Chapter 8

199 5 0
                                    

"Bakit kayo magkasama ni francis sa pool area?"-bungad ni franco sakaniya ng papasok ang dalaga sa kwarto ni diana.

"Ay anak ng tokwa! nakakagulat ka naman sir"

"Answer me,bakit kayo magkasama?"-seryosong tanong nito.

"Ahm..kinausap ko lang po s'ya tungkol po sa...sa pagpapanggap ko bilang mommy ni diana"-tugon nito.

"Hindi mo na dapat s'ya kinausap dahil nag-usap naman na kami kanina."

"Sorry po"

"Hinahanap ka ni diana kanina. Ang alam n'ya tatabihan mo s'ya sa pagtulog."

"Sorry sir, nawala po sa isip ko. Tatabi pa nga po ba ako sakan'ya?"

"Oo naman..dahil hahanapin ka n'yan kapag nagising 'yan..ako na tumabi sakan'ya at nagpa tulog. Nakita kasi kitang kausap si francis Kanina. Nakakahiya namang mang istorbo"-saad nito na tila nagseselos.

"Akala mo naman asawa ko s'ya"-wika ng dalaga sa sarili.

"Sige na, kung wala ka ng gagawin tabihan mo na 'yung anak mo"

"Anak ko? Aba sir..aarte lang akong mommy n'ya kapag kaharap s'ya"

"Gano'n na rin 'yun.. Good night"-tugon ng kaniyang amo at lumabas na ito mula sa silid.

"Ay iba.. so ano ako? Totoong ina talaga? Hays..ano ba 'tong pinasok mo Nayumi Shane Dimaguiba Matias.."-bulong sa sarili habang salo nito ang noo. "Pero titiisin ko 'to para kay tatay. Laban!"

Tumabi nga ito sa mahimbing na natutulog na si diana. Pinagmasdan niya ang maamong mukha ng bata.

"Ang amo ng mukha mo samantalang 'yung mukha ng ama mo mukhang dinosaur. Ay mali,mukha palang tigre"mahinang saad nito."Kung ako lang ang mommy mo naku siguro ako na ang pinaka masayang ina sa mundo kasi nagka anak ako ng kagaya mo.. ang tanga ni celine para talikuran at pabayaan ka. Hindi ko akalain na may ganoon palang ina. Promise ko sa'yo mamahalin kita na parang tunay kong anak."-sabay halik nito sa noo ng bata.

Inayos niya ang kumot ni diana bago siya nahiga sa tabi nito.

Balak sana niyang tawagan ang mga magulang kaso baka magising si diana. At baka tulog na rin ang mga ito. Kaya naman tinext na lang nito ang kaniyang kapatid.

"Natz, kumusta sila nanay at tatay? Nakainom ba ng gamot si tatay?"

"Yes,ate..pinainom s'ya ni nanay..don't worry be happy lang d'yan. Kaming bahala kay tatay"-reply nito.

"Pasensya na ah, hindi ako makatulong sa pag-aalaga kay tatay."

"Ano ka ba ate? Oks lang 'yun. Keribells namin 'to. Tsaka nagtatrabaho ka nga 'di ba? Ingat ka lagi d'yan. Sabi pala ni nanay thanks daw sa five thousand. Sinabi kong ka text kita ngayon e"

Nagulat ang dalaga dahil hindi niya alam ang five thousand na iyon.

"Ha? Ano'ng 5K? Wala naman akong binibigay kay nanay"

"Asus..si ate..'wag kang mag-alala. Hindi ako magseselos alam ko namang para din 'yun kay tatay"

"Natz,wala talaga akong binibigay kay nanay. Hindi nga ako umuuwi e"

"Pero ang sabi daw ni sir franco kay nanay ikaw daw ang nagpabigay. Dumaan daw si sir franco dito kaninang umaga.Kinumusta si tatay may dala din daw mga prutas tsaka mga gamot ni tatay"

"Seryoso? Bakit hindi sa akin sinabi ni sir franco?"

"Ewan ko ate, kayo na lang mag-usap ni sir franco mo. Sige na tulog na rin ako. Alam mo na day-off hehe. Goodnight ate kong maganda."

"Ate lang walang maganda"-reply nito sa kapatid.

"HAHAHAHA. Gano'n? Ingat ka lagi d'yan ah"

"Sila mag-ingat sa'kin. Dimaguiba kaya 'to"

"Correction,Matias.."

"Oo na.. mas bet ko kasi 'yung Dimaguiba hehe. Mas astig pakinggan eh"

"So ayaw mo ng apelyido ni tatay?"

"Wala akong sinabing gan'yan..sige na nga matulog ka na para 'yang pimple mo sa ilong humupa na"

"Hindi 'to huhupa hangga't inlove ako kay tristan"

"Tumigil ka nga nathalie! Aral muna"

"Yazz..i know that ate.. good night na talaga. Because my eyes is so very mahapdi na"

"Goodnight"

"Ay wait ate! Hinahanap ka daw lagi ng boyfriend mo dito"

"Boyfriend? Gagz! Onis naman? Wala ko boyfriend"

"Si Eriz haha!"

"Iyo na natz!"

"Haha..yoko..sa'yo 'yun ihh. Btw, gwapo si sir franco ah..baka may kapatid 'yun na kaedad ko. Ehem ate..baka naman"

"Itulog mo na lang 'yan Natz!"-huling reply nito at ipinikit na ang mga mata.

Itutuloy..

Mommy For HireWhere stories live. Discover now