Wedding Day,
Nasa loob na nga ng simbahan ang lahat ng mga bisita. Pati na ang mga kaybigan ni franco, mga dating katrabaho at ilang mga kamag-anak nila.
Ang buong pamilya ni yumi ay naroroon na rin maging si flor.
Kumpleto na nga ang lahat maliban sa mommy ni franco.
Si nathalie ang Bride's maid at si Francis naman ang Best man.
Habang hinihintay nga si yumi halo-halong emosyon ang nararamdaman ni franco. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay at hindi pa man niya nakikita ang kaniyang Bride ay naluluha na siya.
Pagbukas nga ng pintuan ng simbahan ay nagsilingon silang lahat.
Napa nganga ang lahat dahil sa taglay na kagandahan ni yumi.
Nag-umpisa na ngang lumakad si yumi sa pasilyo ng simbahan patungo kay franco.
Naka ngiti nga siya habang pumapatak ang kaniyang mga luha dahil sa sobrang kaligayahan.
Nilingon nga niya ang kaniyang pamilya ng matapat siya sa mga ito at kinindatan dahil umiiyak din ang kaniyang nanay sandra.
Dumiretso nga siya kay franco at inilahad ang kamay nito sa kaniya.
"Wag kang umiyak, iyakin ka talaga"-saad nga niya ng tanggapin ang palad ni franco.
"Sobrang saya ko kasi. Napaka ganda naman ng bride ko"
"Wag ka nga d'yan, lalo akong kinikilig eh"-tugon ni yumi.
Nagsimula na nga ang seremonya...
"Franco Dela Vega ano'ng mensahe mo sa iyong mapapangasawa"-tanong nga ng pare na nagkakasal sa kanila.
Humarap nga si franco at iniangat ang hawak na mic nito.
"Hi"-tanging nasambit ni franco kaya natawa ang mga tao na nasa loob ng simbahan. "Hala, speechless ako, pero kapag pina practice ko 'to ang dami kong nasasabi. Naba blangko utak ko ngayon.Napaka gandang babae naman kasi ng nasa harapan ko"-naka ngiting saad nga niya.
Natatawa lang din si yumi habang nakatingin sa kaniya.
Huminga nga ng malalim si franco,
"Eto na"-sabay pakawala muli ng malalim na buntong-hininga. "Love, alam mo naman kung gaano kita ka mahal. Ipinapangako ko sa'yo at sa mga tao na naririto na mamahalin kita hanggang sa huling pagtibok ng puso ko. Kayo ni diana at ng magiging mga anak natin. Magiging mabuti at responsable akong asawa at ama ipinapangako ko 'yan. I love you"-nang matapos nga siyang magsalita ay tsaka tumulo ang kaniyang mga luha.
Kinuha nga niya ang kaliwang kamay ni yumi at isinuot ang sing-sing sa daliri nito.sabay halik sa kamay ni yumi.
"Ikaw naman ngayon Nayumi Shane Matias"-saad ngang muli ng pare
"Mahal na mahal din kita, ikaw lang ang mamahalin ko habang-buhay. Gaya ng sabi mo na magiging mabuti at responsable kang asawa at ama ganoon din ako. Magiging mabuti akong kabiyak mo, magiging mabuti akong ina kay diana at sa magiging mga anak natin. Aalagaan at pakamamahalin ko kayo. Mahal na mahal ko kayo ni diana"-sabay lingon nga niya sa kinaroroonan ni diana kasama nito si celine.
Umiiyak nga ang bata habang naka yakap kay celine, umiiyak ito dahil sa sobrang saya.
Kinuha nga rin ni yumi ang kamay ni franco at isinuot ang sing-sing.
At nagpalakpakan nga ang lahat.
"Bago ko ideklarang kayo ay mag-asawa na, gusto ko lang itanong kung sino sa mga naririto ang tutol sa pag-iisang dib-dib ninyo. Sino ang tumututol sa kasalang ito? Tumayo at magsalita"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...