Kinabahan nga din si james ng malaman mula kay celine na trending na ang kanilang mga larawan sa social media.
"Ano ng gagawin ko james?! Paano ko i-e-explain 'to?"
"Kung ano'ng problema mo, problema ko na rin. Kaya sabihin mo boyfriend mo 'ko. Boyfriend mo ang kasama mo sa bar at sa hotel"
"What?! Are you out of your mind?! Bakit ko sasabihin 'yon? Hindi naman 'yon totoo ah!"
"Yun ang naiisip kong paraan para hindi ka ma bash. Gusto mo bang sabihin nila na may kasama kang lalaki sa bar at hotel na hindi mo naman boyfriend? Mag-isip ka nga!"
"Tama ka naman pero paano ka? Ano na lang sasabihin sa'yo ng nililigawan mo na may girlfriend ka pala."
"Hindi ko s'ya nililigawan. Yung date sana namin kahapon, friendly date lang talaga 'yun. Sinusubukan ko kung magkaka feelings din ako sa kaniya. Celine, ako ang may kasalanan kung bakit nalagay ka sa ganitong sitwasyon. Ako nagdala sa'yo sa bar at nagdala dito. Kaya hayaan mong tulungan kita ngayon"
"Ano na lang sasabihin ng mga kapwa mo doktor? Lalo na 'yung chief residence mo. Pagagalitan ka no'n malamang"
"I don't care! Day off ko naman ng mangyari 'yun. At labas sa trabaho ko ang personal kong buhay. Tsaka wala tayong ginawang masama"
"Sorry ah"-ani celine.
"Sorry for what?"
"Sa mga masasakit na sinabi ko sa'yo kahapon. Sinabihan kita na antipatiko ka, mayabang at immature pero nagkamali ako..Hindi ka pala gano'n. Salamat james"
"Hayaan mo na 'yun. Naging mayabang at immature naman talaga ako kahapon. Basta tatandaan mo 'to ah. Ano man mangyari nasa likod mo lang ako."-sabay himas niya ng likod ni celine.
"Tara, hatid na kita pauwi"-saad ni celine.
"Wag mo na lang papansinin mga sasabihin ng mga tao. Wala silang pakealam sa personal mong buhay. Hindi mo ba naisip na huminto na sa pag aartista? Para naman tumahimik ang buhay mo."
"Naisip ko na rin 'yan. Pero pangarap ko talaga 'to eh. Ngayon pa ba ako susuko kung kaylan sikat na sikat na talaga ako?"
"Kahit magkaroon ka na ng asawa? At sariling pamilya?"
"Baka tumigil na ako kapag may asawa na ako. Gusto ko kasi mag focus ako sa kaniya at sa magiging anak naming dalawa. Minsan nga naiiyak ako kasi kasama ko nga si Diana pero hindi ko siya gaanong naaasikaso kasi busy din ako. Buti na lang talaga nandiyan si yumi para sa kaniya"
"Ano nga palang isasagot mo kay yumi kapag tinanong ka n'ya tungkol sa pictures?"
"Bahala na james, masakit ang ulo ko. Hindi na muna ako makikipag-usap sa kanila. Gusto ko lang magpahinga. Ayoko din munang magbukas ngayon ng cellphone. So saan kita ihahatid? Sa bahay n'yo o sa ospital na?"
"Sa bahay na lang"
"Okay, let's go.."
"Ito 'yung jacket. Bumabakat din kasi 'yan dahil manipis lang 'yang t-shirt ko"
Napatakip naman si celine sa kaniyang dib-dib dahil napa sulyap dito si james.
Hinatak nga iyon ni celine mula kay james at lumabas na sila ng room ng hotel.
-------
"Ate!! Buti naman at umuwi ka na, kagabi pa ako nag-aalala sa'yo pati si mommy"-bungad ni yumi.
"Tumawag s'ya sa'yo?"
"Oo ate! Bakit kayo magkasama ni james? Alam mo bang kalat na kalat na sa----"
"I know, yumi..Pero ayoko munang pag-usapan. Masama ang pakiramdam ko."
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...