Chapter 25

160 5 0
                                    

Naiuwi nga din si Diana dahil nalamigan lang pala ang tiyan nito. Kumain kasi ng pinya bago ito matulog.

Sobrang nag-alala si franco sa anak,

"Okay ka na ba talaga sweetie?"-tanong nito habang pauwi sila.

"Opo,daddy..alam mo po ba hinintay ka namin ni mommy kagabi"

"Talaga anak?"-tanong nito at nakaramdam ng konsensya.

Tahimik lang naman si nayumi habang pinapakinggan ang mag ama.

"Opo, 'di po ba birthday mo. Bakit hindi ka po umuwi agad. Tsaka po naamoy po kita kanina. Amoy alak ka daddy"

Natigilan si franco at sumulyap pa kay nayumi.Niyakap na nga lang niya ang kaniyang anak dahil wala siyang maisagot dito.

"Daddy, p'wede po mag request?"

"Oo naman anak, ano 'yun?"

"Wag ka na po ulit iinom ng alak ah. Bad po 'yun 'di ba?"

"Oo anak, promise hindi na..sorry kung pinaghintay ka ni daddy kagabi. May problem lang kasi si daddy eh"-sabay sulyap nito kay nayumi. "Sa ngayon hindi mo pa maiintindihan kung ano 'yun"

"Okay daddy, nga po pala sa room ko may letter po kaming ginawa nila mommy para sa'yo. Birthday greetings po namin 'yun. Sila yaya din po tsaka sila ate nida tapos po si ate Irah."

"Talaga anak? Wow naman..sige babasahin ko 'yan mamaya lahat pag-uwi natin"

"Sige po.excited na po akong mabasa mo 'yun. Sana po kapag binasa mo lakasan mo po ah.para po marinig ko"

"Oo ba"

Pagka uwi nga ay ibinigay ni Diana ang mga ginawa nilang birthday greetings para kay franco.

"HAPPY BIRTHDAY PO SIR.SALAMAT PO SA LAHAT.SALAMAT PO KASI IKAW YUNG NAGING AMO NAMIN. NAPAKABAIT MO PO AT NAPAKA MATULUNGIN. BIGYAN KA PA PO SANA NG MAHABANG BUHAY..AT SIYEMPRE NG LOVELIFE HEHE..WE LOVE YOU SIR.."

FROM:MICHELLE

"SIR,HAPPY BIRTHDAY.SALAMAT PO SA LAHAT LAHAT NG TULONG MO.KAHIT HINDI NYO PO AKO KAANO-ANO TINUTULUNGAN NYO PA RIN PO AKO. LALO NA PO YUNG ANAK KO. SALAMAT PO SA PAGPAPA-ARAL SA KANIYA.KAHIT SINGLE MOTHER PO AKO DI PO AKO GAANONG NAHIHIRAPAN KASI ANDIYAN KA PO PARA SA AMING MAG INA.NAPAKA BUTI MO SIR, MAHAL KA NAMING LAHAT..HAPPY BIRTHDAY PO ULIT."

FROM:IRAH

Nakangiti naman si franco habang binabasa ang mga iyon.

"HI,SIR. HAPPY KAARAWAN PO HEHE.HAPPY BIRTHDAY SA PINAKA GWAPO NAMING BOSS AT PINAKA MABAIT. SIYEMPRE MABAIT DIN NAMAN SI SIR FRANCIS PERO MAS MABAIT KA PO. SALAMAT PO SA LAHAT NG TULONG MO SA AMIN NG LOLA KO. HINDI MO PO SIYA PINABAYAAN KAYO DIN ANG SUMAGOT NG HOSPITAL BILL NIYA NG MAOSPITAL PO SYA.KAYA PO HINAHANGAAN KITA EH. LAVARN LANG SIR! MAHAHANAP MO RIN ANG BABAENG MAGIGING KABIYAK NG PUSO MO.MALAY MO AKO YUN HEHE. JOKE LANG PO. INGAT PO PALAGI."

FROM:NIDALYN (NIDA GANDA 4 SHORT)

"HAPPY BIRTHDAY DADDY! I LOVE YOU SO MUCH. KAMI PO NI MOMMY MAHAL NA MAHAL KA PO NAMIN"

Nahinto sa pagbabasa si franco at sumulyap pa kay nayumi. Agad namang umiwas ng tingin ang dalaga.

"Daddy, why po?"

"Ah. Wala anak..tuloy ko na"

"Okay po"

"ALAM KO DIN PO NA MAHAL NA MAHAL MO KAMI NI MOMMY. ALAM MO DADDY MASAYA PO AKO KASI PO KASAMA KO NA SI MOMMY. I LOVE YOU SO MUCH PO"

FROM:DIANA FRANCIA DELA VEGA

"I love you too, anak..ikaw ang buhay ni daddy"-sabay yakap niya dito.

Ang huling sulat nga ay galing iyon kay nayumi. Pero hindi na niya iyon binasa.

"Itong letter ni mommy bukas ko na lang babasahin"

"Bakit po,daddy?"

"Inaantok na si daddy eh. Tulog ka na din anak. Sleep ka na ah.. may sasabihin lang si daddy kay mommy"

"Okay po, Good night daddy, Good night mommy"

"Good night anak"-sabay na tugon nila franco at nayumi.

Nagkailangan nga ang dalawa pagkatapos nilang iwan si diana. Hindi makatingin ng diretso si franco sa mga mata ni nayumi. Maging ang dalaga ay ganoon din.

"Sorry"-tanging naiusal ni franco.

Tumango lang si nayumi ng hindi tumitingin kay franco.

"Muntik nanamang may mangyari sa'ting dalawa."-diretsahang wika ni franco kaya napa angat ng tingin si nayumi dito.

"Buti nga po hindi 'yun natuloy. Dahil alam kong sobra ko po 'yun na pagsisisihan"

"Handa kitang panagutan kung sakali man na natuloy 'yon"

"Alam ko..pero ang pangit sir! Ang pangit na may mangyaring gano'n lalo na't hindi naman po tayo magka relasyon.alam ko pong nasabi ko na ito noong una. Sir sana last na 'to. Sa totoo lang po talagang hiyang hiya ako sa sarili ko. Muntik na pong matuloy 'yun. Kung hindi nga lang dahil po kay diana baka umalis na po ako dito eh"

"Sorry talaga yumi,sorry.."

"Ayoko po sana munang aminin 'to pero kaylangan n'yo pong malaman ang totoo"

"A-anong totoo? Na mahal mo rin ako?"

"Hindi po ito tungkol sa ating dalawa sir, tungkol po ito sa aming dalawa ng pamangkin ko"

"Pamangkin? S-sinong pamangkin?"

"Si diana po"

"Wait,what?! Paano mo naging pamangkin ang anak ko?!"-gulat na tanong ni franco.

"Dahil magkapatid po kami ni celine"

"Pinagti-tripan mo ba 'ko?

"Sa tingin mo talaga sir pinagti-tripan kita?"

"Pero---- paanong?"

Itutuloy..

Mommy For HireWhere stories live. Discover now