Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 29
Pagkatapos nga nilang kumain ng tanghalian ay nagpaalam sila kay belle na may pupuntahan lamang sila at hindi nila sinabi na bibili sila ng sing-sing.
Sa bangko nga muna sila dumiretso upang maglabas ng pera.
"Oh, ano? Ipaglalabas na rin kita?"-tanong ni james kay eriz.
"Ikaw na lang kaya muna? Kinakabahan ako e"
"Ano'ng ako muna? Hindi ka pa bibili ng sing-sing? Akala ko ba magpo-propose ka na? Tapos ngayon biglang atras ka?"
"Kinakabahan ako, hindi ba masiyadong maaga para magpakasal?"
"Magpo-propose ka lang naman, hindi naman kasal agad eh. Uso naman long engagement ngayon."-tugon ni james. "Mahal na mahal mo si nida 'di ba?"
"Oo naman, sobra."
"So, ano pang hinihintay mo? Tara na. Magkano ba ilalabas ko sa pera mo?"
"Mga isang libo lang siguro"
Natawa naman si james sa sinabing iyon ni eriz.
"What? One thousand? Are you serious, eriz?"
"Ang cheap mo, saan ka makakabili ng engagement ring ha?"-tanong ni elbert sa kaniya.
"Sa encantadia, hindi kami gumagamit ng pera"
"Eh, ang tanong, nasa encantadia ka ba? Nasa mundo ka ng mga tao. Ako nga taga mulawin ako eh. Pero sanay na 'ko dito sa mundo ng mga tao"
"Nasaan pala pakpak mo?"
"Mula nung mapadpad ako dito, hindi na tumubo ang pakpak ko."-tugon ni elbert sa kalokohan nila ni eriz.
"Edi, hindi ka na lumilipad?"
"Lumilipad pa naman. Sumasakay ako sa walis tingting"
"Akala ko naman nahahati din bewang mo"
"Hindi ah.."
"Oo pala james..Sa palengke may tag 50 na sing-sing. Kumukupas man, pero matagal tagal din"
Napa masahe naman si james sa magkabilang sintido nito.
"Sumasakit ulo ko sa inyo, eriz. Seryoso ka ba talaga sa pagpo-propose ha?"-tanong nga ni james.
"Oo nga, seryoso ako.. magkano ba pera ko sa bangko? Pagkatapos kong magpro-pose kay nida, magpapagawa na ko ng bahay. At magtatayo ng business eh"
"Naks, sana all. Maraming pera"-ani elbert.
"Pero gaya ng sabi ko noon, james. Hati tayo sa perang iniwan ng ama ko."
"No, eriz. Para sa'yo talaga 'yun.. hindi ko 'yun matatanggap. Sa daddy mo 'yun eh. Sobra-sobra na ang naitulong sa akin ni tito danilo"
"So, magkano nga ba pera n'ya? Pabalato ah, eriz"-ani elbert.
"Balato ka d'yan?! Ano ako? Nanalo sa lotto? Hindi uy.."
"Damot neto, walang madamot na engkanto sa encantadia"
"Wala ding buraot na ibon sa mulawin"
Napa tampal naman sa noo si james..
"Ano? Maglalabas pa ba tayo? O lalabas na lang tayo?"-natatawang tanong ni james. "Ano na?"
"Sige, ikaw na bahala kung magkano. Magkano ba mga singsing?"
"May kilala ako na may-ari ng jewelry shop, doon na lang tayo bumili.
Nagtungo nga sila doon at abalang-abala nga sila sa pagpili..
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...