Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 38
Hindi nagawang aminin ni Franco kay Michelle ang kaniyang natuklasan mula kay Yohan.
Nanatiling sikreto nga iyon dahil ayaw niyang masaktan si michelle.
.
.Sa PAGLIPAS nga ng mga araw at linggo ay mas lalong nahihirapan si franco habang dala-dala ang lihim ng kaybigan.
Paano nga ba niya aaminin sa kanilang kasambahay na itinuturing na niyang kapatid ang katotohanan.
Ilang buntong-hininga muna nga ang pinakawalan niya bago lapitan si michelle habang inaasikaso nito si diana.
"Ah, michelle?"
Agad namang napalingon si michelle kay franco.
"Mamaya usap tayo pagtapos mong asikasuhin si diana ah"
"Tungkol saan, sir?"
"Mamaya ko na sasabihin kung tungkol saan"-sabay hawak niya sa balikat nito.
Tumango na lamang si michelle habang inaayos nga nito ang buhok ni diana.
"Hi, daddy. Sila cheska at anne po?"
"Nasa garden, anak. Kasama si lola mo"
"Sige po, daddy. Ki-kiss muna ako sa kanila bago ako ihatid ni yaya"
"Kakausapin ko muna si yaya ah, bago ka niya ihatid"
"Okay, daddy"
Ngunit pagtalikod ni franco ay biglang nagbago ang isip nito, hindi nanaman niya kayang sabihin kay michelle ang totoo.
"Para saan pa nga ba na sasabihin ko ang totoo, eh wala naman na rin sila ni yohan"-wika nito sa sarili at tuluyang umalis sa tabi ng dalawa.
-
-"Sir, ano 'yung sasabihin mo?"-tanong ni michelle pagkalapit nito sa kaniya.
"M-michelle, K-kasi.."
"Ano po 'yun, sir?"
"Ahm..ano kasi.. itatanong ko lang sana sa'yo kung may balita ka kay yohan"
Pag-iiba niya..
"Wala sir"-maikling tugon ni michelle.
"Hindi na s'ya tumawag sa'yo mula noon?"
"Hindi na po. Sige sir, ihahatid ko na po si diana"
Tumango na lamang si franco at agad namang tumalikod sakaniya si michelle.
-
-"Kuya, jovan. Daan tayong mercury. Bibili lang ako ng gamot"-ani michelle habang naiipit sila sa kahabaan ng traffic.
Naihatid na nga nila si diana at pabalik na sila ng mansyon.
"Nandito na tayo sa mercury"-ani jovan ng gisingin niya si michelle.
Naka idlip ito dahil sa haba ng traffic.
Agad namang bumaba si michelle at nagtungo sa loob ng Mercury Drug Store.
May pila kaya naman pumila din siya ng matanaw niya ang pamilyar na mukha.
"T-teka, parang kilala ko 'to ah"-aniya at lumipat sa kabilang pila.
"Ah, excuse me po. Rica Eugenio?"
Nag-alis naman ng salamin ang babae at tinitigan si michelle sabay lingon sa pinto ng mercury.
"Yay! Sabi na eh! Ikaw 'yan. Alam mo bang idol na idol kita?"
Nakuha nga ni michelle ang atensyon ng ibang tao dahil na rin sa lakas ng pagkakasabi niya.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...