Pinuntahan nga ni Nayumi ang bata sa loob ng silid nito at kinausap.
"Ahm..diana..p'wede ba tayong mag-usap?"
"I hate you!"-sigaw nito at kinuha ang kumot at binalot ang sarili.
"I'm sorry,diana..sana mapatawad mo 'ko. Mahal kita.. mahal ka ng mommy yumi mo..mahal kita anak"-saad nito sa bata.
Sigurado ang dalaga na mahal na niya ang bata kahit ilang linggo pa lang niya itong nakakasama.
Tinanggal nito ang naka taklob sa kaniyang kumot at naupo ito sa kaniyang kama.
"Kung talagang mahal mo 'ko, bakit ka nagsinungaling? Bakit sinabi mo sa'kin na cook ka lang namin? Hindi mo 'ko mahal! Hindi!"
Hindi alam ni nayumi ang gagawin lalo na't hindi naman niya ito tunay na anak. Hindi niya din alam kung paano magpa amo ng bata.
"Listen to me,baby.. ano kasi eh--"-naubusan na ng sasabihin si nayumi mabuti na lang at pumasok din doon si franco.
"Hiwalay na kasi kami ng mommy mo anak.. kaya nga bumalik s'ya eh..kasi love ka n'ya. Love mo rin s'ya 'di ba? Kaya patawarin mo na ang mommy mo.."
"Bakit po kayo naghiwalay? Hindi n'yo na love ang isa't-isa?"-tanong ni diana dahilan ng pagkaka tinginan nila nayumi at franco.
"Ahm..love pa naman. Kaso masyado ka pang bata para maintindihan eh"-tugon ni franco.
"Yes,baby..tama ang daddy mo."
"Okay po..p'wede po ba kitang mayakap mommy?"
Muling bumaling ng tingin ang dalaga sa kaniyang amo bago lumapit sa batang uhaw sa pagmamahal ng ina.
"Ah..oo naman.. mula ngayon hindi na tayo magkakalayo. Lagi na akong nasa tabi mo"-sabay yakap niya dito.
"Talaga po,mommy? Yehey! Sa wakas pagbalik ko sa school may maipapakilala na rin akong mommy sa mga friends ko. Hindi na nila ako tutuksuhin na wala akong mommy. Kasi you're here na..p'wede po bang dito ka nalang sa room ko matulog? Para po may katabi po ako"
"Ahmm.. kung okay lang sa daddy mo"
"Please,daddy..dito na lang si mommy sa room ko.."
"Oo ba, dito na lang ang mommy mo"
"Yehey! I'm so happy po talaga! Thank you,daddy..thank you mommy. Buo na po ang family natin..yehey!"-saad ng bata at niyakap nito ang ama.
"P'wede po ulit mag request daddy?"
"Yes,sure.. ano 'yun sweetie?"
"P'wede mo po ba i-hug si mommy?"
"Ha?!"-tanging nai-usal ng dalawa.
"Sige na po, please.."
Ayaw man ni Nayumi ay wala siyang choice dahil iyon ang kagustuhan ng bata.
Lumapit naman si franco at niyakap si Nayumi.
"Sorry"-bulong nito sa dalaga.
"Okay lang"-tugon nito at kapwa sila ngumiti pagka harap muli sa bata.
"Ahm..kain na kayo.. tara na..lalamig ang pagkain"
"Okay po, tatawagin ko na po si tito francis. Sasabihin ko na rin sakanya na alam ko ng ikaw ang mommy ko"-wika ng bata.
"Ahmm..'wag!"-sigaw ni nayumi ngunit mabilis na naka takbo ang bata palabas ng kwarto nito.
"Hala,sir..ano na lang sasabihin ni sir francis? Baka sabihin n'yang hindi talaga ako ang mommy ni diana. Naku nalagot na"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...