Dahil birth day ni yumi ay nag outing sila kasama nga ang lahat maging ang mommy nila ni celine.
"Ang saya-saya ko naman, sana palaging ganito kasaya. Dati kasi kaming apat lang nagce-celenbrate ng birthday ko eh, ngayon ang dami na. Salamat sa inyong lahat ah. Pinaka masayang birthday ko 'to"-saad nga ni yumi pagkatapos siyang kantahan ng mga ito ng happy birthday.
Dahil busy din sila sa pag-iihaw ay hindi na nila napansin na wala sila franco at celine.
"Bakit mo ba dinala si james dito ha?"-tanong nga ni franco kay celine.
"Ano'ng masama do'n? Boyfriend ko si james! Don't tell me nagseselos ka dahil nagkita sila ni yumi? Maging matured ka nga franco! Hindi ka pa rin talaga nagbabago! Napaka seloso mo pa rin! Inilayo mo ako sa kanila para lang tanungin ako kung bakit isinama ko pa si james! Wala ka banh tiwala kay yumi?"
"Meron! Pero sa boy friend mo, wala!"
"Tsk! Ewan ko sa'yo! Manigas ka kakaselos!"-sabay alis nga ni celine.
Pagkabalik nga niya ng cottage ay lumapit agad siya kay yumi,
Sinulyapan pa nga niya si james na busy sa pakikipag kwentuhan kay nathalie at francis.
Magka usap din sila eriz at nida at ang iba naman ay may mga ginagawa din.
"P'wede ko bang masolo muna ang birthday girl?"-tanong nga niya kay yumi. "May ibibigay tuloy ako sa'yo, birth day gift ko para sa'yo"-bulong nga niya.
Ibinilin na nga lang nila kay michelle ang tinutuhog nitong barbecue.
"Teka, mga anak. Saan kayo pupunta?"-tanong nga ni olga ng mapansin sila nito.
"D'yan lang mommy, maglalakad lakad"
"Wag mong papagurin kapatid mo ah"-bilin nga ni olga kay celine.
"Yes, mommy..si ate ang bahala kay bunso. Kaya don't worry. Tara na yumi"
Naglakad lakad nga sila hanggang sa mapansin nila ang gubat na nasa isla.
"Naka punta ka na ba sa gubat, yumi?"
"Hindi pa ate eh. Ikaw ba?"
"Hehe oo.. kasi may mga scenes sa teleserye namin na sa gubat kinuhanan eh."
"Ay oo nga ate, natatandaan ko 'yan.. ang title pa no'n is Secret paradise 'di ba?"
"Alam na alam ah.."
"Siyempre number 1 fan mo kaya ako dati"
"Ang sweet naman ng kapatid ko"
"Doon din naganap 'yung unang kissing scene n'yo ni paolo 'di ba?"
"Oo hehe. Gusto mo punta tayo do'n?"-sabay turo nga niya sa kakahuyan.
"Seryoso ka ate?"
"Oo naman, ikaw ba kaya mo?"
"Hmm..kakayanin ko. Kasama kita eh"
"Sige, tara..pero kapag pagod ka na, kahit hindi na tayo tumuloy"
"Kaya ko ate. Hindi naman 'yan malayo eh"
Nagtungo nga sila sa gubat at ang ganda ganda dito.
"Mukhang marami din nagpupunta dito 'no ate?"
"Kaya nga eh.. uy, halika..tara do'n oh. May malaking bato. Tara muna maupo do'n"
"Sige, ate."
Naupo nga sila doon,
"Whooaaa..napagod ako ah. Ikaw ba? Napagod ka?"
"Hmm..medyo ate.."
"Ay oo nga pala. 'yung ibibigay ko sa'yo."-tsaka nga kinuha ni celine ang kwintas sa kaniyang bulsa. "Ito ang gift ko for you"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...