Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 28
Ibinalita nga ni franco kila yumi ang natuklasan nito.
Nakumpirma na nga rin nila na p4tay na talaga si Cielo. At nalaman na rin nila ang sanhi ng pagkamatay nito, ayon sa imbestigasyon ay maaaring na overdose ito sa iniinom na sleeping pills.
Magiging panatag na nga ang kalooban nila ngayon dahil wala ng puwedeng magpa dukot muli kay yumi.
"Kawawa din si sophia 'no? Kung totoo ngang nasa mental s'ya ngayon, tapos nawala pa 'yung daddy n'ya"-ani celine.
Narito nga siya ngayon sa bahay nila james.
"Oo den ate, pero mas kawawa naman sila ate yumi at kuya james, dahil sa daddy n'ya nagka gulo gulo 'di ba? Pati pag-aaral nung bata naapektuhan"-tugon ni elbert.
"Pero ngayon, okay na.. wala na tayong dapat katakutan pa.. makakabalik na sa normal ang lahat, alam kong mali na ikatuwa na nam4tay na ang daddy ni sophia pero kung ito naman 'yung ikakapanatag nating lahat. Mas okay na rin na nawala s'ya, nabawasan ng masamang tao ang mundo"-saad muli ni celine.
"Pupunta ka ba kila kuya?"-pag-iiba ni james sa usapan.
"Oo hehe, gusto kong makita si diana eh.hahatid mo ba 'ko?"
"Sige ba, punta din kami ni elbert kila eriz eh.."
"Ma me-meet ko na pala kakambal ko ngayon, kuya?"
"Oo, magkikita na kayo"-tugon naman ni james.
"Ano'ng oras pala uuwi ang mama mo?"-tanong naman ni minda.
"Baka mamayang tanghali pa po 'yun 'nay minda, bakit po?"-tugon ni james.
"P'wede ba akong sumama sa inyo papunta kila yumi? Gusto ko s'yang makita e"
"Oo naman po, sige po. Matutuwa 'yun at makikita n'ya si baby mia"
"Kapag pinagsama-sama nga 'yung tatlong sanggol parang triplets eh"-natatawang sambit ni celine.
"Oo nga 'no? Parehong isang buwan pa lang eh"-tugon naman ni elbert.
Nagpalit nga lang ng damit si james at umalis na din sila, inihatid nga lang nila sila minda at celine. Pagkatapos nga ay tumungo na sila kila eriz.
Kagagaling nga lang sa trangkaso ni eriz kaya naman hindi ito nakatulong sa paghahanap kila yumi ng makidnap ang mga ito.
"Ako sana dadalaw sa inyo eh, pero ako pa ang dinalaw n'yo hehe..Kumusta naman si yumi ngayon? Grabe pala nangyari sa'yo oh. Siguro inggit sa kapogian mo 'yung mga mokong na 'yun"-ani eriz ng makita nga si james.
"Okay naman si yumi, tsaka okay din naman ako, gagaling naman 'to.. namiss kita eh, ikaw ba? Magaling na?
"Oo, magaling na 'ko. May kaunting ubo na lang. Totoo nga bang p4tay na 'yung nagpa kidnap sa inyo? Karma is real nga naman 'no?"
"Oo, teggy na talaga"-tugon ni elbert.
"Ay, nga pala eriz. Si elbert.. Elbert, s'ya si eriz"
Agad namang nakipag kamay si eriz kay elbert.
"Kumusta pre?"-tanong ni eriz.
"Ikaw pala 'yung eriz na sinasabi nila?"-tanong ni elbert ng ipakilala sila ni james sa isa't-isa.
"Ha? Nak'wento nila ko sa'yo?"-tanong naman ni eriz.
"Yes, yow! Hi, dude. Elbert nga pala. Pinsan ni kuya james"
"P-pinsan? Weh? Pinsan mo 'to james? Paano?"
"Kapatid ni mama 'yung nanay n'ya. Basta long story. Mamaya ko na iku-k'wento sa'yo lahat"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...