Dahil nasa trabaho si franco at nasa eskwelahan naman si diana ay tumulong ulit si yumi sa carinderia nila kasama nga din niya dito si nathalie.
"Hi, mga magaganda"-pagbati nga ni eriz. "Good morning"
"Kanina good 'yung morning ko eh, kaso nung dumating ka bad na"-pagbibiro ni nathalie.
"Ang bad mo talaga sa'kin nata de coco"
"Hi, ma'am yumi"-pagbati nga niya kay yumi pero tila hindi siya narinig nito.
"Ah, natz?"
"Oh? Kumag?"
"Kapag ba buntis nagiging bingi?"
"Ha?"
"Buntis ka rin? Nabingi ka rin eh"
"Sira! Bakit mo ba natanong?"
"Ikaw lang ba nakaka kita sa'kin? Kaluluwa na ba 'ko?"
"Mongoloid ka talaga."
"Oy! Yumibells!"-Pagtawag nga ulit niya dito pero busy pa rin ito sa pagsasalansan ng mga softdrinks sa ref.
"Uwi na nga 'ko"
"Bye!"-tugon nga ni yumi.
"Ayon! Talas ng pandinig kapag sinabing uuwi na 'ko. Ayaw talaga akong makita eh. Parang hindi kaybigan ah."
Humarap naman si yumi dito at lumapit para batukan ito.
"Joke lang, nagdamdam ka naman. Payakap ako, namiss ko bestfriend kong mongoloid eh"-saad nga ni yumi.
"Okay na sana sa namiss at payakap eh. May mongoloid pa kasing kasama."
"Arte-arte mo."-tsaka nga niyakap ni yumi si eriz.
"Uy..sali ako"-tsaka nakiyakap nga si nathalie.
"Buo ulit tayong tatlo..i-groupie na 'yan!"-ani nga ni eriz at nilagay sa camera ang cellphone nito. "Okay! 1 2 3 smile! Oh..isa pa...isa pa.. wacky naman"
"Tama na! Nangawit na panga ko kakangiti!"-reklamo ni nathalie.
"Paano naman kasi sagad 'yung ngiti mo. Nakita mo lang ka gwapuhan ko e, ang saya mo na"
"Luh! Bakit biglang lakas ng hangin?"
"Sige na ba-bye na..may racket pa ako. Na-miss ko kayo"
"Aalis ka na? Kain ka na muna."-pag-aaya nga ni yumi. "Libre ko na"
"Ang bait mo yata sa'kin? Na-miss mo talaga ako ah. Pero, next time na lang. Kasi baka ma late ako."
"Okay, sige.."-tugon ni yumi.
Tatalikod na sana si eriz ng muling pumihit ito paharap kay yumi.
"Ah, yumibells.. may tatanong lang sana ako"
"Ano 'yun?"
"Mas gusto ng babae kapag personal nagtapat ang lalaki 'di ba?"
"Oo naman, ba't mo natanong? Magtatapat ka na ba ng feelings mo kay nida? Aruuyyy!"
"Oo eh, kahapon nga sana kaso nga lang may kaunting problema kaya hindi na ako nakapag tapat."
"Oo, kasi nga inalam ni franco kung sino 'yung spy. At ayun nga tama hinala n'ya na si michelle"
"Ay si michelle ba? Akala ko si nida. Iba talaga kapag tatahi-tahimik 'no? Mas maraming sikretong itinatago"
"Korek!"-pagsang-ayon ni eriz.
"Napag utusan lang naman."-tugon naman ni yumi.
"Nga pala eriz, kapag magtatapat ka kay nida dapat maligo ka.. 'yung mabangong mabango ka. Doon manlang bumawi ka"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...