Chapter 70

121 2 0
                                    

"Parang ang ingay nila?"-tanong ni david at napansin nilang wala si jonathan.

"Si onat nasaan?"-tanong ni yohan.

Narinig pa nga nila ang ilang pagtili galing sa kusina kaya maging sila franco ay nagtungo doon.

Nakita nga nila ang pagtulak ni nida kay michelle papunta kay jonathan.

Maging sila David, Eric, Joselito, Yohan at Franco ay kinilig din dahil sa nasasaksihan.

Napasulyap din si franco at kitang-kita nito kung paano kiligin si yumi kila jonathan at irah. Kaya naman nilapitan niya ito at napabaling lahat ng atensyon sa kanila.

"Kilig na kilig love ha. Ako lang dapat nagpapakilig sa'yo"-saad nito at umakbay kay yumi.

"Nakaka kilig kasi sila, love parang mga teen-ager haha"

"Ayoko na! Labas na 'ko!"-ani michelle. "Hindi ko na kinakaya"

Naghiyawan naman sila david,joselito at eric,

"Whhoooaaaa!"

"Sundan mo!"-sabay tulak ni eric kay yohan.

"Ayoko..luko-luko ka!"

"Kunwari ka pa eh"-ani naman ni david.

"Kaya hanggang ngayon hindi ka nagkaka girlfriend ulit kasi torpe ka! Torpe!!"-sigaw ni eric kaya nagtawanan ang lahat.

Nagulat din sila ng magtungo si francis doon,

"Ay..nabulabog natin 'yung may ka bebe time sa cellphone"-saad naman ni joselito.

"Rinig na rinig ko nga 'yung ingay eh haha!"

"Paano itong si Jonathan nanliligaw agad!"-tugon naman ni joselito.

"Really? Bilis ah!"

"Ang bilis talaga.."

"Wala pa namang ligawan.. nagka aminan lang na crush ang isa't-isa. Sana all!"-saad ni yumi kaya tinitigan s'ya ni franco.

"Sana all ka pa d'yan"-nangingiting saad ni franco.

"Iwanan na natin muna 'yung dalawa para makapag-usap naman"-saad ni david.

"Tama!"-tugon nilang lahat at umalis nga sa kusina.

Naiwan nga doon sila irah at jonathan.

At dahil silang dalawa na lang ay nagkahiyaan sila, para silang naging pipe bigla.

Magkakatinginan tapos biglang iiwas ng tingin.

Hanggang sa binasag na nga ni jonathan ang katahimikan nilang dalawa.

"Taga saan ka nga pala?"

"Ah..taga quezon province ako"

"Ah..ang layo pala.. paano 'yan kapag nagde-day off ka?"

"Once a month lang 'yung day off ko. Pero 1 week ako sa amin. Nasa nanay at tatay ko 'yung anak ko"

"Ah..sabi nga ni franco. Nagkikita pa kayo ng tatay ng anak mo?"

"Hindi na.. kasal na rin 'yun sa iba. Kumbago ako 'yung binuntis pero iba 'yung pinakasalan"

"Ay.. ibang klase!"

"Kakaiba talaga"

"Buti hindi ka na trauma sa lalaki? Dahil mahirap din pala pinadaanan mo"

"Hmm.. na trauma din hehe. Sabi ko nga noon ayoko na magmahal kasi baka masaktan lang ulit ako. Tsaka baka wala na rin magmahal sa'kin dahil nga single mother ako. Tsaka ayoko naman na ako lang 'yung mahal ng lalaki paano naman 'yung anak ko 'di ba? Kaya hindi bale na lang na walang boyfriend"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now