Chapter 136

175 3 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 25

"Teka lang 'nay,Ano bang nangyayari?"-tanong ni elbert sa ina. "Magka kilala ba kayo?"

Maging silang lahat nga ay nagtataka kung bakit bigla na lang nagbago ang isip ni minda ng makita niya si krizelle.

"Hindi ko kilala 'yan!"-tugon nito at akmang aalis ng biglang lumapit si krizelle sa kaniya at niyakap ito mula sa likuran.

"Ate!"-mangiyak-ngiyak na sambit nito.

Hindi na nga rin napigilan ni minda na maiyak ng yakapin nga siya ni krizelle.

"Ate?! Bakit mo po tinawag na ate ang nanay ko?"-tanong ni elbert kay krizelle.

"Dahil magkapatid kami.."

"Magkapatid kayo?"-sabay na tanong nila james at elbert.

Maging sila franco nga ay nagulat sa narinig.

"P-paano, mama? Paanong magkapatid kayo ni nanay minda? Ang akala ko nag-iisa ka lang na anak?"

Lumapit naman si yumi kay minda at kinuha niya si baby mia..

"Ampon lang ako.. dati kaming magkasama ni ate minda sa bahay ampunan mula nung maulila kami."-pagku-kwento ni krizelle.

"Ako dapat ang kukuhanin ng umampon sa'yo, pero dahil makasarili ka, sinabi mong tumakas ako, kaya ikaw na lang ang kinuha. Pero ang totoo ni-lock mo 'ko sa C.R para hindi nila 'ko makita"

Nanlaki nga ang mga mata nilang lahat ng sabihin iyon ni minda.

"Mama? Nagawa mo 'yun sa sarili mong ate?"

"Let me explain.."

"Masiyadong mataas ang pangarap mo. Gusto mong may umampon sa'yong mayaman. Pero ako ang nagustuhan kaya nagawa mo 'kong traydurin at talikuran"

"Oo na, ate! Pinagsisihan ko na 'yun matagal na. Noong nagkita tayo ulit 26 years ago nag sorry na ako sa'yo 'di ba? Nagmakaawa ako na patawarin mo na 'ko, pero matigas ka"

"Dahil iniwan mo 'ko! Naging makasarili ka!"-galit na tugon ni minda habang umiiyak ito dahil sa sama ng loob.

"Hindi ba't iiwan mo rin naman ako? Kung ikaw ang kinuha?"

"Hindi ako sasama kung hindi ka kasama. Kakausapin ko sana sila na kung p'wede dalawa tayo. Dahil tayo na lang ang magkasama at hindi ko kakayanin na maghiwalay tayo. Pero ikaw kinaya mo. Dahil makasarili ka! Doctora ka na pala? Ang ganda ng naging buhay mo, samantalang ako. Eto, isang kahig isang tuka."

"Ate minda, I'm so sorry. Kahit ilang beses pa akong mag sorry sa'yo gagawin ko. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako.. bumalik lang tayo sa dati"

"Hindi na tayo makakabalik sa dating mayroon tayo, iba na ngayon. Ibang tao na tayo ngayon"

"Hayaan mo naman akong bumawi sa'yo oh, miss na miss na kita ate..walang araw na hindi ko 'yun pinagsishan. Bumalik ako sa ampunan ng paulit-ulit. Nagbabakasali na baka bumalik ka mula nung umalis ka do'n pero bigo akong makita ka dahil hindi ka na bumalik. Tapos nung nagkita tayo ulit sinubukan kong makipag-ayos sa'yo. Pinasasama kita sa'kin pero matindi parin ang galit mo sa'kin at hanggang ngayon pala. Matanda na tayo ate, kalimutan na natin ang nangyari noon, magsimula tayong muli. Tayo nila james. P4tay na rin ang mga umampon sa akin ate, 25 years na rin, anim na buwan lang na nawala si mommy tapos sumunod din si daddy kaya hindi na rin nila nakita si james ng ipanganak ko"

"Ferrer pa rin pala ang ginamit mong apelyido? Bakit hindi nila pinalitan?"

"Hindi ako pumayag ate. Dahil hindi ko p'wedeng palitan ang apelyido ko dahil ito lang ang naibigay sa akin ni tatay"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now