"Diana, galit ka din ba sa'kin?"-tanong ni yumi sa bata pagkatapos nitong umiyak.
"Hindi po.. pero gusto ko pong malaman bakit ka po nagsinungaling?"
Hindi agad naka kibo si yumi ng tanungin siya ng bata kung bakit nga ba siya nagsinungaling at nagpanggap na ina nito.
"Sorry.. gusto kasi ni daddy mo na maging happy ka. Kasi daw lagi kang nagtatanong about sa mommy mo. Kaya naisip n'ya na ako na lang 'yung magpanggap bilang mommy mo. Ayoko naman talaga eh, tumanggi ako sa gusto n'ya pero gusto ka n'yang maging masaya kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto n'ya"
"Sino po ang mommy ko? Kilala mo s'ya?"
"Oo, baby. Ate ko s'ya kaya pamangkin kita. Hindi mo man ako totoong mommy tita mo naman ako. Parang si tita nathalie."
"Nasa'n po s'ya? Bakit hindi n'ya ako inaalagaan? Di ba po ang mommy inaalagaan ang mga anak n'ya? Gaya ng pag-aalaga mo sa'kin. Kaya ayoko po sakan'ya kasi parang hindi naman n'ya ko love. P'wede po bang ikaw na lang ang mommy ko?"
"Sa totoo lang, anak naman na talaga ang turing ko sa'yo eh. Pero si mommy celine mo ang mag e-explain sa'yo kung bakit wala s'ya sa tabi mo"
"Okay po.."
"Hindi ka na din ba galit kay daddy?"
"Tampo po ako sakan'ya"
"Wag na baby, love na love ka lang ni daddy kaya n'ya nagawa 'yun. Babalik na kasi si mommy celine mo kaya inamin na n'ya sa'yo 'yung totoo"
"Okay po, nasaan po si daddy? Gusto ko pong mag sorry sakan'ya"
Tinext nga ni yumi si franco na bumalik sa kwarto ni diana.Muling nag-usap nga ang mag-ama at nagkaayos.
"Kahit po bumalik 'yung totoong mommy ko, ikaw pa din po ang love ko mommy yumi"
"Salamat anak, pero dapat love mo din si mommy celine. Kasi mommy mo s'ya"
"Hmm..bahala na po"
-------
"Ano?! Bumalik si celine?!"-gulat na tanong ni francis pagkauwi nito galing practice ng basketball.
"Oo, at bukas nandito na s'ya. Dito na s'ya titira para makasama si diana"
"Tsk! Ibang klase talaga ang babaeng 'yan! Pagkatapos n'yang pabayaan si diana babalik s'ya ng gano'n gano'n lang? Alam na ba ng pamangkin ko 'to?"
"Oo, nasabi na namin sakaniya ni yumi kanina. Nung una nagalit s'ya sa'kin pero nung si yumi na 'yung kumausap sakan'ya biglang nawala 'yung galit n'ya sa'kin. Hindi ko talaga akalain na babalik si celine"
"Kumusta naman si yumi? Okay lang ba sakan'ya na tumira dito 'yung bruha n'yang ate?"
"S'yempre hindi n'ya gusto pero naiintindihan naman n'ya kung bakit ako pumayag na dito tumira si celine. Dahil kapag hindi ako pumayag sapilitan niyang kukunin si diana at magpa file s'ya ng petition for custody. Ayaw din ni yumi na mangyari 'yun kaya pumayag na s'ya"
"Ibang-iba talaga ugali ni yumi sa demonyita n'yang ate eh. Buti na lang talaga at napaka bait n'yang si yumi. Kung iba lang 'yan papipiliin ka pa kung anak mo ba o s'ya. Kaya kuya, ang swerte mo sakan'ya. Mag-ingat ka kay celine baka sirain n'yang ang relasyon n'yo ni yumi"
"Hindi ako papayag na mangyari 'yan..walang makakasira sa aming dalawa kahit si celine pa"
"Sa pagbabalik ni celine dito sa bahay, ngayon mo matitimbang kung sino ba talaga ang mahal mo. Kung si yumi ba o si celine"
"Ano bang sinasabi mo? Siyempre ang mahal ko si yumi..matagal na 'kong naka move-on sa kung ano'ng meron kami noon ni celine"
"Sana nga kuya, kasi ayokong makitang umiiyak si yumi dahil sa'yo"
"You can count on me"
"Nga pala kuya, gusto din kitang makausap"
"About what?"
"Tulungan mo naman akong makapasok sa kumpanya nila Noah. Business partner ka ni tito gerald kaya alam kong magagawan mo ng paraan para makapagtrabaho ako do'n kahit ano'ng posisyon lang muna kuya, please.."
"Wow! Totoo ba 'tong naririnig ko? Gusto mo ng magtrabaho? Ano'ng nakain mo?"
"Si kuya talaga.. so ano? Matutulungan mo 'ko?"
"Bakit muna? Kulang na ba 'yung binibigay ko sa'yo?"
"Kuya, tumatanda na rin ako. Gusto ko ng magkaroon ng sariling pamilya. Alam kong darating ung panahon na ikakasal kayo ni yumi at bubuo ng pamilya, alangan naman na naka asa pa rin ako sa'yo? Ang pangit naman 'di ba?"
"Tama 'yan bro! Gusto mo ikaw na mamahala sa resort natin. Tutulungan na lang kita"
"T-talaga kuya? Hahayaan mo akong mag manage ng resort natin?"
"Oo naman, at alam kong kaya mo 'yun. O kaya sa talyer ka"
"Ay, hehe. Okay na ako sa resort kuya"
"Okay sige.. pero p'wede ko bang malaman kung sino itong napupusuan ng kapatid ko? At nabago niya ang pananaw mo sa buhay."
"Well, kilala mo naman s'ya kuya"
"Sino?"
"Si nathalie"
"Wait, what? Si natz?"
"Uhmmm..yeah."
"Hindi nga?"
"Oo nga, nagkaka chat na kami. Mula nung pumunta sila dito. Hinanap ko fb account n'ya at in-add ko s'ya then ayun! Do'n na nag start lahat. Seryoso ako sakan'ya kuya. Gusto ko s'yang i-date gamit ang sarili kong pera. Pero kuya 'wag mo sana munang sabihin kay yumi ha? Ayaw ipaalam ni nathalie eh, baka daw magalit ate n'ya"
"Nakaka tuwa naman. Sige, kayo naman talaga dapat magsabi n'yan. Girl friend mo na ba?"
"Hindi pa kuya, nililigawan ko pa lang s'ya. Pero kapag nasabi na namin kay yumi at sa parents n'ya. Aakyat ako ng ligaw sa kanila"
"Kinikilig naman ako, bro! Grabe.. sa wakas nagseryoso ka na"
"Oo naman kuya, at si nathalie lang ang babaeng sineryoso ko"
"Naku dapat lang at baka majombag ka ni nayumi"
"Kaya nga eh. Takot ko na lang do'n hehe"
Itutuloy...
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romantiek"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...