Chapter 113

74 1 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 2

Tumingin pang muli si belle kay eriz bago muling magsalita.

"Eriz, anak"

"Maribelle, Nanay"

"Anak naman eh!"

"Nanay naman eh"

"Kahit ngayon lang anak, mag seryoso ka please. Importante 'to, kaylangan mong malaman ang katotohanan tungkol sa pagkatao mo"

"Sabi na e, Hindi talaga ako taga dito sa mundo ng mga tao, taga encantadia talaga ako"

Bigla ngang binatukan ni belle si eriz,

"Aray naman 'nay! Nagbibiro lang ako eh, pero kung sakali man na hindi talaga ako taga dito, baka p'wede pong makahingi ng gumamela mo? Wala yata silang gumamela sa encantadia eh."

"Eriz! Ano ba?!"-inis na sigaw ni belle

"Ano pa po ba?"

"May sasabihin kasi si tita sa'yo, kaylangan mong makinig"-ani james.

"Na ano? Na ako ang anak ni danilo? Nang step father mo?"

"A-alam mo?"-sabay pang tanong nila james at belle.

"Of course, i know."

"Hindi nga?"-tanong ni james.

"Oo nga alam ko na, mga 4 months na. Gulat kayo 'no?"

"Pero paano?"-tanong muli ni james.

"Naaalala mo ba noong nagpunta ako sa inyo? Nakita ko picture ng tito danny mo."

"Tapos?"

"Nakita ko lang hehe. Pero doon ko natuklasan na ako ang tunay na anak n'ya nung ipakita mo sa'kin ang mga pictures nung sinasabi mong anak niya. Nakalkal natin ang mga pictures na 'yon nung pinalinis 'yun ng mama mo 'di ba? At pinalipat sa basement n'yo. Na ang akala mo pa nga wala kahit ano'ng pagkaka kilanlan sa tunay niyang anak, pero may mga pictures pala sa mga gamit niya..Kasi isa sa mga pictures na 'yon may kopya ako eh. Tuwang-tuwa nga ako sa picture ko na 'yon kasi sabi ko ang cute ko pala nung bata ako. Tapos ngayong malaki na ako napaka pogi ko na pala. Hehe.. kaya ko nalaman na ako ang hinahanap mo kasi dahil nga sa picture na 'yon"

"P-pero bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi mo sinabing ikaw 'yon? Alam mo naman na hinahanap ko 'yung anak n'ya 'di ba?"

"Dahil ayokong pangunahan. Gusto kong malaman mismo 'yun kay nanay."

"Pero hindi ka rin nagtanong sa'kin sa tunay mong ama"-ani belle

"Dahil gusto ko po ikaw mismo ang mag kwento, bakit mo 'nay nakayang itago sa akin ang totoo? Bakit mo 'ko pinaniwala na si tatay juanito ang tatay ko?"

Muli ngang naiyak si belle at yumakap kay eriz.

"Anak, sorry.. sorry talaga. Sorry kung itinago ko sa'yo ang totoo. Gusto ko kasi na si juan na ang kilalanin mong tatay mo eh. Patawad anak. Minsan sumulat pa ako sa totoong tatay mo, kasama nun ang mga picture mo nung maliit ka pa, pero hindi na 'yun naulit pa. Ipinaalam ko lang sa kaniya na nagka anak kami hindi ko rin sinabi sa kaniya kung saan tayo nakatira"

"Dahil po sa pagtago mo sa akin ng katotohanan 'nay, hindi ko manlang siya nakita. Hindi ko manlang siya nakilala at mas lalong hindi ko manlang siya nayakap at nakasama, alam n'yo bang... sobrang sakit sa'kin no'n 'nay? Para akong pinap4tay ng paulit-ulit, pero wala kang narinig sa'kin."-saad ni eriz habang patuloy sa pag-agos ang mga luha nito. "Idinaan ko na lang sa biro at tawa ang lahat, kahit ang totoo. Nasasakta ako. Kasi, nagsinungaling sa akin ang nanay ko eh, 'yung kaisa-isang babaeng pinagkakatiwalaan ko may inililihim pala sa'kin"

"A-anak.."-akma ngang hahawakan ni belle ang braso ni eriz pero iniwas agad niya ito.

"Don't touch me, 'nay! Don't touch my toes, my knees, my shoulder, my head!"

Napahinto tuloy sa pagluha si james dahil biglang natawa ito kay eriz.

"Pero seryoso 'nay. Masakit po talaga. Sobra.. pero ano pang magagawa natin 'di ba? Kahit magalit pa 'ko, magsisisigaw pa 'ko. Wala na e, hindi na maibabalik pa. Hindi ko na siya makikita. Kaya tinanggap ko na. That's life eh, weather weather lang sabi nga ni kuya kim"

"Patawarin mo sana si nanay, anak"

"Okay na 'yun 'nay, sige na po. Magluto ka na, nakaka gutom umiyak baka ma de-hydrate ako eh"

"Sorry ulit, anak.."

Niyakap naman ni eriz ang kaniyang ina at hinalikan ito sa noo.

"Grabe 'nay, ang alat ah. Ang alat ng noo po. P'wede mo ng ipang alat 'yan sa lulutuin mo"

"Grabe ka naman, anak"-natatawang sambit ni belle.

"Joke lang 'nay, i love you"

Nang bumalik nga sa kusina si belle ay kinausap ni james si eriz.

"Dahil ikaw ang totoong anak ni tito danny, ikaw ang may karapatan sa pera na iniwan niya at ang iba pang mga properties na ipinama niya sa amin. Sa'yo dapat 'yun eriz"

"Anak ka rin n'ya, kasi 'yun ang turing n'ya sa'yo. Kaya naman, p'wede tayong maghati sa perang 'yon. Hindi ko 'yun matatanggap ng buo. At 'yung mga properties na sinasabi mo, sa ating dalawa 'yon. Hindi lang sa akin. May sarili din naman akong property eh"

"Talaga, Saan?"

"Eto hehe.. itong bahay na 'to"

"Napaka bait mo, eriz.."

"Kasi nga mabait ka din sa'kin, napaka buti mong kaybigan..kung iba 'yan hindi naman na hahanapin 'yung anak ng step father niya eh. Lalo na't hindi n'ya alam kung paano n'ya 'yun hahanapin at 'yung pera na 'yon hindi na n'ya 'yun ibibigay sa tunay na anak"

"Deserve n'yong mabago ang buhay o yumama eriz, mayaman ka na ngayon. Malaking pera ang iniwan ni tito danny kahit sabihin mong maghati tayo, hindi ako papayag. Sa'yo 'yun eh. Sapat na sa akin na pinag-aral ako ni tito, binigyan ng magandang buhay lalo na ang pagturing niya sa akin na parang tunay niyang anak. Doon pa lang, panalo na 'ko, sana lang talaga nakilala mo s'ya, nang nalaman mo kung gaano ka bait at kabuting tatay ni tito"

"Sana nga eh, kaso wala eh. Late ko ng nalaman. Ano'ng balak mo sa pera mo?"

"Siyempre ipang papa-ayos ko ng bahay, palalakihin ko 'to, pangarap ni nanay na maka tira sa malaki at magandang bahay eh, 'yung may dagat at bundok ba sa bakuran tapos may barko pa. HAHAHAHA  joke lang.. pero seryoso ako, ipapagawa ko 'tong bahay namin tapos pang start ng business. Tsaka tutulong din ako sa orphanage."

"Tama 'yan, okay 'yang naisip mo eriz.."

"Tutal, itinuring ka ng anak ni daddy danny. Naks sosyal daddy pa nga.. P'wede ba kitang ituring na parang tunay kong kapatid?"

"Oo naman, kahit naman noong hindi ko pa alam na ikaw ang totoo niyang anak. Itinuring na kitang parang kapatid ko eh"

"Salamat, james. Mahal na mahal kita. Sagad hanggang buto hehe"

Itutuloy.

Mommy For HireWhere stories live. Discover now