Chapter 147

34 0 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 36

Pagbalik ng cottage ay pansin na pansin ang pananahimik ni franco.

Sasagot lamang ito kapag kinakausap..

Abala naman sila yumi dahil nagluluto na ang mga ito ng mga handa ni diana.

"Love, paabot ng liver spread"-utos ni yumi kau franco dahil nasa tapat lang naman nito ang liver spread.

Iniabot naman iyon ni franco ng hindi ito lumilingon kay yumi.

Medyo naiinis na nga si yumi dahil sa inaasta at pananahimik ni franco.

Ngunit hindi na lamang niya ito pinansin at maya-maya nga ay nawala na ito sa paningin niya.

"Ate, patingin sandali nitong niluluto ko. May kukuhanin lang ako"-ani yumi kay celine.

"Sige, maluluto na rin pala itong sauce ng spaghetti eh"

Hindi na nga sumagot si yumi dahil umalis na ito agad.

"Anyare sa mga 'yon?"-tanong ni francis ng mapansin ang pag-alis ni yumi.

"Pansin mo rin pala pananahimik ni franco 'no? Kanina pa n'ya hindi pinapansin si yumi eh"-wika ni celine.

"Baka dahil kanina? Kayo kasi eh---"

"Hep! Ano'ng kami? Sadyang seloso lang kayo ni franco. Hay naku. Wala pa ring pinagbago si franco"-saad ni celine habang umiiling-iling ito at sinimulan ang paghalo sa sauce ng spaghetti.

"Hindi ba p'wedeng nagseselos lang kami kasi nga mahal na mahal namin kayo"

"Oh, edi i love you more"-natatawang tugon ni celine kay francis.

_______

"DADDY, bakit ka po sad? Dahil po ba sa'kin?"-tanong ni diana pagkalapit sa kaniyang ama.

"No, baby..Happy birthday ulit ah. Big girl na ang baby ni daddy"

"Kahit big girl na po ako, baby mo pa rin po ba 'ko?"

"Yes, of course.."

"Kahit po may mga sisters na 'ko, hindi po ba nabawasan ang love mo sa'kin?"

"Siyempre, hindi. Ikaw ang unang baby ni daddy eh. Ikaw ang love na love ko"

"May kukwento po ako sa'yo, daddy"-sabay kandong sa kandungan ni franco.

"Ano 'yun, baby ko?"

"Sabi po ng classmate ko, kilala n'ya ang tunay na mommy ko dahil idol ng mommy n'ya si mama. Tapos sabi po n'ya. Bakit daw po hindi si mama celine ang asawa mo. Kasi s'ya daw po ang totoong mommy ko. Mas masaya daw po kapag kasama ang totoong mommy kaysa sa step mother lang"

Lalapit sana si yumi sa mag-ama ngunit napahinto ito ng marinig ang sinasabi ni diana.

"A-ano'ng sinagot mo sa kaniya?"

"Sabi ko po, masaya naman ako kahit si mommy yumi ang asawa mo. Kasi po siya 'yung nandiyan noong wala po si mama. Totoong mommy po talaga ang turing ko kay mommy. Hindi po step mother lang. Pero paano po kung si mama nga po ang asawa mo? Tapos wala po sa buhay natin si mommy?
. Magiging masaya pa rin po ba tayo?"

Hindi naman makasagot si franco dahil ang hirap ng tanong ng kaniyang anak.

"Daddy? Ano na?"

"Hmm. Siguro masaya din. Hindi natin alam anak. Kasi nag-iba ang takbo ng buhay natin eh. Pero masaya ako dahil dumating sa buhay natin ang mommy mo. Mahal na mahal ko 'yun eh"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now