"Matulog na tayo, love.. 'wag na natin s'yang pag-usapan, inaantok na 'ko"
"Inaantok daw. Mulat na mulat 'yang mga mata mo eh, ngayong tinatanong ko kung sino s'ya sa buhay mo bigla ka ng inantok d'yan. Para-paraan ka, love"
"Magtatanong ka tapos magseselos ka?"
"Bakit naman ako magseselos? Meron ba dapat?"
"W-wala.."-utal na tugon ni yumi.
"Yun naman pala eh, wala.. eh, bakit ayaw mong sabihin? Masama bang tanungin ko kung sino ba talaga s'ya?"
Kinuha naman ni yumi ang unan tsaka nito inilagay sa kaniyang kandungan at muling bumaling ng tingin kay franco.
"Edi, kung gusto mo malaman 'yung past ko..edi sige.."
"Go!"
"Si James Ferrer 'yan, classmate ko mula First year hanggang Fourth year. Close friend ko s'ya.. hanggang sa nare-realize ko na nagugustuhan ko na s'ya, pero s'yempre palihim lang..ayokong malaman n'ya eh. Baka kasi iwasan n'ya 'ko. Dalawang taon ko ding itinago 'yung feelings ko sa kaniya hanggang sa magtapat s'ya sa akin sa chat. S'yempre tinawanan ko lang.. tsaka madalas din kasi n'ya akong pagtripan kaya hindi ako naniniwala pero iniisip ko sana totoo nga. Hanggang sa nagkita kami kina umagahan sa classroom. Kinausap n'ya 'ko nung Break time namin"
Seryoso namang nakikinig si franco,
"So totoo 'yung ipinagtapat n'ya sa'yo sa chat?"
"Oo, sinabi n'ya sa akin ng personal. First year pa lang daw kami gusto na n'ya 'ko. Kaya pala s'ya 'yung unang nagpakilala sa akin tapos feeling close kaagad. Samantalang ako second year na kami nung mapagtanto kong gusto ko s'ya eh."
"Tapos ano'ng nangyare?"
"Tinanong n'ya ako kung p'wede n'ya akong ligawan"
"Pumayag ka?"
"Oo"
"Tapos?"
"Edi niligawan n'ya 'ko.. lagi n'yang sagot 'yung meryenda namin ni flor.. 'yung best friend ko..lagi s'yang may ibinibigay sa akin na kung anu-ano..inihahatid n'ya 'ko pauwe. Minsan sinusundo din. Basta laging gano'n. Tapos madalas s'yang magbigay ng love letter"
Napa lunok naman si franco at naging mailap ang mga mata nito. Nangilid din ang mga luha nito pero hindi niya iyong ipinahalata kay yumi.
"Naging kayo ba? Sinagot mo ba s'ya? Kasi 'di ba pareho n'yong gusto ang isa't-isa?"
"Hindi naging kami.."
Napakunot ang noo ni franco,
"Why? Niloko ka n'ya?"
"Hindi.. ako 'yung kumausap sa kaniya na itigil na n'ya 'yung panliligaw n'ya kasi nalaman ko na gusto din s'ya ng bestfriend ko. Si flor.."
"Ibig sabihin nagparaya ka? Kahit gusto mo si James pinatigil mo sa panliligaw sa'yo para lang kay flor?"
"Parang gano'n na nga"-tugon ni yumi.
"Paano mo nalaman na gusto n'ya din si james?"
"Sinabi n'ya sa'kin..s'yempre nasaktan ako.. bestfriend ko s'ya eh tapos may lihim pala s'yang pagtingin sa manliligaw ko. Muntik ko na ngang sagutin si james eh..kung hindi lang nagtapat sa akin si flor"
"Ano'ng sabi ni flor nung ginawa mo 'yun? At ano ding sinabi sa'yo ni james?"
"Walang sinabi sa'kin si flor..basta bigla na lang din s'yang nagbago sa'kin eh..iniwasan na n'ya 'ko. Kahit pinatigil ko na si james sa panliligaw sa'kin. Mula noon nagkaroon na ako ng trust issue sa bestfriend eh..wala na akong itinuring na bestfriend bukod kay flor. Mga kaybigan gano'n na lang.. About kay James naman..s'yempre nagtanong s'ya kung bakit.. sabi ko lang ayoko na.. hindi pa pala ako handa. Hindi ko sinabi 'yung totoo"
"Naranasan mo din palang maligawan.Sorry ah, hindi ko na 'yan nagawa sa'yo.parang nahiya ako bigla sa sarili ko..Sayang..kung sinagot mo s'ya baka kayo pa rin hanggang ngayon"
"Hindi ko din alam..tsaka ba't ka naman nahiya bigla sa sarili mo?"
"Dahil s'ya niligawan ka talaga n'ya..ako kasi hindi 'di ba? Parang hindi na kita naigalang bilang babae."-sabay patak ng luha nito.
"Hala! Bakit ka naiiyak? 'to naman.. okay lang 'yun. Mahal naman kita eh, tsaka engaged na tayo oh.. hayaan mo na 'yun. Tsaka kahit tayo naman na nililigawan mo pa rin ako"
"Pero nauna 'yung naging tayo bago kita niligawan"-natatawang sambit nito. "Mali naman talaga 'yung ginawa ko eh. Paano pala kunwari hindi tayo nagkakilala tapos nagkita ulit kayo tapos sinabi n'ya sa'yo na mahal ka pa rin n'ya. Ano'ng sasabihin or gagawin mo? Papayag ka pa rin ba na ligawan ka n'ya ulit?"
"Whoooaaaa.. antok na talaga ako, love..good night na..maaga ka pa rin bukas. I love you"-sabay halik niya sa pisngi ni franco.
"Bakit ayaw mong sagutin 'yung tanong ko? Mahal mo pa rin ba s'ya?"
"Love! Ano ba?! Ang tagal na no'n..wala na sa akin 'yun.. 'wag na natin s'yang pag-usapan. Past is past"
"Pero hindi mo masagot ng diresto ang tanong ko"
"Hindi ko na s'ya mahal, okay? Ikaw 'yung mahal ko ngayon. Ikaw 'yung pakakasalan ko at ikaw 'yung ama ng ipinagbubuntis ko..kaya stop na.."-tsaka tumalikod na si yumi kay franco.
Pero habang mahimbing na natutulog si yumi ay gising na gising pa rin si franco.
Ini-stalk nito ang Fb account ni James. Napag alaman din niyang isa na itong doktor ngayon.
Mas lalo nga itong gumwapo,
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagkaroon ng interes sa lalaking iyon.
Hanggang sa makarating nga ito sa isang Video..Taong 2022 pa..Na may Caption na..
"My Message to My First Love"
Napa bangon nga si franco at hinanap sa drawer ang kaniyang Earphone. Sinilip muna niya si Yumi kung tulog na tulog ba ito tsaka agad na ikinabit ang earphone at pinanood ang video na iyon.
"Hi, Sana napapanood mo 'to..Alam kong alam mo kung sino 'yung tinutukoy ko..ikaw lang naman 'yun eh, Natupad ko na 'yun pangarap kong maging doktor. Isa na lang ang hindi natutupad. Yung maging girlfriend kita. Hindi mo alam kung gaano mo ako nasaktan nung sabihin mo sa akin na tumigil na ako sa panliligaw ko sa'yo dahil hindi ka pa handa. Tinanggap ko 'yun kahit ang sakit-sakit..Pero ngayon ba? Hindi ka pa rin handa? Kasi hanggang ngayon mahal pa rin kita. Sabihin na nilang baduy ako. Pero 'yun 'yung totoo. MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA! NAYUMI SHANE"
Hindi na kinaya ni franco na tapusin ang video dahil napuno na rin ito ng luha..
Nakaramdam siya ng selos dahil sa video na iyon.. iniharap nga niya si yumi sa kaniya at iniangat ang ulo nito para iunan sa kaniyang braso..
"Napanood mo kaya 'yun? Malamang oo. Ang daming views at shares eh.kaya hindi malabong napanood mo 'yun."-mahinang sabi niya kay yumi. Tsaka niya ito tinadtad ng halik sa mukha.
"Sorry love, sorry kung hindi kami pareho ni james. Siya niligawan ka niya..samantalang ako dinaan ko sa santong paspasan. I'm so sorry"
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...