Maaga ngang dumating si celine sa bahay nila franco dala na nito ang kaniyang mga gamit.
Lahat sila ay tahimik lang habang naka tingin sa kararating na si celine.
"Hi, guys! Ang tahimik n'yo naman, para naman kayong naka kita ng multo. Ako lang 'to guys!"-saad niya at tuluyan ng pumasok na akala mo dito talaga nakatira.
"Ay, wait! Nasa'n si diana?"-tanong n'ya kay franco.
"Tulog pa"-matabang na tugon ni franco.
"Saan pala ako mag-i-stay na kwarto?"
"Sa guest room, maayos na 'yon"-tugon ulit ni franco.
"What? Guest room? Ano 'ko? Bisita? Ah.. alam ko na, sa kwarto na lang ako ng anak ko, siguro naman may sariling kwarto 'yung anak natin 'di ba?"
"Hindi p'wede, si yumi ang kasama n'yang natutulog do'n"
"Pwes! Ako na ngayon. Ako ang totoong ina, kaya ako ang dapat na katabi ng anak ko!"-naka taas pa ang isang kilay nito.
"Tama naman s'ya"-saad ni yumi.
"Hindi! Ikaw ang gustong katabi ni diana"
"Okay, fine! Baka isipin n'yo naman makasarili ako. Sige na..sa guest room na lang ako. Ahm. Hi, pakikuha pa nga 'yung ibang gamit ko sa kotse"-utos nito kay nida.
Sumunod naman si nida pero bumulong bulong ito pagkatalikod nito kay celine.
Palihim namang natawa si yumi dahil doon.
"Love, sorry ulit ha"-ani franco kay yumi.
Hinawakan naman ni yumi ang kamay nito,
"Okay lang, sabi mo naman nandito s'ya para kay diana. Hindi para manggulo sa'ting dalawa"
"Oo, love. Hindi ako papayag na pati tayong dalawa ay guguluhin n'ya"
Yumakap nga si nayumi kasabay nun ang paghalik ni franco sa buhok niya.
"Salamat kasi nagkaroon ako ng girlfriend na maunawain at mabait"
"Tapos ano pa?"
"Mabuting babae"
"Tapos?"
"Alam ko naman gusto mong marinig hehe. Siyempre maganda at sexy hehe.."
"Yown. Nadali mo, buti naman at wala kayong meeting ngayon."
"Oo nga eh, free ako today lalo na tonight hehe"
"Tse!"
"Ano nanaman iniisip mo?"
"Wala noh! Ano naman iisipin ko?"
"Ikaw ha, siguro namimiss mo 'yung naudlot sa beach"
"Kapal! Baka ikaw d'yan"
"S'yempre..hehe, bukas nga pala love, sasamahan ko si francis sa resort s'ya na ang bagong magma-manage no'n"
"Talaga? That's good. Nakakatuwa naman"
"Wala eh, umiibig na kaya nagsisikap na. Niloko ko nga eh, baka sa talyer gusto n'ya, kaso ayaw. Takot madungisan hehe"
"Bawas pogi points daw kasi kapag nadungisan hehe. Sino naman 'yung masuwerteng napupusuan n'ya?"
"Ehem..siya daw magsasabi sa'yo eh kaya ayokong mangealam."
"Asus! May secret pa kayong dalawa"
"Malalaman mo din naman 'yun, love"
"Fine! Sige na maghahain na kami para maka kain na tayo at 'yung ex lalabz mo"
"Ay gumaganon haha!"
Nginusuan lamang siya ni yumi bago tuluyang magtungo ng kusina.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...