Pagkatapos ngang maligo ni franco ay lumabas agad ito at bumalik sa garden pero wala na doon si yumi. Inikot pa niya ang buong garden pero wala talaga doon kaya bumalik siya sa loob.
Hinanap niya sa Living room, sa kwarto ni diana at sa guest room kung saan nandoon si celine.
"Bakit mo sa'kin hinahanap si buntis?"-natatawang tanong ni celine.
"W-wala akala ko nandito eh"
"Wala s'ya dito, wala ba kay diana?"
"Wala din. Sige hanapin ko na lang. Salamat"
Tumango naman si celine at pagkalabas nga niya ay nakita niya s irah.
"Irah, nakita mo si yumi?"
"Hindi po, sir"
"Sige, salamat. Nasaan kaya 'yun?"
"Baka po nasa pool"
"Oo nga noh? Thank you"
Patakbo nga siyang nagtungo doon pero pagdating niya wala naman doon si yumi.
"Natakot yata sa sinabi ko, tinaguan na ako"-wika sa sarili tsaka ito bumalik sa kwarto niya para kuhanin ang cellphone niya.
Tatawagan na sana niya si yumi pero nakita niya ang cellphone nito na nasa tabi ng lampshade. Napa sapo na lang siya sa kaniyang noo at napa upo sa kama niya.
"Pinapahirapan mo talaga ako ah"-nangingiting wika nito. "Baka nasa taas ka.. tama!"
Umakyat nga si franco sa second floor at agad na binuksan ang dati niyang kwarto pero wala pa rin doon si yumi.
Kaya naman lumabas siya ng kwarto at tumapat sa kwarto ng kaniyang mga magulang.
"Yumiiiii...nasaan kaaaaaa? Yuhoooo..naku love ha. Pinapahirapan mo 'ko. Lagot ka talaga sa'kin."-sabay bukas niya ng pinto at nakita nga niya doon si yumi.
Ang laki nga ng ngiti niya ng makita doon si yumi.
"Wag kang lalapit! D'yan ka lang!"-saad nito habang umaatras.
"Bakit ka ba natatakot sa'kin love? Hindi naman kita sasaktan eh. Maglalaro lang tayo"-naka ngising saad nito. Nang mapansin niyang matatabig ni yumi ang litrato ng kaniyang ina. "Love! Mababasag!"-sigaw niya pero huli na ang lahat dahil nalaglag na ito.
"Halla! Sorry.. love!"
"Wag mong hahawakan! Ako na love. Baka masugat ka"
Lumapit nga si franco at kinuha ang litrato ng kaniyang ina ng mapansin niyang may sobre itong kasama.
Kinuha nga niya ito habang nagtataka.
"May sulat?"-tanong ni yumi. "May naalala ako sa gan'yan franco. Sa nabasag na picture frame ko rin nakita ang sulat ni mommy para kay nanay.
Binuksan nga iyon ni franco at ng ikadkad ang papel ay nakita niya agad ang pangalan nila ni francis.
Dear franco and francis,
Mga anak, hindi ko alam kung sino ang unang makakabasa sa inyong dalawa. Pero gusto ko lang sabihin sa inyo na mahal na mahal kayo ni mommy. Kaya kahit hindi na ako masaya sa kaniya pinilit ko pa rin na pakisamahan siya. Pero wag nyong isipin na hindi ko minahal ang daddy ninyo. Minahal ko siya pero mas mahal ko pa rin talaga ang ex boyfriend ko.
Patawarin nyo sana ako kung iiwan ko na ang daddy ninyo maging kayo. Gusto ko sana kayong isama pero alam kong mas magiging maganda ang buhay ninyo sa daddy nyo. Pero pangako ko mga anak, babalikan ko kayo. Mahal na mahal ko kayo. Sana maging okay kayo kahit wala ako sa tabi ninyo.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...