"Hey! Tulala lang? Kanina pa ako salita ng salita dito,hindi ka naman nakikinig d'yan!"-inis na sambit ni nida sa tulalang si Nayumi."Ha?"
"Oh? Kita mo na! Hindi ka nga nakikinig!"
"Ano ba 'yon?"
"Ewan ko sa'yo! Ang problema hindi dinadala sa trabaho 'yan. Iniiwan sa bahay!"
"Kawawa naman mga magulang ko kapag iniwan ko sa bahay ang problema ko. Sila pa po-problema do'n"
"Alam mo ikaw, napaka pilosopo mo eh! D'yan ka na nga!"
"Ulitin mo na lang kasi 'yung sinasabi mo kanina..promise,makikinig na 'ko"
"Ang sinasabi ko sa'yo sipsip ka! Bida-bida ka.. ang bago mo pa lang dito pero close na close ka na kay diana at lalo na kay sir franco! At heto pa ah.. nakita ko pa kayong pumasok sa kwarto sa itaas. Ano'ng ginawa n'yo do'n?"
"Eh, ano nga bang ginagawa ng mga babae at lalaki na magkasama sa iisang kwarto?"-tanong ni Nayumi sa kaniya pabalik.
Nanlaki ang mga mata nito kasabay nito ang pagtakip sa kaniyang bibig.
"Ano?! May nangyari sa inyo?! Ibang klase ka! Inakit mo si sir franco kasi ano? Alam mong mayaman s'ya? Gold digger ka!"
"Hindi ba p'wedeng silver digger muna? O tanso digger ganern"
"Kaya una palang inis na inis na 'ko sa'yo eh! Kasi bukod pala sa epal ka na kaya mo pang ibenta ang sarili mo para sa pera. Oh dahil crush mo si sir?! Nakaka diri ka yumi!.dati ka bang bayarang babae or p*kp*k?"
"Nida! Stop it! Sumosobra ka na! Bakit ka ganyang magsalita kay yumi?!"-bulyaw ni franco.
"S-sir? S-sorry po.."
"Mag sorry ka kay yumi! Ngayon din!"
"Po? Pero bakit ho? Totoo naman po mga sinasabi ko about sakan'ya ah."
"Mag sorry ka!"
"Sorry.."-saad nito na tila galing sa ilong ang pag hingi ng tawad.
"Ikaw naman kasi Nayumi! Bakit hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo? Hinahayaan mong pag-isipan ka ng masama ng ibang tao."
"Ayoko lang pong magpa apekto sa mga sinasabi n'ya lalo na't hindi naman po 'yun totoo"
"Kahit na! Hindi pa rin magandang sinasabi n'ya 'yun sa'yo. Hoy ikaw nida.. dahan-dahan ka sa pananalita mo kay yumi hindi mo ba alam na p'wede ka n'yang idemanda ng paninirang puri? Alam mo ba 'yun ha?!"-inis na sambit ni franco.
"Sorry sir, sorry yumi.."
"Ayoko na ulit maririnig na pagsasabihan mo si yumi ng gan'yan.. walang nangyayari sa amin ni yumi.. nung makita mo kami ipinasilip ko lang sakanya ang kwarto sa itaas. At alam mo din naman kung ano'ng meron sa kwartong 'yon 'di ba? Dahil minsan na kitang pinaglinis do'n"
"Sorry talaga sir, ito naman po kasing si yumi hindi pa sinabi sa akin na gano'n po 'yung nangyari. Namilosopo pa po kasi e"
"Tsaka kung may mangyari man sa amin. Ano naman ngayon? Dalaga s'ya.. binata ako"
Nanlaki ang mga mata ni nayumi na napasulyap sa amo.
"Sir?!"
"Joke lang.. basta nida ha? Yung usapan natin. Be good to nayumi. Mabait s'ya. Kaya nga sobrang gaan ng loob sakan'ya ni diana e..ang totoo n'yan hina-hire ko s'yang maging mommy ni diana pero tumanggi s'ya. Kaya 'wag na 'wag mong pag-iisipan ng masama ang isang tao lalo na kung hind mo alam ang buong kwento ng buhay n'ya. Wag na 'wag kang manghuhusga ng tao at lalong 'wag kang nangengealam sa buhay ng iba. May sarili kang buhay at problema. Nagkaka intindihan ba tayo?"
"Opo...opo sir"
"Sige! Balik sa trabaho."
"Ikaw yumi..maiwan ka dito"
"Opo"-tanging tugon ni yumi.
"Bakit n'yo po pala ako pinaiwan? May gusto po ba kayong ipaluto?"
"Wala naman.. mag-usap nga tayo"
"Nag-uusap naman na po tayo sir"
"Tama nga sabi ni Nida sa'yo, pilosopo ka nga.. hays.. bakit ka ba pumapayag na pinagsasalitaan ka ng gano'n? Kung ako babae at pinagsalitaan ako ni nida ng gano'n baka nasampal ko"
"Gaya nga po ng sabi ko kanina. Ayoko pong magpa apekto lalo na't hindi naman po totoo."
"So hahayaan mo na lang na pag-isipan ka n'ya ng masama?"
"Kung 'yun po 'yung trip n'ya. Push lang po."
Napa kamot naman sa batok si franco.
"Ba't ka ba ganyan?"-tanong ni franco.
"Na alin sir?"
"Di bale na nga lang"-tugon nito." So ano? Ayaw mo talaga?"
"Yung about po sa usapan nati kagabi?"
"Oo..ayaw mo ba talaga?"
"Pa'no 'yan sir? Wala pa nga akong ginagawa napag iisipan na 'ko ng masama. 'Yun pa po kayang may gagawin na 'ko? Sorry talaga sir ah.. maganda po 'yung offer mo..pero hindi po maganda na paasahin at magsinungaling tayo kay diana..tsaka alam naman po n'ya na cook n'yo lang ako. Kung magiging yaya po ni diana okay po ako do'n. Hanap na po kayo bagong cook tapos ako na yaya ni diana"
"Ayoko! Gusto ko ikaw pa rin ang cook namin. Kasi gusto kita"
Nanlaki ulit ang mga mata nito at bahagyang nakaramdam ng hiya sa amo. Napakagat labi pa ito at dahan-dahang napa yuko.
"I mean gusto ko 'yung mga luto mo.. ang sarap mo kayang magluto. Tapos gusto mo papalitan kita? Tsaka trabaho na ni michelle ang pagiging yaya kay diana"
Kibit balikat lang ang tanging nagawa ni Nayumi. Tsaka ito huminga ng malalim.
''Ahm.. sige sir, may trabaho pa po ako eh. Maghahanda pa po ako ng mga lulutuin ko para sa hapunan"
"Pag-isipan mong mabuti ang alok ko yumi"-sabay haplos nito sa braso ni nayumi.
Hindi na sumagot pang muli si yumi at umalis na ito sa harapan ni franco.
Busy na ang dalaga sa paghahanda ng mga lulutuin nito para sa hapuna. Ang naisipan nga niyang iluto sa mga amo ay kaldereta at pakbet naman para sa kanila.
Habang hinihiwa nito ang mga gulay na gagamitin sa kaldereta ay nag ring ang cellphone nito. Kaya dali-dali itong nagpunas ng kamay at dinukot mula sa bulsa ang kaniyang cellphone.
"Hello,nay? Napatawag po kayo?"
"Anak.."-usal nito sa kabilang linya.
"Po? Bakit po gan'yan ang boses mo? May problema po ba?"
"Ang tatay mo kasi anak"
"Bakit po? Ano pong nangyari kay tatay"-tanong nga nito at sunod-sunod ang kabog ng kaniyang dib-dib.
"Nandito kami sa ospital anak, ngayong taghali lang.. hindi ko muna sana sasabihin sa'yo dahil ayokong mag-alala ka pa eh. Pero kaylangan mo kasing malaman---"
"Ano nga po? Ano nga pong nangyari kay tatay?"
"Na stroke ang tatay mo. Inatake s'ya bandang alas onse ng tanghali.. kaylangan natin ng malaking pera anak.. para sa mga gamot ng tatay mo at sa magiging bill natin dito sa ospital"
"Pupunta po ako ngayon d'yan. 'wag n'yo na pong isipin ang pera.. ako na pong bahala d'yan..basta si tatay po ah.. pakibantayan"
"Oo,anak..salamat..hihintayin kita dito sa ospital"
"Sige po..tatapusin ko lang po itong iluluto ko at pupunta po ako d'yan agad."
"Okay,anak.."
Kahit nga tumutulo ang mga luha nito ay ipinagpatuloy pa rin ang pagluluto. Hindi muna niya ipinaalam sa amo ang nangyari sa kaniyang mahal na ama.
Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng malakibg pera gayong walong araw pa lang siya sa trabaho.
Nang bigla nitong maalala ang napag usapan nila ni franco.
Kakagat na kaya siya sa gusto ng amo? O paninindigan niya talaga na ayaw niya sa nais nito?
Abangan...
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Любовные романы"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...