Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 16
Makalipas ang isang buwan..
Palabas na ng gate nila celine si yumi pagkatapos nga nitong dumalaw sa kanilang ina.
Naisipan kasi niyang dalawin ito pagkatapos nga niyang ihatid sa eskwelahan si Diana.
"Mag-iingat ka anak ha"-saad ni olga kay yumi habang inihahatid nga niya palabas ng gate.
"Opo, mommy. Ikaw din po. Yung mga gamot mo sa diabetes at sa high blood 'wag mong kakalimutan ah."
"Oo, anak. Salamat sa paalala ha. Hayaan mo't ako naman ang dadalaw sa inyo. Miss na miss ko na mga apo ko eh"
"Aasahan ko po 'yan mommy ha"
"Oo naman anak, promise.."
"Ingatan mo po ang sarili mo"-bilin muli ni yumi bago humalik sa pisngi ni olga.
"Opo anak ko, magkapatid nga talaga kayo ng ate celine mo..ganiyan din s'ya bago umalis. Napaka dami at paulit-ulit ang bilin hehe."
"Siyempre po, mahal na mahal ka namin ni ate eh. Si ate po pala? Kaylan po uuwi?"
"Baka next week pa, hindi pa tapos ang shooting nila sa vigan eh."
"Gusto n'yo po ba na sa bahay na muna kayo? Habang wala pa po si ate"
"Hindi na, anak.. may kasama naman ako dito eh."
"Sure po kayo? Ayaw mo talaga? Para po sana mabantayan ko po kayo"
"Hindi na, anak.. kaya ko sarili ko. Tsaka and'yan naman sila nessa eh.. tsaka ikaw may anak kang kambal na inaalagaan. Ayoko ng dumagdag sa mga babantayan mo anak. Malakas pa ang mommy oh. Kaya ko pa nga mag hard exercise eh"
"Grabe sa hard exercise, mommy ah..Okay po, basta po mag-iingat kayo ah. Yung mga gamot"
"Noted po, Nurse yumi"-naka ngiting tugon ni olga sa anak.
"Chef yumi po ang gusto ko, mommy"
"Ay oo pala hehe. Sige ingat ka chef yumi. I love you, anak."
"Sige po, I love you too, mommy."-tsaka sumakay na ng kotse si yumi..
Habang binabaybay nga nila jovan at yumi ang palabas ng subdivision ay nagkukwentuhan ang mga ito.
"Siguro kung hindi sila Tita Sandra ang nag-alaga sa'yo iba ang buhay mo ngayon 'no yumi? Baka artista ka din kagaya ni celine at ng mommy mo"
"Hindi din siguro kuya jovan. Chef talaga ang gusto ko eh."
"Malay naman natin 'di ba? Malay mo nga artista ka din, dahil pareho silang artista eh. Tsaka baka hindi si sir franco ang asawa mo ngayon"
"Hmm.. malamang kuya. Tsaka baka owner na ako ng restaurant ngayon tapos marami ng branches hehe"
"Tapos ang yaman-yaman mo na no'n kasi may sarili ka ng restaurant eh. Kaso nga lang hindi mo kami kilala. Walang sandra, walang pancho at walang nathalie sa buhay mo, tsaka wala sila anne at cheska"
"Exactly, kuya! Kaya kung papipiliin ako? Etong buhay na meron ako ngayon ang pipiliin ko pa rin. Dito ako masaya eh. Masaya ako kasi kayo ang pamilyang kinagisnan ko. Sila nanay,tatay at nathalie. Hindi ko sila ipagpapalit sa mga restaurants 'no"
"Naks naman, kaya sa'yo 'ko e"-tugon nga ni jovan.
Nakalabas na nga sila ng subdivision at may kalayuan na rin sila dito.
Nang bigla na lang may humarang sa daan nila..
Isang itim na van at may isang lalaking bumaba mula dito na naka bonet ng itim at may hawak na baril.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...