Chapter 115

74 2 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 4

Nanganak na nga si yumi sa kambal nila ni franco, at laking pasasalamat nga niya at normal niyang naipanganak ang mga ito at pare-pareho silang ligtas.

Pero biglang nagbago ang mood niya ng makita niya si franco.

Nailipat na nga silang mag-iina sa kwarto kaya naman pumasok na rin si franco doon.

"Ano'ng ginagawa mo dito?!"-tanong ni yumi kahit nanghihina pa rin ito. At pinilit ngang iangat ang kaniyang ulo habang katabi niya ang kambal.

"Love.."-ani franco at akmang lalapit sa mag-iina niya.

"Diyan ka lang! 'wag kang lalapit! Galit ako sa'yo! Wala kang karapatan makita ngayon ang mga bata!"

"Love, sorry na, hindi ko alam eh. Sorry talaga. 'wag ka ng magalit. Nandito na 'ko. Ako magbabantay sa inyo ng mga anak natin."

"Hindi ka namin kaylangan dito! Bumalik ka na sa trabaho mo! Sila nanay ang papuntahin mo dito!"-naluluhang sambit ni yumi.

Hindi manlang nga niya malapitan ang mga anak niya para mabuhat manlang ang mga ito at mahalikan.

"Ano bang gusto mong gawin ko love para mapatawad mo 'ko? Naka silent kasi ang cellphone ko eh kaya hindi ko alam na ang dami mo na palang missed calls"

"Alam mong may buntis kang asawa na kahit ano'ng araw o oras p'wedeng manganak pero nagawa mo pa rin mag silent ng cellphone mo! Sabi ko sa'yo kagabi 'wag ka ng pumasok 'di ba? Kasi kagabi pa lang hindi na maganda ang pakiramdam ko eh. Pero inuna mo pa rin ang trabaho! Inuna mo pa rin ang meeting na 'yan! Tutal mas mahalaga 'yan sa'yo eh, Kaysa sa amin ng mga anak mo! Edi, sige! Pleae lang, franco! Umalis ka na muna! Please! Umuwi ka na! Si nanay ang gusto kong bantay namin dito! Hindi ikaw!

"Love.."

"I said, leave! Ano ba?!"

Dahil nga alam ni franco na hindi naman niya agad masusuyo si yumi ay sinunod na lamang niya ang gusto nito at lumabas nga ng kwarto.

Mamaya pa ang visiting hours kaya naman mamaya pa makakapasok sila nida, michella at francis sa loob.

--------

"Babe, pupunta ka ba ng ospital ngayon?"-tanon ni james kay celine habang kausap niya ito sa cellphone.

"Ospital? A-ano'ng gagawin ko sa ospital babe? Day off mo 'di ba?"

"Si yumi kasi. Nanganak na"

"What?! Seryoso? Nanganak na ang kapatid ko?"

"Oo nga babe, tumawag sa'kin si eriz kanina at si nida mismo ang nagsabi sa kaniya.

"Gano'n ba? Sige! Sige.. pupunta na 'ko"

"Sabay na tayo babe, susunduin na lang kita d'yan sa inyo"

"Sige, babe."

Pagdating nga nila ng ospital ay agad nilang inakyat kung saang room naka admit sila yumi.

"Oh, Franco? A-ano'ng ginagawa mo dito sa labas ng kwarto nila yumi?"-tanong nga ni celine ng maabutan nilang naka upo sa labas ng kwarto si franco.

"Hindi ako p'wede sa loob eh"

"Huh? Bakit naman?"

"Galit sa'kin asawa ko eh, wala kasi ako sa bahay kanina. Sila nida at michelle lang nagdala sa kaniya dito sa ospital. Kaysa mabinat dahil sa galit sa'kin pinili ko na lang na lumabas. Pero ang akala niya umuwi ako. Pero baka sinabi na rin nila francis na nandito pa rin ako"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now