Chapter 128

109 5 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 17

Dahil nakatali lamang ang mga kamay ni james ay nagawa niyang lumapit kay yumi kahit may iniinda nga itong masakit sa sikmura niya lalo na sa kaniyang mukha.

Pinagbubugb*g nga siya ng mga kidnapper at sinikmuraan pa. May sugat din ang kaniyang noo dahil sa p4ghampas sa kaniya ng baril.

"Yumi, sinaktan ka ba nila?"

Umiling naman si yumi bilang tugon,

"James, paanong nandito ka din?"

"Sinundan ko kayo"

"S-sinundan? So, ikaw 'yung sinasabi nilang sumusunod?"

"Oo, ako 'yun"

"Pero paano?"-takang tanong ni yumi

"Papunta ako kay tita olga..Dahil sabi ni celine bisitahin ko sandali si tita bago ako pumasok. Tapos ayun nakita ko 'yung sasakyan n'yo. Basag ang salamin tapos nakita ko si kuya jovan."

"Kumusta si kuya jovan? M-may malay na ba s'ya ng makita mo?"

"Oo yumi, meron. Bakit? Nawalan ba s'ya ng malay?"

"Oo eh, pinukpok s'ya ng baril sa batok"

"Kaya pala iniinda niya ang batok n'ya ng makita ko s'ya. At ang sabi n'ya lang iligtas kita. Baka dinukot ka daw. At sinabi nga n'yang itim na van ang humarang sa inyo at wala itong plate number.Kaya hindi na ko nagdalawang isip na hanapin ang van na sinasabi n'ya."

"Hindi mo na dapat ako sinundan james. Tignan mo nangyari sa'yo oh. Nadamay ka pa. Puro sugat at dugo 'yang mukha mo. Mga wala silang kaluluwa! Tumawag ka na lang sana ng pulis"

"Hindi ko na naisip 'yan. Ikaw ang inaalala ko. Kung paano kita maililigtas. Alalang-alala ako sa'yo yumi. Akala ko kung ano ng ginawa nila sa'yo"

"May ipinaamoy sila sa'kin gamit ang panyo kaya nawalan ako ng malay. At nagising nga ako nandito na 'ko, pero ikaw? Paano ka nila nakuha?"

"Malapit ko na silang maabutan ng bigla nilang paputukan ang gulong ng kotse ko. Pagkatapos nga no'n may isang lalaking bumaba mula sa van at tinutukan ako ng baril kaya wala na akong nagawa kun'di ang lumabas. Walang kabahayan sa lugar na 'yun. Pagka labas ko nga ay tinutukan ako ng baril sa ulo at kinaladkad papasok ng van. At doon kita nakita na walang malay. Kaya galit na galit ako sa kanila kay naman sa sasakyan palang pinalo na nila ako ng baril sa noo"

"Sorry talaga james.. sorry. Dahil sa'kin nangyari 'to sa'yo"

"Ssshh.. wala kang kasalanan yumi.."

"James, natatakot ako.. natatakot ako"-paulit-ulit na sambit ni yumi habang luhaan ang mga mata nito.

"Wag kang matakot. Nandito ako. Hindi kita pababayaan. Pera lang ang kaylangan ng mga kidnappers na 'yan. At pakakawalan din nila tayo"

"Paano kung hindi lang pera? Paano kung saktan nila 'ko? Saktan ka nila ulit o baka p4tayin pa nila tayo"

"Don't say that, yumi..makakauwi din tayo."

"Sigurado akong nag-aalala na sila sa'tin. Yung mga anak ko.. yung mga anak ko, james"

"Makikita at makakasama mo din sila..sigurado ako pagbalik ng mga h4yop na 'yun dito tatawagan na nila sila kuya franco. Sure ako malaking sindikato itong dumukot sa'tin. Kahit kuhanin pa nila lahat ng pera ko. Basta ligtas ka. Ligtas tayo."

"Umaagos pa rin 'yung dugo sa noo mo oh. Baka kung mapa'no ka"

"Wag mo 'kong alalahanin.. okay lang ako.."

Mommy For HireWhere stories live. Discover now