Sunod-sunod na tawag nga ang natanggap ni Dra.ferrer mula sa kaybigan ni james.
"Hello, tita. Buti po sumagot ka na. Si james po kasi"
"Hello, rio! What happened to my son?"-nag aalalang tanong nito ng sagutin ang tawag ni rio.
"Si james po kasi naglalasing sa bar!"
"What?! Paanong mapupunta sa bar 'yan? Eh pumasok 'yan. Tsaka hindi umiinom ang batang 'yan!"
"No, tita..hindi s'ya pumasok. Kanina ko pa po s'ya inaayang umuwi eh..pero ayaw n'ya. Pinagtutulakan pa n'ya ako. Mukhang ang laki po ng problema niya sa babae tita"
"Saang bar ba 'yan? Ako ang pupunta"
Nang masabi nga ni rio kung saang bar iyon ay nagmadaling magtungo doon ang ina ni james.
Naabutan pa nga niyang winawagayway nito ang bote ng alaka habang sumisigaw at umiiyak.
"James! Stop it! Ano ba?!"-sabay hatak niya sa bote na hawak ni james.
"M-ma?! What are you doing here?"-tsaka ito tumayo at nawalan pa ng balanse buti nahawakan siya ng kaniyang ina.
"Ikaw ang dapat na tinatanong ko n'yan james! Ano'ng ginagawa mo dito?! At bakit naglalasing ka?! Ano bang nangyayari sa'yo anak?"
"Ang sakit ma! Mas masakit pa ito sa paulit-ulit kang inoperahan eh!"
"Hindi kita maintindihan! Umuwi na tayo!"-tsaka nga ito nagpatulong sa driver nila.
"Hayaan mo na muna ako dito mama! Kayo ang umuwi"
"No! Hindi ako papayag na maiwan ka dito! Uuwi tayo sa ayaw at sa gusto mo!"
"Oo nga 'tol! Umuwi ka na..lasing ka na eh"
"Hindi..hindi pa ako lasing"-sabay tawa nito.
"Kapag hindi ka na lasing ikwento mo sa'kin kung ano'ng problema! Hindi gawain ng isang doktor ang ginagawa mo anak!"
"I know, ma! Pero masama ba na magpakasaya muna ako? Stress na stress na 'ko! Minsan gusto ko nalang maging patatas ma! Nasa ilalim lang ng lupa naghihintay na hukayin HAHAHAHAHA"
"Lasing na nga talaga.."-ani rio at tinulungan na lang si dra.ferrer na akayin si james palabas ng bar.
Halos nakapikit na nga ito habang naka paakbay sa kanilang dalawa.
Agad nga nila itong isinakay at kinausap muna ni doctora si rio.
"Sinabi ba n'ya kung sinong babae 'yun? At nagkaka gan'yan s'ya?"
"Yumi daw po eh"
Napa isip si dra.ferrer,
"Parang pamilyar ang pangalan na 'yan."
"Ang sabi po n'ya sa'kin ngayon na nga lag daw niya ulit nakita malalaman pa n'yang ikakasal na ito at buntis na"
"Kilala ko na 'yan! Yang 'yung kinabaliwan niya nung high school at hanggang ngayon"
"Tama po.. baka 'yun 'yung babae na tinutukoy n'ya noon sa video n'ya"
"Hindi ko alam 'yung video na 'yun eh.. pero salamat ah.. ingat sa pag-uwi..salamat sa pagsama sa anak ko."
"Wala pong anuman tita krizelle, kayo din po ingat kayo.."
Pagkauwi nga ng bahay ay inasikaso na ni krizelle ang kaniyang anak..
Ito ang unang pagkakataon na naglasing ito dahil kaylanman ay hindi ito tumikim ng alak.
"Maaaa"-mahinang usal ni james habang pinupunasan ng kaniyang ina ang kaniyang mukha
"Yes, anak? Ano bang nangyari ha? Tell me..makikinig ako"
"Kumusta 'yung magandang buntis na nagpa check up sa'yo kaninang umaga?"
"Ha? Sinong magandang buntis?"
"Ma, naman! Yung magandang buntis.. buntis nga ba?"
"Sino ba anak?"
Pinilit ngang bumangon ni james mula sa pagkakahiga sa sofa.
"Si yumi"
"Yumi?"
"Yes, ma!"
"Ito ba 'yung fiance ni franco?"
"Exactly! Buntis nga ba?"
"Don't tell me 'yung yumi na pasyente ko at yumi na niligawan mo nung high school ay iisa"
"Siya nga ma..wala ng iba!"
"Ano?! Napagkwentuhan ka namib kanina pero hindi niya sinabi na kilala ka n'ya."
"Eh kasi baka kasama si franco 'di ba? Pinoprotektahan n'ya 'yung feelings ng fiance n'ya"
"Baka naman nahiya na lang anak kasi kung anu-ano din sinabi ko eh, hindi ko naman kasi alam na s'ya pala 'yun"
"I don't know ma! Basta ang alam ko lang napaka sakit! Ang tagal ko po s'yang hinintay. Tapos ganito lang pala? Nabuntis ng iba? At si franco pa na may anak na.."
"Hindi natin hawak ang desisyon niya sa buhay, anak..wala tayong magagawa kahit sino ang piliin n'ya. Move-on na anak..ang tagal tagal na no'n eh"
"Move-on? Ang daling sabihin mama! Pero ang hirap gawin 'di ba? Alam mo 'yan dahil na inlove ka rin sa daddy nila kay tito France.. Alam ko 'yun..nagulat ka 'no?"
"Pero matagal ng panahon 'yun..wala na sa 'kin 'yun..ano man 'yung nararamdaman ko para sa kaniya noon matagal ko ng nakalimutan 'yun. At paano mong nalaman 'yan?"
"Kay tita kriza..ang tita kong maganda pero tsismosa hehe"
"Kay kriza mo nalaman? Ano pang sinabi sa'yo ng tita mong 'yon?"
"Hehe..si mama oh.. gustong malaman"
"Ano pa nga james?!"
"Basta sabi ni tita crush mo daw 'yun haha.kaso ang gusto is 'yung bestfriend mo..'yung mommy nila franco"
Pero biglang natahimik si dra.krizelle,
"Nga pala ma, hanggang ngayon ba hindi ka pa ready na aminin sa akin kung sino talaga tatay ko? Kung sino ba talaga s'ya? Dahil lagi mo lang sinasabi sa akin hindi natin s'ya kaylangan kaya 'wag ko ng alamin pa..pero deserve ko pong malaman ang totoo. Sino ang tatay ko?"
"James.. ayoko ng pag-usapan 'yan"
"Okay! Hindi na kita pipilitin mama! Pero p'wede bang 'wag mo na lang sabihin kay yumi na alam mo na, na s'ya ang babaeng matagal ko ng hinihintay..at sana gumawa ka ng paraan para magka usap ulit kami..please mama, gusto ko ulit s'yang makita at makausap. Kahit isang beses lang..ang dami kong gustong linawin at tanungin sa kaniya.."
"Pero paano?"
"Invite mo s'ya dito sa house..Kahit isama na n'ya si franco para naman makilala ko rin s'ya. Promise ma, pagkatapos ko siyang makausap titigil na ako.."
"Sure ka ha? Sige.."
"Thank you, ma! I love you! Kahit hindi mo masabi sabi sa akin kung sino ang ama ko"
"Hindi mo narin s'ya kaylangang makilala dahil patay naman na s'ya anak, tsaka ng sabihin ko sa kaniya na nabuntis n'ya ako hindi s'ya naniwala. At ayaw niyang masira sila ng asawa n'ya"
"Ano?!"-biglang napatayo si james. "Pumatol ka sa may asawa?!"
"Hindi ko 'yun intensyon anak!! Kaya nga pinagsisisihan ko 'yun eh..nagkamali ako..pero hindi ko pinagsisisihan ang pagdating mo..dahil ikaw ang magandang dumating sa buhay ko na hinding-hindi ko pagsisisihan. Mali talaga na nagpa buntis ako sa meron ng asawa..maling-mali 'yun..pero kung hindi nangyari 'yun edi sana wala ka sa piling ko"
Bumagsak ang balikat ni james dahil sa natuklasan..
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...