Dahil hindi pa rin makatulog si franco ay muli nanaman niyang tiningnan ang account ng lalaking kaniyang pinagseselosan.
Hanggang sa makarating siya sa mga post nito taong 2015.
Mas lalo siyang nakaramdam ng selos ng makitang ang daming larawan nila yumi at james.
Bawat araw na magkasama sila ni yumi ay kumukuha ito ng litrato nilang dalawa at ina-upload sa facebook.
"Teka..video nila 'to ni yumi ah"-saad niya ng makakita nanaman ng isang video.
Pinanood nga niya iyon ng hindi na nagkabit ng earphone.
"YUMI!"-Pagtawag ni james habang nauunang naglalakad si yumi. at naka harap ang camera kay yumi.
"OH?"-sabay lingon nito at ngumiti. "HALLA! NAGVI-VIDEO KA?"
"HALIKA DALI! LAPIT KA SA CAMERA"-Utos nito at sumunod naman si yumi.
Pareho na nga silang nakatingin sa camera ng biglang nakawan ng halik ni james si yumi sa pisngi na ikinagulat nito.
Sunod-sunod na hampas naman ang ginawa ni yumi kay james.
"LUKO-LUKO KA! BAKIT MO 'KO HINALIKAN?"
"HAHA! NAMULA KA! AYIIEEH KINILIG SIYA!"-pang-aasar ni james. Habang tumatakbo na ito dahil hinahabol siya ni yumi.
"KAPAG NAABUTAN KITA! BABATUKAN TALAGA KITA!"
"KUNG KAYA MO! YUMIIIIII!!! I LOVE YOU! NAPAKA GANDA MO!"-Sigaw ni james habang papalayo ito ng papalayo kay yumi.
"Love! Ano ba yan?! Hindi mo pa rin 'yan tinigilan?!"-nagising na pala ito dahil sa lakas na rin ng volume ng cellphone ni franco.
"Grabe! Kinilig ako do'n."-saad ni franco. "Sana all"
"Sana all ka d'yan! Tigilan mo na nga 'yan, franco! Sinasaktan mo lang sarili mo. Ang tagal na n'yan pinapanood mo pa"
"Napaka sweet naman pala n'ya..nakaka touch"
Inirapan na lang ni yumi si franco at muli na nga itong nahiga.
Ibinaba naman ni franco ang cellphone niya at yumakap sa likuran ni yumi.
"Bakit ba kasi ini-stalk mo pa si james?"
"Wala..gusto ko lang makita 'yung mga old photos ninyo..ang dami pala. Halatang mahal na mahal ka n'ya ah. Ninakawan ka pa n'ya ng halik at halatang kinilig ka"
Napakamot naman si yumi sa ulo at humarap kay franco. At nagtagpo ang mga mata nila. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata ni franco.
"Noon 'yon..Love naman..nakaka inis ka! Kung sa kanta ni Jovit Baldivino may Too much love will kill you.. Sa kanta ko naman, Too much stalk will kill you. Stalk pa more! Para selos malala pa! Kainis ka!"
"Kaidad mo lang s'ya 'di ba?"
"Oo, magka birthday din kami"
"Wow! Soul mate.. match na match parang posporo"-tugon nito kaya naman natawa si yumi.
"Bakit ka natatawa? I'm serious"-seryosong sabi ni franco kaya naman napa hinto sa Pagtawa si yumi at pinipilit na huwag muling matawa.
"Sabi mo kanina hindi ka magseselos? Bakit ngayon halatang nagseselos ka na. Nagseselos ka 'no?"
"Eewww! Ako? Magseselos? Hindi 'no!"-mayabang na tugon nito.
"Eh, bakit nagkaka gan'yan ka?"
"Kasi nga selos na selos ako!"
Hindi alam ni yumi kung maaawa ba siya o matatawa.
"Napaka cute mong magselos.."-sabay pisil niya sa ilong ni franco.
"Kunwari ka pa, mas cute s'ya"
"Wow! Ang isang Franco Dela Vega Nagseselos kay James Ferrer oh. Pereng tenge"
"Alam mo bang doktor na s'ya?"
"T-talaga? Grabe ah..mas nauna ka pang naka tuklas sa akin..iba talaga kapag stalker 'no?"
"Hindi mo alam?"
"Hindi..matagal na kaming walang communication since grumaduate kami..tsaka nagpalit na rin ako ng fb account at hindi ko na s'ya friend dito"
"So, mula noon hindi mo na s'ya nakita?"
Umiling-iling lang si Yumi..
"Yiieee..baka this month magkita kayo.. excited 'yan"
"Sira! Bakit naman ako mae-excite?"
"Dahil makikita mo ulit 'yung first love mo. Naks may eriz na may james pa.."
"Parang tanga s'ya oh.. nasama pa si eriz sa usapan eh"
"Alam ko naman na gusto ka nung Boy bestfriend mong 'yon eh.."
"Tumigil ka na nga.. mas gusto ko na lang matulog ulit kaysa kausap ka.."
"Ayiieee.. umiiwas s'ya..kasi totoo.."
"Ayiieeee..selos s'ya..itulog mo na 'yan..nakaka tuyo ng sipon 'yan"
"Ah, love.. maiba pala ako"
"Ano nanaman? Sino nanamang lalaki itutukso mo sa'kin?"
"Lalaki talaga?"
"Eh ano nga?"
"Bukas pa check up ka..samahan kita.. Sa friend ni mommy. Kay Tita Krizelle"
"Sige ba, love.. ang sarap naman no'n.. unang check up ko tapos kasama kita"
"Siyempre naman.. basta bawat check ups mo sasamahan kita. I love you"
"I love you, too.. tulog na tayo?"
"Sige, tulog ka na ulit"
"Eh, ikaw?"
"Hindi ko pa tapos panoorin 'yung sweet na video ninyo eh"
"Kainis ka talaga!"-sabay sabunot niya kay franco.
"Aaaarayyy! Joke lang naman eh..ito na..matutulog na rin"
--------
Nakagayak na nga si yumi para sa check up niya ngayong umaga. Pero habang paalis sila ay may tumawag kay franco.
"Love, sorry..p'wedeng kay jovan ka na magpahatid sa clinic ni tita krizelle? May kaylangan lang akong pirmahang mga papers sa office. Promise.. mabilis lang 'yun..susunod din ako. Natawagan ko na rin naman si tita eh.. isisingit ka niya sa mga naka schedule today"
"Okay, love.. naiintindihan ko naman..basta sunod ka ha"
"Sure.. ingat kayo"
"Ikaw din.."
Si jovan na nga ang nagmaneho para kay yumi at ng maihatid na siya nito sa clinic ay iniwan na siya nito dahil susunod naman si franco.
Agad nga siyang nagpalista pagka pasok niya..
"Ikaw pala si Nayumi? 'yung fiance ni franco?"
Napatayo naman si yumi at nakipagkamay kay Dra. Ferrer.
"O-opo, kayo po pala si Dra. Krizelle Ferrer?"
"Oo, ako nga..Ang ganda ganda mo naman. Parang pamilyar ang mukha mo, parang nakita na kita.hindi ko lang matandaan. Ahm. wait lang ah..may pasyente nga pala ako sa loob..tawagin na lang kita kapag tapos na sila."
"S-sige po.."
Naghintay nga si yumi, dahil marami-rami din ang naka pila na magpapa check-up.
Medyo kinakabahan nga siya kaya napatayo siya ng aksidenteng may makabangga sa kaniya.
"Sorry!"-sabay nilang sambit.
At kapwa sila nagulat ng mamukhaan ang isa't-isa.
"J-james?!"
"Yumi?"
Itutuloy.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...