'yo nida, kaharap ng dalawa mong kaybigan. Sasabihin ko kung gaano kita ka mahal. Mahal kita nida, mahal na mahal kita"

"Pwes! Manligaw ka muna"

"S-seryoso? Pinapayagan mo akong manligaw sa'yo?"

"Ayaw mo?"

"Gusto ah..simulan ko na ngayon. Teka may bulaklak 'yung gumamela ni nanay sa likod eh"-sabay takbo nga nito patungo sa likod ng bahay nila.

Pagbalik nga niya ay dala na niya ang isang pirasong bulaklak at inilagay niya iyon sa tenga ni nida.

"You look so gorgeous sweetie pie"

Pinipigil naman nila irah at michelle ang matawa..

Itutuloy...

Mommy For HireWhere stories live. Discover now