Chapter 120

74 3 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 9

"Eriz, bumangon ka na d'yan, tulungan mo akong mag-ayos ng mga pinamalengke ko at magluluto pa 'ko, Hapon na"

Nang makita nga ni nida ang mga natanggal na saplot ay agad niya itong kinuha at isinuot.

At naka titig pa rin sa kaniya si eriz,

"Hoy! Buksan mo na!"-ani nida kaya lang nabalik sa wisyo si eriz at tumayo ito para buksan sana ang pinto.

"P-pero paano ka? Magpapakita ka kay---"

Hindi na nga naituloy ni eriz ang sasabihin ng biglang may pumihit sa Door knob at bumukas ito.

Kapwa nga nanlaki ang mga mata nilang tatlo.

"Ano'ng ibig sabihin neto eriz?!"-Kunot-noong tanong ni belle sa kaniyang anak sabay baling ng tingin kay nida.

"Anong ginagawa n'yo?"

"Nay, ba't ang bilis mong naka balik? Balik ka ulit sa palengke 'nay"

"Eriz mali 'tong ginagawa n'yo!"

"Ang alin po? Ang mag-usap po sa kwarto kasi may problema ang sweetie pie ko?"

"Hindi ako naniniwalang nag-uusap lang kayo. Sa kwarto pa talaga?"

Hindi naman maka kibo si nida nanatili itong naka upo sa kama ni eriz habang yakap ang sarili.

"Sabihin mo sa'kin hija, Ano'ng ginawa sa'yo ni eriz? Pinilit ka ba n'ya?"

Mabilis namang umiling si nida at yumuko na lamang ito.

"Eriz naman! Mali 'tong ginagawa n'yo! Hindi pa kayo mag-asawa para sa gawin n'yo ang ganitong bagay"

"Ni hindi pa nga po kami eh"-tugon ni eriz.

"Oh? 'yun naman pala. Hindi pa pero nauna na ang honey moon"

"W-wala pong gano'n tita. Wala pong nangyari sa'min ni eriz"-tugon naman ni nida.

"Kasi nga po bumalik ka kaagad hehe"

"Naku eriz! Nang gigigil ako sa'yo!"

"Mas nang gigigil po ako 'nay. Hehe.. Joke lang po. Sorry na 'nay."

Sabay tingin nga ni eriz kay nida at kapwa nga sila nakaramdam ng hiya sa isa't-isa.

"Uwi na po ako, tita"-akma sanang tatayo si nida ng biglang lumapit si eriz sa kaniya.

"Nay, usap lang po kami sandali. Lalabas din po kami kaagad"-ani eriz kaya tumango naman si belle at siya na mismo ang nagsara ng pinto.

"Sorry sa ginawa ko, nida. Sorry talaga. Alam kong napaka bilis para do'n. Sorry.. Sinamantala ko 'yung kalungkutan mo. Yung pag-iyak mo..Sorry talaga. Mali talaga 'yung ginawa ko. Lalo na't hindi pa naman tayo.. Sorry"

"So, nagsisisi ka sa ginawa nating dalawa?"

"H-hindi.. ginusto ko 'yun eh. Pero nag so-sorry ako kasi mali 'yung ginawa ko"

"Pareho nating ginusto 'yun. Kaya hindi mo kaylangang humingi ng tawad. Eriz, mahal kita"-sabay haplos nga niya sa mukha ni eriz.

"T-talaga? M-mahal mo din ako?"

"Kung hindi... Papayag ba akong pahalik sa'yo? Alam mo aaminin ko noong una ayoko sa'yo eh. Para ka kasing may sayad sa utak eh. Pero sadyang masayahin ka lang na tao. At napapasaya mo 'ko, ang gaan ng pakiramdam ko kapag kasama kita. Bihira kang makipag usap ng seryoso pero alam ko at ramdam kong seryoso ka sa nararamdaman mo para sa'kin at gano'n din ako sa'yo. Mahal na mahal kita"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now