Habang abala nga sa pag-aasikaso para sa kasal sila franco at yumi ay abala din si francis sa kanilang resort.
Pero ganoon pa man ay may oras pa rin si francis para sa kaniyang kasintahan.
Magkasama nga sila ngayon sa bahay ng tunay na ina ni nathalie, personal na nga siyang ipinakilala ng dalaga sa tunay nitong ina.
"Sa wakas po, nakilala na rin po kita"-saad ni francis sa ginang.
"Ako rin dati lang nakikita kitang sinusundo si nathalie eh, gusto ko nga palang magpasalamat sa'yi hijo. Salamat sa pag-aalaga sa anak ko at s'yempre sa pagmamahal sa kaniya"
"Naku, mas alagain pa nga po 'yan kaysa sa akin"-tugon ni nathalie kaya naman napatawa ang kaniyang ina.
"Mas alagain po talaga 'yan si natz, ako nga po nagpapalit ng diaper n'yan"
Lalo tuloy natawa si liezel dahil parehong palabiro ang dalawa.
"Kumain ka na nga lang! Hihirit ka pa!"-sabay irap ni nathalie pero naka ngiti nama ito.
"Kain lang kayo ng kain marami na ipinaluto ko kasi hindi ko na natanong 'yung mga gusto n'yo eh"
"Gusto ko po lahat 'yan mama"-tugon ni nathalie.
"Opo, gusto n'ya lahat 'yan wala pong inaatrasan 'yan basta pagkain"
"Edi wow! Kaysa naman sa'yo pihikan! Hindi kumakain ng gulay!"
"Kumakain ako ng gulay ah. Ang hindi ko lang kinakain okra tsaka saluyot"
"Halla! Kung alin pa 'yung paborito kong gulay s'ya mong hind kinakain.. paano kung ako magpakain sa'yo no'n? Ayaw mo pa rin?"
"Ayaw.."-pabebeng tugon ni francis.
Habang si liezel naman ay nakangiti lang habang pinagmamasdan ang mga ito.
"Kakain ng okra at saluyot o break?"
Napa nganga naman si francis at napasulyap pa kay liezel.
"Oh, ayaw sumagot?"
"Halla. Bakit naman may pagpipilian mahal? Tita oh.. itong anak mo oh"
Umiiling-iling lang si liezel habang natatawa.
"Kakain ng okra o break?"-sabay kuha nito ng okra mula sa pakbet. Kinamay nga niya ito at idinikit sa nakasarang bibig ni francis. "Nganga! Ayaw mo?"
"Anak.. hahaha. Hayaan mo na s'ya kung ayaw n'ya. Baka magsuka lang s'ya"
"H-hindi tita.kaya ko po"-sabay kagat nga niya sa okra na isinusubo ni nathalie.
Napapangiwi nga ito habang nginunguya ang kinagat niya.
"Dalian mo..malaki pa 'to mahal..sayang walang saluyot dito"
"Buti na lang talaga"-tugon nito at halos hirap na hirap lunukin ang okra.
"Wala na ba? Ito pa..nganga pa"
"Mahal, ayoko na..promise hindi talaga ako kumakain n'yan eh"
"Break?"
"Eto na kakain na"-sabay kuha niya ng serving spoon at pinagkukuha ang mga okra. "Oh? Kakain na ah."
"Kakain ka din naman pala eh..aarte pa kasi.. ang sarap kaya n'yan lalo na kapag prito tapos isasawsaw sa bagoong na may calamansi at sili..tapos naka kamay ka.."
"Naku, totoo 'yan anak. Ang lola mo may tanim sa bakuran dating okra eh tsaka talong. Madalas 'yun ulam namin kasi nga wala naman kaming ibang maiuulam.."
"Tapos 'yung iba d'yan ayaw kumain ng okra porket rich kid. Hindi p'wede sa akin 'yun. Basta lahat ng kinakain ko kakainin din dapat niya"-sabay tingin kay francis at masama na ang mukha nito dahil labag talaga sa kalooban niya ang kumain ng okra.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...