Pumayag naman si sandra na doon na muna magpalipas ng gabi si francis tiwala naman siya rito lalo na't sa kwarto naman ni yumi ito matutulog.
Pumasok na nga si francis doon at iginiya ang paningin sa kwarto ni yumi.
"Pagpasensyahan mo na 'tong kwarto ni yumi at maliit lang, wala din kaming aircon eh. Kaya i-number 3 mo na lang 'yung electricfan"-saad ni sandra.
"Wala pong problema tita, hindi ko naman po kaylangan ng malaking kwarto nag-iisa lang naman po ako hehe. Tsaka ang cute po ng kwarto ni ate yumi ah. Pink na pink talaga eh. Pati sa mga unan, bedsheet at kumot"
"Oo, mahilig talaga si ate sa pink. Dati nga tadtad pa 'yan ng mga pictures ng mga korean actors eh."-tugon naman ni nathalie.
"Inalis na n'ya?"
"Oo, noong naging sila ni kuya franco hehe"
"Ang cute ah.."
"Oh, s'ya iho..maiwan ka na namin. Kung may kaylangan ka kay nathalie ka na lang magsabi"
"Sige po, tita. Salamat po ulit"
Ngumiti nga muna si nathalie bago din ito tuluyang pumasok sa kaniyang silid.
Magkatabi lang naman ang kwarto nila ni yumi,
Dahil hindi sanay si francis matulog ng hindi naka aircon ay naisipan nitong maligo kahit pa nga hating gabi na.
Mabuti na lang talaga at hindi nawawalan ito ng gamit sa kaniyang bag. Lumabas nga siya para kuhanin sa sasakyan ang kaniyang bag kung saan naroroon ang damit nito.
Sinilip pa niya ang pinto ng kwarto ni nathalie at ngumiti ito bago muling bumalik sa kwarto ni yumi.
Timba at tabo nga lang ang mayroon sa banyo ni yumi dahil wala itong shower.
Kaya naman binuksan na niya ang gripo at hinintay mapuno ang timba.
"Whoooaaaa!! Ang lamig!"-napa sigaw pa ito dahil ang lamig ng unang buhos na iyon.
Nagmadali nga siyang maligo dahil malamig talaga ang tubig.
Pagkatapos nga ay nagpatuyo lang ito ng buhok at nahiga na.
Pagbukas niya ng messenger ay nakita niyang naka online pa si nathalie.
"Mahal, gising ka pa pala?"-chat niya dito pero dalawang minuto na ang lumipas hindi pa rin ito nagrereply.
Kaya naman muli siyang lumabas at tinanaw kung walang nakaka kita sa kaniya tsaka ito kumatok sa pinto ng kwarto ni nathalie.
Pero walang nagbubukas, kaya pinihit niya ang Door Knob at nagulat siya ng malamang hindi iyon naka lock.
Wala si nathalie sa kama kaya napakunot ang noo niya maya-maya ay may humawi ng kurtina mula sa banyo at si nathalie iyon.
Napa nganga pa si Nathalie dahil sa gulat ng makitang naroroon sa kaniyang silid ang nobyo.
"F-francis? A-anong ginagawa mo dito?!"-tanong nito habang naka balot lang ng tuwalya ang kaniyang katawan.
Hanggag hita nga lang niya ang haba ng tuwalyang iyon.
Hindi naman agad nakapag salita si francis dahil natuon ang atensyon nito sa katawan ni nathalie.
Iniiling nga niya ang kaniyang ulo bago sumagot kay nathalie.
"Ah.. chineck lang kita, mahal. Naka online ka kasi eh. Tapos hindi ka naman nagrereply. 'yun pala naglinis ka ng katawan"
"Talagang pumasok ka ah..sige na mahal, magbibihis pa ako.. matulog ka na. Naligo ka pala?"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...